KABANATA 8

91.4K 1.4K 156
                                    

Jason's P.O.V.

Gustuhin ko man siyang habulin, pero ano naman ang sasabihin ko? Totoo naman kasi 'yung sinabi niya.  'Yun naman talaga ang sinabi ko sa kanya, noong una kaming nagkita.

"Bakit naman kasi ganun ang sinabi mo?"  tanong ni Tristan nang sinabi ko na sa kanya ang aking katangahan.

"Eh..."  Na may kasamang kamot, sa ulo ko.

"Eh?"

"Eh... sa ayaw ko kasi ng tinititigan ako. Alam mo naman na mahiyain ako, hindi ba?"

"Ayaw mo ng tinititigan ka ng ganung kagandang babae?" Nakataas ang isang kilay niya.

"Hindi lang 'yun pare.  Medyo, na-intimidate rin kasi ako sa lakas ng dating niya noong una eh.  Noong sinabihan ko siya na ayaw ko ng tinititigan ako eh tinarayan kaagad niya ako na wag daw akong pahara-hara.  Medyo napahiya ako kasi ang daming taong nakatingin.  Kaya hayun, humanap ako ng pangganti sa kanya.  Napansin ko na maayos siya sa sarili niya, kaya naman naisip ko, na nubenta hanggang ciento por ciento na banidosa siya.  Base kasi sa mga karanasan ko, 'yung mga babaeng banidosa, eh naiinis kapag napipintasan ang hitsura nila.  Gusto ko siyang inisin, dahil nainis din ako sa kanya noong binato niya ako ng bawang sa ulo."

Para namang nabulunan si Tristan sa sinabi kong huli. Kumakain kasi kami ngayon ng tanghalian.

"Binato ka ng bawang sa ulo?" Parang pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.  "Bakit? Napagkamalan ka ba niyang aswang?" At tuluyan nang humalakhak ang walang-hiya.

Natigilan ako.  Oo nga pala.  Bakit nga ba? Nawala sa isip kong itanong sa kanya.

"Hindi ko alam."

At noon na humagalpak ng tawa ang lintek na itong si Tristan.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah, ano bang atin diyan?" Mula iyon sa pamilyar na boses. Magkasabay kaming napalingon ni Tristan.

"O, Benj!  Napadaan ka!" utas ni Tristan.

"Oo, titingnan ko lang kung nakuha na ni Mike ang mga gamit niya," anito habang naglalakad palapit sa amin. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Tristan. "Gusto ko na kasing lumipat."  Medyo nakanguso siya.

"May isang box pa siya na hindi nakukuha," sabi ni Tristan. "Pero pwede naman na ilagay na lang muna natin 'yon diyan sa salas para makalipat ka na."

Parang bumbilyang nagliwanag ang mukha ni Benj.

"As in... pwede na akong mag-move in ngayon?"

"If you want to,"  sagot ni Tristan, na talagang kinarir na ang pagiging mayordomo.  "Nasa akin na ang mga susi ng kuwarto at bahay galing kay Mike, kaya't kung gusto mong lumipat na ngayon, ibibigay ko na sa iyo."

"Yes!" anito sabay suntok sa hangin. "Pero may question ako." Biglang seryoso ang mukha niya.

"Ano 'yun?" tanong ni Tristan.

"P-pwede bang magpatulog ng girlfriend sa magiging kuwarto ko? Ano kasi ah... er..." Kakamot-kamot siya.

"Actually..." Napasulyap sa akin si Tristan. "Ok lang naman basta't approved din kina Jon at Art. Depende kasi kung mapagkakatiwalaan 'yung papatuluyin mo.  Kung si Mitch ang tinutukoy mong girlfriend, I'm sure ok lang naman siguro, pero magpaalam ka pa rin doon sa dalawa, para kurtisiya lang."

"Anong kung si Mitch?  Eh si Mitch lang naman ang girlfriend ko ah!" Nakangisi si Benj kay Tristan. Marami rin kasing fling ang hinayupak na ito. Babaero rin kasi itong si Benj.

"Oh basta make sure na si Mitch lang." Tatawa-tawang sagot ni Tristan. "Kay Jon nga si Ella lang ang puwede. We just want to avoid cat fights here!"

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon