Kabanata 2

1.4K 58 31
                                    

Kabanata 2

Insane

Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan kanina ni Goldie ngunit wala na siya roon. Nag-unahang tumulo ang luha ko habang tumatakbo kung saan. Hindi ko alam kung paano makakabalik pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.

"Oh my gosh!"

Lalong tumulo ang luha ko nang makita ko na ang mga flashlights. Binilisan ko pa ang pagtakbo kahit na nanginginig na ang buong katawan ko. Una kong nakita si Pine na napalingon sa akin kaya agad na niyakap ko siya.

"Where have you been, Doe? Ang sabi ko, hintayin mo ako."

Tinignan ko sila. Hindi ba nila narinig ang sigaw ni Goldie kanina? Hindi ba nila alam na nawawala ito? Tinignan ko sila at binilang. Tanging si Goldie at Silver ang wala.

"Why are you crying?" Tinawana pa ako ni Jet habang pinaglalaruan sa kaniyang kamay ang flashlight. Tinututok niya iyon sa mukha ko.

"Stop it, Jet!" Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko dahil nakakasilaw ang ginagawa ni Jet.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo habang umiiyak? Tsaka nanginginig ka." Sabi ni Pine.

"Did you saw a ghost?" Tanong ni Flint.

"Where's Silver?" Tanong ko, hindi pinansin ang pang-aasar ni Flint.

"Nandun sa gilid, umiihi. Susundan mo?" Ngising sagot ni Slate.

Umirap ako, "Nawawala si Goldie!"

Napawi ang ngisi at tawa sa mukha nila at nilibot ang tingin sa aming lahat. Saka lang nila napagtantong wala nga si Goldie. Seriously? Ako lang talaga ang nakarinig ng sigaw niya, eh ang lakas kaya nun!

"We? Hoy Doe, huwag kang nang-gogoodtime, ah!" Sabi ni Jet.

Tinignan ko sila ng masama. Bakit parang wala silang pakielam? Mukha bang bibiruin ko ang mga ganung bagay sa kaibigan ko?

"I saw her kanina nung iniwan mo ako, Charra, tapos nung lalapitan ko na siya, bigla siyang nawala tapos malakas siyang sumigaw."

Tumawa si Jet, "Ghost aren't real, Doe!"

"Kung hindi pala totoo, bakit nagplano pa kayo ng ganito?" Seryosong tanong ko.

Naiinis na ako sa kanila. Una palang, sila na ang may pakana nito tapos ngayong may nangyaring hindi maganda sa kaibigan namin ay parang wala lang sa kanila at nagagawa pa nilang makipagbiruan?

"To have fun! Ang boring mo kasi Doe kaya hindi mo kami maintindihan." Tumawa si Slate saka nakipag-apir kay Flint na para bang tama ang sinabi niya.

"Wait, tama na nga muna ang biro, boys!" Pumunta si Charra sa harap ko, "Nawala si Goldie?"

Tumango ako, "Pupuntahan ko sana siya kasi may hawak siyang flashlight kaso bigla nalang siyang nawala."

"Oh gosh!" Pine exclaimed.

"What? Naniniwala kayo kay Doe? Walang ganun guys! Kathang isip lang iyon na pinalabas sa mga tv." Tumawa si Flint.

"Sige, tumawa kayo! Kapag walang Goldie ang nagpakita sa atin mamaya, ewan ko nalang." Irap na sabi ni Pine.

Biglang dumating si Silver na inaayos pa ang zipper ng kaniyang pants. Litong tinignan niya kami saka tinanong sina Slate kung ano ang pinag-uusapan namin.

"Nawawala raw si Goldie. Ewan ko ba dito kay Doe kung saan nalaman ang mga ganiyang bagay." Sabi ni Slate.

Umigting ang panga ni Silver at seryosong tumingin sa akin. Umiwas ako dahil sa talim ng titig niya. Nasilaw pa ako nang kumislap ang hikaw niya dahil sa flashlight ni Jet.

"Totoo ang sinabi ko. Kaya tumakbo agad ako rito..." nakayukong sabi ko.

"Doe, thirty minutes kang nawala... so it means, thirty minutes kang tumakbo?" Tanong ni Charra.

"S-siguro... E-ewan! Tumakbo lang ako ng tumakbo kanina hanggang sa makarating ako dito."

Pinakiramdaman ko ang paa ko at masakit nga iyon. Pero bakit parang sandali lang naman ang tinakbo ko? Thirthy minutes na iyon?

"Saan siya nawala?" Seryosong tanong ni Silver.

"Kung saan ako iniwan ni Charra kanina. H-hindi ko alam kung saan iyon."

Napapaso ang sa tingin ni Silver kaya hindi ko siya matignan sa mata. Nilingon niya sina Jet na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Nagulat nalang kami nang suntukin ni Silver si Flint dahil siya ang tawa ng tawa kanina pa.

"What the fuck dude?" Inis na sabi niya at akmang babawian din sana si Silver ngunit maliwanag na ilaw ang tumutok sa amin.

Pumikit ako dahil sa lakas ng ilaw. Napaatras kami nang makitang si Sir Ivan iyon. Nakapajama lamang at galit na galit ang tingin.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba't kanina pa kami nagbuzzer?"

"S-sir..."

Pinatay niya ang flashlight nang makalapit na sa amin kaya maayos na namin siyang nakita. Magkakadikit na kaming pito. Umiyak ako at parang gusto kong magsumbong kay Sir dahil nawawala si Goldie.

"Pumasok na kayo sa tent niyo at bukas nalang ang punishment na ibibigay ko."

"S-sir sandali! Nawawala ho si Goldie..." tinuro ko pa ang gubat habang sinasabi niyo.

"That's not my problem! Kayo ang hindi sumunod sa patakaran. Kung hindi sana kayo umalis ng hating-gabi, edi sana sama-sama kayo ngayon."

Umakyat lahat ng dugo ko. Anong klaseng teacher ito? Sa kaniya kami pinagkatiwala ng mga magulang namin tapos wala siyang pakielam? Akala ba nila biro lang ang pagkawala ni Goldie?

"Kung ganun Sir Ivan, pwede ba naming makuha ang cellphone namin para matawagan ang magulang ni Goldie?" Inis na sabi ni Charra saka inilahad ang kaniyang palad sa harap ni Sir ngunit tinignan niya lang iyon.

"Bulok na ang mga ganyang istilo, Charra Castro... pumunta na kayo sa tent niyo kung ayaw niyong madagdagan pa ang punishment niyo bukas."

Kanina ko pa napapansin ang pagpunas niya ng kaniyang kamay sa tissue. Tinignan ko siya saka sinamaan ng tingin kahit na ang tingin niya ay nasa gubat.

"Sir, hindi mo po ba naiintindihan? Kaibigan namin ang nawawala dyan sa gubat!" Sigaw ko.

"Ano ba ang ginawa niyo?"

"Ghost hunting. We were just having fun!" Ngumisi pa si Jet.

Inirapan siya ni Pine, "We thought it's fun!"

"That's the point, Pine Cervera, akala niyo lahat ng ginagawa niyo ay masaya. Now, go back to your tent dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi niyo ako sinunod."

Tumaas lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Wala kaming nagawa kundi bumalik na lamang sa tent. Inalalayan ako ni Pine dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

Si Charra naman ay malalim pa rin ang iniisip hanggang sa makarating kami sa tent. Uminom ako ng tubig saka hinarap silang dalawa.

"I really saw Goldie earlier! Sumigaw siya ng malakas. Hindi niyo ba narinig?"

"We didn't! Tsaka kinakabahan na rin kami kanina kasi ang tagal mo bago nakabalik." Sagot ni Pine.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na thirty minutes akong tumatakbo kanina. Tinignan ko ang paa ko at nakitang may kunting galos iyon dahil siguro sa mga damong nadaanan ko.

"Bukas subukan nating hanapin si Goldie... matulog na muna tayo ngayon."

Humiga kami ngunit hindi pa rin ako makatulog. Imposibleng multo ang kumuha kay Goldie. Kung multo iyon, dapat tinakot lang siya ngunit yung kukunin pa siya? That's insane!

The CampTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang