Chapter 14: Tips habang gumagawa ng kwento

1.5K 57 12
                                    

Tips habang gumagawa ng kwento

Mahirap gumawa ng kwento kaya abot langit ang iyak mo kapag bigla na lang itong nawala sa'yo ang pinaghirapan mong akda.

Kaya naman dapat mong isa-puso ang mga tips na ito para manatili sa 'yo ang mga kwento mo.

1) Huwag gumamit ng wattpad app kapag gumagawa ng update.

Kung wala kang computer na ginagamit para gumawa ng kwento ay panigurado na sa cellphone ka lang nagta-type. Ang pinakaunang mapapayo ko ay huwag kang sa mismong wattpad app magta-type. Proven and tested na delikado talaga dahil kahit hindi mo sinasadya na mapindot ang back button ay maaaring mawala na agad ang progress sa sinusulat mo. O kaya naman kung bigla na lamang magloko ang internet ay panigurado na maglalahong parang bula ang ginawa mo. Kaya make sure na kung gagawa ka ng story ay sa microsoft word mo muna i-type para magkaroon ka ng soft copy. After that, saka mo na lang i-upload sa internet.

2) QUICK SAVING

Ako ang writer na ilang beses nang ngkaroon ng masalimuot na karanasan sa pagsusulat. Iyong tipo bang marami ka ng na-type at naisulat mo na ang salitang The End sa story mo then all of a sudden ay nag-hang and computer o bigla na lang nagkaroon ng brown out. Saklap 'di ba?

Ugaliin na kapag gumagawa ng story sa computer o cellphone ay bawat progress na nagagawa mo ay i-save agad palagi. CTRL+S ang shortcut kung computer. Kung sa phone naman, do the same. Save lang ng save agad-agad. Hindi bale ng paulit ulit na mag-save, at least sigurado ka na ligtas na iyong naisulat mo.

3) I-send sa email or google drive ang mga stories

Hindi tayo makakasiguro na safe sa mga cellphone, usb or even mga computers ang mga stories natin. Karamihan sa mga iyan ay pwedeng manakaw o kaya naman ay dapuan ng virus anytime kaya make sure na bawat chapters ay mai-se-send mo agad sa email or google drive mo, para atleast may kopya ka ng mga stories mo sa internet.

4) MAMILI NG MAPAGKAKATIWALAANG TAO

Hindi natin masasabi kung ano ang maaaring mangyari sa atin sa hinaharap. In case na may mangyari sa atin ay hindi rin natin malalaman kung ano ang posibleng mangyari sa mga akdang naiwan natin. Malay mo ay biglang mai-sa-pelikula ang akda mo kung kailan na-dedz ka na, pero wala nang makikinabang no'n kung walang nakakaalam na nagsusulat ka pala. Mamili ng isang taong mapagkakatiwalaan na maaring maka-access pa rin ng mga stories mo just in case na mawala ka na. Maaring kaibigan o kapamilya. 

Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon