Kabanata 7

1K 51 26
                                    

thank u sa book cover ♡
___________

Kabanata 7

Trust

Sabay na napatayo kami ni Silver habang pinapalibutan nang mga kasama namin ni Sir. Ngumiti siya sa mga ito tapos ay binalik ulit sa aming dalawa ni Silver ang tingin niya.

"We want to go home, sir!" Sigaw ni Rai.

Pinapanuod ko lamang sila at tila napako ako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw. Nag-away si Rai at Ayson dahil sa desisyon ni Rai na ikinais ni Ayson dahil narito pa ang mga kaibigan nilang si Candy at Gema.

"I am not strong like you, Ayson! Kung ikaw kaya mo rito, ako hindi. Just fucking respect my decision!"

Umirap ako sa kanila. Gusto kong sumali sa away nila ngunit ang mga tingin ni Sir sa aming dalawa ni Silver ang nagpapa-urong sa akin sa pagsalita.

Ano bang problema niya sa amin?

"Have to go, Doe..." paalam ni Silver dahil tapos na si Jet maligo.

Nag-iwas nalang ako nang tingin kay Sir, hindi pinansin ang nakakamatay niyang tingin. Pumunta ako sa tent nila para ihanda ang damit na susuotin ko.

"Doe, maligo ka na. Tapos na ako..." ani Charra habang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamit ang maliit na towel.

Tumango ako sa kaniya saka dinala ang mga gamit ko. Naabutan ko sa labas si Sir na nakikipagkwentuhan sa mga estudyante. Nang dumapo sa akin ang tingin niya ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nang mukha niya.

Umirap ako sa kawalan. Akala ba niya hindi ko napapansin na mukhang may kinalaman siya sa nangyayari ngayon?

Matagal akong naligo dahil pakiramdam ko ay ang baho-baho at ang dumi ko na. Sa kalagitnaan nang pagligo ko ay may narinig ang dalawang boses na naguusap.

"Just kill her!"

Pinatay ko ang foset para lalo kong marinig ang usapan nila. Ang nagsalitang iyon ay si Sir Ivan. Kinuha ko ang cellphone ko sa short na suot ko kanina para irecord ang mga sasabihin niya dahil baka umamin na siya. Atleast may ibedinsya ako.

"It's not that easy, Sir..."

Nanlamig ako at tila nawala sa katawan ko ang kaluluwa ko nang marinig ko ang boses ni Charra. Hindi. Walang kinalaman si Charra rito!

"Madali lang iyon kung gusto mo... think twice, Miss Castro... What do you want? To kill or be killed?"

Ang choices na iyon. Dammit! Teacher namin siya at siya ang may pakulo nang camping na ito tapos tuturuan niyang pumatay si Charra? Ang estudyante niya?

At sino ang papatayin nila?

"I can't." Mahinang sabi ni Charra, ramdam na ramdam sa kaniya ang takot.

Kung hindi lang ako hubad at puno nang sabon ang buong katawan ay baka lumabas na ako para awayin si Sir. Pero naisip ko rin na huwag muna ako magpa-dalos dalos. Mahirap na kapag mali ang hinala ko, mapapahamak si Charra.

"I know that, that person is your friend pero ano ba ang mas mahalaga?"

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. Sino ang person na iyon? Hindi niya sinabi kung babae iyon o lalaki kaya wala akong ideya. Tsaka bakit nila siya papatayin?

Shit!

Tumahimik na ang paligid at hula ko ay umalis na sila. Binilisan kong maligo. Hindi ko alam kung ikukwento ko kay Pine o hindi. Damay na si Charra dito kaya ayokong idamay naman si Pine, lalo na't siya ang pinaka-close ko.

Tahimik akong nagsusuklay sa loob nang tent. Ang ibang estudyante ay umalis na kani-kanina lang kaya iilan nalang kaming natira. Si Ayson, Stick tapos kaming magbabarkada.

Tinignan ko si Charra na nagaayos nang gamit niya. Wala ni-isa sa amin ang pinapansin niya. Maging kami ni Pine ay hindi niya pinapansin. Nagulat ako nang maglabas siya nang isang kutsilyo at ipinasok sa maliit niyang bag.

"What's that, Charra?" Tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa pagliligpit nang kaniyang gamit at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Nataranta ako nang isuot niya ang back pack niyang maliit at nagsimulang umalis ng tent.

"What the heck, Charra? Where do you think you're going?" Inis na tanong ko.

Sinundan ko siya. Napatigil si Pine, Silver at Jet sa pagkukwentuhan nang lumabas kaming dalawa ni Charra sa tent. Nilapitan niya kami, tulad ko ay tinanong din nila kung saan pupunta si Charra.

"Don't mind me! Huwag niyo akong pakielam sa gagawin ko."

"Ano ba ang gagawin mo?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Napatingin siya sa akin. Sa kabila nang matapang niyang mata ay kitang kita ko ang panginginig niyon habang nakatingin sa akin. Natatakot ba siya?

"C-charra..." hinawakan ko ang kamay niya ngunit marahas siyang umiwas.

"Don't fucking touch me!" Sigaw niya.

Nagulat kaming dalawa ni Pine sa inaasta niya. Hinawakan din siya ni Jet at Silver tulad nang nangyari kanina, iniiwas niya rin ang braso niya. Nanginginig ang kamay niya habang umaatras sa amin.

"Charra, ano ang pinaguusapan niyo ni Sir Ivan kanina?" Kunot noong tanong ko.

Nagulat si Pine at tinanong ako kung ano ang pinagsasabi ko ngunit hindi ko siya pinansin. Ayokong madamay siya dito at kung kaya ko pang pigilan ay ayaw ko ring madamay si Charra.

"Charra, don't trust anyone!" Sabi ko.

Ngumisi siya na siyang ikinagulat naming lahat. Mabilis na tumaas-baba ang dibdib niya dahil sa lakas nang hininga niya. Masama na ngayon ay tingin niya sa aming apat.

"Oo nga, Doe... I DON'T FUCKING TRUST ANYONE!" Madiin niyang sabi.

Tiniwag namin siya nang bigla siyang umalis ngunit hindi siya tumigil. Hindi namin alam kung saan siya pupunta at kung alam ba niya ang daan dito. Ang tanging nagawa nalang namin ay panuorin siyang naglalakad palayo.

"What's with Charra? Ang weird niya ngayon..." rinig kong sabi ni Ayson.

Tinignan ko siya dahil sa pangingielam niya ngunit mukhang hindi niya iyon pinansin. Nakatingin pa rin siya kay Charra na parang kakaibang nilalang ang kaibigan ko.

Kinalma ko ang sarili ko at baka kung ano ang magawa ko ngayon sa kaniya. Tumigil na rin naman siya. Naiwan kami ni Pine na nakaupo sa nakatumbang puno.

"Ano iyong sinabi mo kanina, Doe? About kay Sir Ivan? What did you hear?" Sunod sunod niyang tanong.

Umiling ako, "Wala..."

Hindi ko sasabihin sa iyo, Pine para sa ikabubuti mo. Tinignan ko muli ang daan na tinahak kanina ni Charra. Nagaalala na ako sa kaniya dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya.

"Nawawala si Jet!" Sigaw ni Slate ang umalingawngaw sa buong kagubatan.

At ano daw? Nawawala si Jet?

________

ilang araw akong na-upset kasi mukhang hindi siya nakakatakot kaso bigla kong narealize na hindi pala Horror ang genre neto! just tell me nalang if panget, okay?

The CampWhere stories live. Discover now