CHAPTER 43

10.2K 188 36
                                    

Ella's Pov

Isang linggo matapos yung successful na mission namin nila carleigh.

Nandito naman ako kila Jasmine. Bigla kasi siyang nag patawag ng meeting, hindi ko lang alam kung para saan ang meeting na to. Bored akong nag hihintay dito sa meeting room kasama ang matataas na rank ng mafia Smith.

Ang tagal naman ni Jasmine. *yawn* Napatingin naman ako sa lalaking kanina ko pang nararamdamang nakatingin sakin, tinignan ko naman siya at nginitian, pero nag iwas naman  siya ng tingin at namula.

*smirk* Ang ganda ko talaga hanggang dito sa kita ng mga kalaban may nabibighani sa ganda ko haha.

"Good day everyone!" Napatingin naman ako sa nag salita at yon ang ina ni Jasmine kasama ang Ama nito sa likod.

Gulat naman akong napatingin sa kanila. I mentally smirk, it's acting time.

"Let just wait for our Queen" Saad nito kaya napairap ako ng palihim. Si Carleigh lang kaya ang reynang kilala ko tsk.

Maya maya lang ay dumating na si Carleigh at umarte na agad ako.

"Jasmine i-i thought p-patay na sila?" Gulat na tanong ko at nakuha luha pa.

Nginitian naman ako ni Jasmine bago sumagot. "Ella darling, yun din ang akala ko pero nakaligtas sila at may kasama pa akong ikakatuwa mo"

"W-what?" Nauutal na tanong ko.

"Emperor and Empress pwede na kayong pumasok" Saad niya at hindi ko mapigilang napatayo sa nakita.

"M-mom, d-dad" Gulat na gulat na bulalas ko.

What the fuck! Anong ginagawa nila dito?! What the fucking meaning of this?!

Agad agad naman ako tumakbo papunta sa kanila at yumakap habang umiiyak.

"Bakit kayo nandito?" Matigas na bulong ko sa kanila.

"Don't worry sweetie Queen send us here" Makambing na bulong ni mom kaya napanatag na ko. Mukhang kasama na naman to sa mga plano niya.

Nakangiting humiwalay naman ako sa kanila at humarap kay Jasmine na nakangiti na rin ngayon.

"J-jasmine p-paanong nangyari t-to? A-akala a-akala ko wala na s-sila?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Listen to me Ella darling, simula ng malaman kong buhay ka doon na ako nag simulang hanapin sila dahil nararamdaman kong buhay din sila at itinatago lang sila sa atin ni Carleigh at hindi nga ako nag kamali, makalipas ang ilang buwan na paghahanap nakita ko din sila, sa isang isla kasama ng buong clan niyo" Paliwanag niya sakin.

"Buhay din sila?" Gulat na tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango.

"Oh my god!" Mahinang bulong ko dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko.

"Ayos lang ba kayo mom? Anong ginawa sa inyo ni Carleigh?" Nag aalala kong tanong sa kanila at agad napalitan ang nakangiting mukha nila at mapalitan ng galit.

Infairness ang galing umacting ng mga magulang ko. Manang mana sakin hahaha charot.

"Pinahirapan niya kaming lahat anak, pinalabas na patay na kami para nawala kami sa pwesto at hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan nila para gawin satin to!" Galit na galit na sabi ni mom.

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now