CHAPTER 52

8.6K 168 5
                                    

AUSTIN POV





*Early hours. Before the attack*


Dalawang oras na kaming nagbabantay dito sa clan pero hanggang ngayon wala pa ring tawag ang reyna ko. Ano na kayang nangyayari sa GA? Hays. Gusto ko na ng action scene. Masyadong boring dito. Queen ko tawag naaaaa.


"Austin" Napatingin naman ako sa tumawag sakin.


"Tita Olivia. May kailangan po kayo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.


"I just want to ask you a question" Nakangiting sagot niya sakin.

"Sure Tita. Take it away" Sagot ko. Agad namang sumeryoso si Tita pagka sabi ko non kaya sumeryoso na din ako.

"Ano ang plano ng anak ko?" Seryosong tanong niya.

"Sa totoo lang Tita hindi ko na po alam ang mga susunod na plano ni carleigh, pero sa tingin ko Tita siya na mismo ang mag sisimula ng giyera" seryosong sagot ko sa kanya.

"I see. So wala ba tayong gagawin? Dito lang tayo? Nakaupo? Nagbabantay?" Biglang tanong ni kuya Aki, nakikinig pala tong lalaking to akala ko tulog to eh.

"Yes kuya, yun ang utos ni queen, kaya dapat nating sundin at sinabi din naman niya na tatawagan niya tayo" Sagot ko sa kanya.

"And speaking of queen. Tumatawag na siya" Nakangiting sabi ko.

"Answer it. Loudspeaker" Sabi ni Tita Olivia kaya tumango na lang ako bilang sagot.

"Queen" Bungad ko..

"I already hack john system number 2. I want you to hack his main system" Utos niya agad sakin.

"Yun lang Queen ko?" Tanong ko naman.

"No. Listen, ang alam ni john nahack na niya ang system natin at ang alam niya hindi ko alam na may main system pa sila, I want you to confuse them" Sagot niya sakin.

Confuse them? Hmm. Let see.

"How should i do it Queen?" Tanong ko ulit.

"I have some files at my laptop don sa office, there's also a video footage nung time na nag meeting tayo about kay john. Ikaw na bahala mag edit non para hindi makita si mommy and kuya. After you edit it call me" Sasagot pa lang sana ako ng binabaan niya na ko ng tawag.

"Ang bastos po talaga ng anak nyo Tita Olivia" Naka pout na sabi ko kay Tita pero tinawanan niya lang ako kaya mas lalo akong nag pout.

"Tama na yang pout na yan Aus, gawin mo na yung pinagagawa sayo ng reyna mo" Natatawang sabi sakin ni kuya ako kaya ginanahan naman ako, boto sakin si kuya aki, tsk ang gwapo ko talaga. *smirk*

"Okay! Let's start but before that punta muna tayo sa office ng reyna ko." Masiglang sabi ko kaya natawa na naman ang mag ina.

Nang makarating na kami sa office ni queen binuksan ko kaagad ang laptop niya.

"Gotcha" Bulong ko ng may nakita na akong mga records sa files ni queen ko.

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now