Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 3 : The strange stranger

77.6K 3K 2K
                                    


HARMONY


"Pangalan?" I asked with a cold tone and staight face. Diretso lamang ang tingin ko sa screen ng computer at pilit na binabalewala ang lalaking nakaupo sa tapat ng desk at panay pa rin ang titig sa akin.

Nakakainis talaga 'yong mga taong nahuli na ngang nakatingin sa'yo, ayaw pa ring umiwas ng tingin. Ano 'to? Magkakaroon tayo ng staring contest?

Hinintay ko siyang sumagot pero nanatili siyang nakatitig sa akin na parang tanga. Naka-drugs ba siya?!

"Pangalan mo oy?!" pag-uulit ko but this time ay ginawa ko nang mataray ang tono ng pananalita ko. Tita once said na may angelic and innocent face daw ako, siguro ito ang reason ba't madaming nanggagago sa'kin.

Hindi pa rin sumasagot ang lalaki kaya naman kahit naasiwa ay napatingin na lamang ako sa kanya. At kung mamalasin ka nga naman, nagtama pa agad ang mga mata namin.

Hudas na shet... Ba't ba familiar ang lalaking 'to? Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon, way before last night in the dream. Ughhh! Nagkita na ba talaga kami noon or generic lang talaga ang mukha niya at marami siyang kahawig?

"A-anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Kinilabutan ako nang marinig ang malamig at malalim niyang boses.

Grabe 'tong hudas na 'to. He's wearing all black but for some reason his aura also seems dark. Maputi siya at medyo namumutla pero may kung ano pa rin akong nararamdamang madilim sa kanya. Come to think of it, mukha siyang nakasuot ng eyeliner mula sa malayo pero sa malapitan, wala naman pala. Sadyang napakaitim lang talaga ng pilik-mata at mga buhok niya.

Everything about him screams trouble. Mukha itong isang maangas at basagulerong miyembro ng isang biker gang. His deep baritone voice is also a kicker - parang kagaya lang ng mga kpop rappers na may malalim na boses.

"N-nagkita na ba tayo noon?" he asked again, snapping me out of my reverie.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumitig sa noo niya. Mas better 'to kaysa sa eye contact!

"Singkit na hudas, ipapaalala ko lang sa'yo na ikaw 'tong kriminal kaya naman ikaw 'tong magsabi sa akin ng pangalan mo," I said with gritted teeth, trying to suppress my building anger. Akala mo kung sino kung makapagtanong eh.

Nagulat ako nang biglang nag-chin up ang lalaki. Para bang nahalata niyang ang noo niya ang tinitingnan ko at gusto niyang sa mata niya ulit ako tumingin. Akala niya siguro magpapatalo ako?! Over Coleson's dead but beautiful body!

Nag chin-up rin ako at nanatiling nakatingin sa noo niya.

"Pangalan mo bilis nang matapos na 'to! 'Kakasawa ang mukha mo!" bulyaw ko para naman masindak siya sa akin at umayos na.

"Hoy ikaw! 'Di ba ikaw 'yung may bali sa paa?!" biglang sigaw ng isa sa mga sarhento ni Tita. Kasama ang isang paramedic, lumapit silang dalawa sa amin at tiningnan ang mukha ng lalaki.

"Okay na ako," giit ng lalaki habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napansin ko namang napasimangot nang todo ang sarhento.

"Anong okay na?! Eh ikaw 'yung nasaksak kanina sa hita ''di ba?! Sigaw ka nang sigaw kanina na mamamatay ka na sa sakit!" giit ng sarhento pero bigla na lamang humalakhak ang lalaki. Grabe! Baliw ata talaga ang isang to!

"Wala na akong nararamdamang sakit," pagmamalaki niya.

Na-curious ako kaya agad akong napatayo mula sa kinauupuan. Nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat nang makitang may kutsilyo pa nga talagang nakasaksak sa hita niya. Ba't ngayon ko lang napansin?! His blood is even dripping down the floor! Naku! Kawawa naman ang nakatokang mag-mop sa sahig!

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon