Chapter 11: Mga bagay na gusto mong mangyari sa 'yo bilang writer

1.1K 43 23
                                    

Mga bagay na gusto mong mangyari sa 'yo bilang writer

Iba-iba ang dahilan ng mga wattpad writers kung bakit sila nandirito sa site na ito. Iba-iba rin ang intensyon na mayroon sila at narito ang ilan sa mga bagay na gusto nilang mangyari o goal nila kung bakit sila narito sa Wattpad:

1) TO BE A PUBLISHED WRITER

Ito ang pangunahing dahilan ng iba kung bakit sila naririto sa Wattpad. Dahil umaasa sila na sa pamamagitan ng website na ito ay mapapansin din sila ng madla at mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng published book nationwide.

2) TO BE A POPULAR WRITER

Wala naman sigurong writer ang gugustuhin na walang magbasa ng akda nila. Sino ba ang aayaw sa popularity? Kahit siguro iyong mga sikat na at nagre-reklamo na ngayon dahil marami nang nangungulit sa kanila ay minsan ding umasam na sumikat.

Ika nga nila, wala ring sense kung nagsusulat ka ng isang akda na wala namang nagbabasa.

Hindi ba at masarap sa pakiramdam na bigla ka na lang pinagkaguluhan paglabas mo ng mall? O kaya naman blockbuster ang pila kapag may book signing ka?

3) TO INSPIRED SOMEONE

Mayroong ibang authors na hindi naman naghahangad ng popularity. Nagsusulat sila kasi gusto lang nilang mag-express o magpamulat ng isang certain issue na hindi masyadong nabibigyan ng pansin. Isang halimbawa nito ay ang pagsusulat ng mga LGBT stories na bihirang mabigyan ng pansin ang mga sarili nilang kwento sa lipunan na ginagalawan natin.

Ang makapag-inspire ng isang tao nang dahil sa ginawa mong akda ay isa na ring achievement para sa isang manunulat. Lalo na kung may natutunan silang aral sa story mo at na-i-apply nila iyon sa totoong buhay. Masarap sa pakiramdam na may natulungan ka at na-inspired kahit na ang tangi mo lang namang ginawa ay tumipa ng isang kwento gamit ang imahinasyon mo.

4) TO GROW MORE AS A WRITER

Isa sa achievement o bagay na gustong maranasan ng isang writer bilang isang manunulat ay makita na nagkakaroon na ng improvement ang mga gawa niya. Sa totoo lang, malaki ang nagiging contribution ng mga criticism na nababasa ng isang writer para mas mag-grow pa as a writer.

5) TO TOUCH SOMEONE'S HEART

Ito ang pinakamasaya. Iyong tipo na kapag gumawa ka ng story eh hindi basta-basta malilimutan ng mambabasa ang story mo kahit makabasa pa siya ng ilang libong story sa Wattpad.

Iyong tipo na hindi lang niya basta magiging paborito ang story mo kundi nakatatak na ito sa puso niya. Masarap sa pakiramdam para sa writer na kung drama ang genre ng story niya ay maiiyak talaga ang mambabasa at kung comedy naman ay makakapagpatawa talaga siya ng mga mambabasa. Isa rin sa mga achievement ng isang author na maramdaman talaga ng mga readers niya ang mga sinusulat niya.

6) MAKATAPOS NG KWENTO

Ang makatapos lang ng isang story ay isa nang achievement para sa isang manunulat. Kapag gumagawa ng kwento ay matinding tiyaga ang kakailanganin para lang may matapos. Hindi ito alam ng karamihan ng mga tao pero maraming authors na mas madalas na kalaban ang sarili niya higit na sa kahit ano pa mang bagay. Kung minsan ay writer's block o kaya naman ay simpleng katamaran.

Kung minsan naman, sa sobrang daming idea ay maya-maya kang may maiisip na bagong stories at kating-kati na ang mga kamay mo na mag-type pero pipigilan mo ang sarili mo dahil alam mo na dapat tapusin mo muna ang mga nauna mong nagawa bago ka gumawa ulit ng bago.

Hindi lang alam ng iba pero ang ending ang pinakamahirap na parte na gawin sa isang story. Kaya naman kapag natipa mo na ang salitang The End sa story mo ay ang sarap-sarap sa pakiramdam. Napakasarap sa pakiramdam na hindi mo na maiisip kung may magbabasa pa ba no'n o may pag-asa kaya iyong makapasa sa mga publishing company na pina-plano mong pagpasahan.

Kasi, kapag nakatapos ka ng isang story ay pakiramdam mo ay may bago ka na namang anak. May natapos kang isang bagay na hindi mo iniisip na kaya mo palang wakasan.

7) TO HAVE A HONEST READERS

Kahit ang pinakasikat nang mga authors ay naghahangad din ng mga honest readers na magsasabi sa kanya kung ano pa ba talaga ang mga dapat niyang i-improve sa story niya. Hindi rin naman kasi healthy kung puro positive feedback na lang ang nababasa mo sa works mo kung feeling mo ay hindi naman talaga maganda ang chapter na nagawa mo.

Isa sa mga readers na inaasam ng mga writers ay iyong mga honest, prangka at hindi bias magbigay ng komento. Iyong hindi makakaramdam ng hiya na i-point out ang mga pagkakamali mo para maitama mo (kahit wrong grammar pa 'yan.)

8) Mabigyan ng suporta ng mga readers

It's not a matter of money pero masarap sa pakiramdam na may ibang taong handang gumastos para sa 'yo sa pamamagitan ng pagbili ng mga regalo o kahit simpleng pagbili lang ng mga libro mo. Ibig sabihin lamang niyon ay hindi lang ang story mo ang na-appreciate nila kundi ikaw na mismong writer na gumawa ng paborito nilang kwento.

9) Magkaroon ng chance na maging movie o tv series ang isang story

Ito ang ultimate dream ng lahat. Isang pangarap na napakahirap makamit. Kung ang makapag-publish nga ng books eh mahirap nang abutin eh iyon pa kayang makapasok sa TV o maging movie ang story mo?

However, everything is possible when you know that you have what it takes to be a professional writer. Just believe in the power of your dreams. Power! HA-HA-HA!

Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Where stories live. Discover now