Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 1 : In your dreams

188K 4.5K 1.6K
                                    


HARMONY


I brushed my hair and put on my lipstick — dark red just the way I like it.

For the last time, I looked at myself in the mirror. I checked my clothes and was satisfied with my black shirt and PJs.

I stood up, turned off the lamp that gave me light and pumped up the song playing in my phone. I laid on my bed and closed my eyes.

I drowned myself in thoughts and memories from the last three years, hoping that they would finally bring me to sleep. Not too long after, I found myself standing inside an elevator and that's when I knew, I'm already at the place where I rule.

The elevator panel only has one thing in it, a yellow button that takes me wherever I want —on whose dreams I want to be.

"Owen J. Coleson," I said after pushing it. A few minutes later, the doors opened and as I stepped outside, I found myself in an airport's boarding lounge.

"Grabe! At talagang nagmake-up ka pa para sa akin?" Napalingon ako at nakita si Coleson na nakaupo kasama ang kanyang mga maleta. He looked so dashing in his plain white shirt and aviator glasses; his denim baseball cap just resting on the vacant seat next to him.

"Lipstick is life, Coleson. Lipstick is life." Ngumisi ako at naupo sa tabi niya sabay suot ng kanyang cap.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at wala akong ibang nakita kundi mga bakanteng upuan at isang malaking eroplano mula sa napakalaking salamin.

"Anong klaseng panaginip 'to? Nagbabalak kang mag-bakasyon?" tanong ko pa pero tumawa lamang siya at nagkibit-balikat sabay tanggal ng kanyang salamin.

"You tell me, after all you're basically the guardian of dreams," aniya kaya ako naman ang natawa.

"Coleson my loves, how many times do I have to tell you? I'm the ruler of the dreams, not the guardian," paalala kosa bestfriend kong passion na yata sa buhay ang inisin ako.

"Ewan ko sa'yo, gawin na nga natin ang trabaho natin," biro niya sabay tanggal ng cap mula sa akin. Isinuot niya ito nang pabaliktad gaya ng lagi niyang ginagawa. Iba rin ang trip niya eh.

Tumayo kami at pumasok sa elevator. Para pa kaming mga siraulong biruang nagtutulakan.

"Sino pala ang subject natin ngayon?" tanong ko dahil hindi ko mapapasok ang isang panaginip kung hindi ko alam ang pangalan ng may-ari nito. Ewan ko ba kung bakit may ganitong klaseng patakaran sa elevator ko, basta ko na lang na-diskubre.

"Julius De Luzon," sagot niya kaya nabitin sa ere ang daliri kong papindot na.

"J-julius De Luzon?" pag-uulit ko. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang biglang may kumirot sa puso ko.

"Hindi, De Visayas at De Mindanao," sarcastic na tugon ni Coleson kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Isa pang entry at hindi na kita mahal," banta ko.

"Mas mabuti 'yon para the feeling is mutual," biro niya kaya ibinalik ko na lamang ang paningin sa panel ng elevator at saka bumuntong-hininga. Hudas kang Coleson ka! Ang sakit no'n! Kapag ako naka-move on sa'yo, who you ka talaga sa'king pogi ka!

"Julius De Luzon!" anunsyo ko sabay pindot ng button.

"Galit ka?" He chuckled.

"Brokenhearted lang po sa'yo," sarcastic kong pag-amin.

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyWhere stories live. Discover now