KABANATA 26

62.8K 1.3K 122
                                    

Helga's P.O.V.

Really? Narinig lang niya ang pangalang Maria, eh namutla na siya? Nang dahil doon ay kumalas ako mula sa kanya. Humalukipkip ako habang taas-kilay ko siyang tinititigan.

"Sinong Maria 'yon, ha?" Nagseselos ako. Yes, nagseselos ako!

"H-ha?" Mas lalo pa siyang namutla.

"Sino sabi si Maria eh?!"

Tiningnan muna ako sandali ni Jason na para bang nag-aalala. Hindi ko tuloy malaman kung natatakot ba siya o nag-aalalang mabubuking ko siya na may ibang babae pala siya.

"Na-Naaalala mo ba 'yung kaklase kong si Hector? 'Y-'Yung s-sinundan natin noon t-tapos nahuli natin na may katalik sa madilim na classroom...t-tapos y-'yung babae nag-iba ng anyo at pi-pinatay siya? 'Y-'Yung b-babae, y-'yun si Maria!"

What?! Takot much na naman ang beauty ko!

"Ha? Pero paano niya nalaman ang bahay nati—"

"Aswang nga siya, hindi ba?"

"Sabihan mo si Benj... Sabihin mo huwag papasukin!"

Waaa... Gusto ko pang mabuhay! Sa ganda kong ito, sayang naman kung aswang lang pala ang manginginain sa flawless skin ko!

"Oo, sandali." At dali-daling tinungo ni Jason ang pintuan at pinagbuksan si Benj. Nakatayo pa rin ito sa labas ng kwarto namin kaya naman hinatak ito ni Jason papasok.

"Oh, bakit?" Nagtataka siguro si Benj sa pagkaaburido namin.

"Huwag mong papasukin si Maria!" agad na sabi ni Jason.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta!"

"Eh..." Kakamot-kamot si Benj.

"Eh ano?" kunot-noong tanong ni Jason.

"Eh pinapasok na ni Jon. Alam mo naman 'yun basta chick na maganda, welcome agad. Hayun nga at kausap na niya sa salas!"

"Ha? Naku, Benj...paalisin mo! Bilis!" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng pinto.

"Bakit naman? Mukha namang ok siya ah! Nagseselos ka ba?" Nakangisi pa ang impakto.

"Tange!" sabay hataw ko sa balikat niya.

"Eh bakit nga? Eh mukhang maba—"

"Isa siyang aswang, Benj," mahinang sabat ni Jason.

"Ha? Eh paano mo nala—"

"Basta! Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo, basta kailangan nati—"

Naputol ang sinasabi ni Jason nang nakita naming paparating si Art. Papunta na marahil siya sa kwarto niya. Tumingin lang siya sa amin, ngumiti, at saka dire-diretsong pumasok sa kanyang silid. Hindi pa man kami nakaka-recover sa pananahimik nang...

"Jason! May bisita ka sa salas," nakangising pagtawag ni Jon. "Harapin mo na please, may gagawin pa ako eh," 'yun lang at namataan na namin siyang pumasok sa kwarto niya.

"Nasaan si Mitch?" bulong ko kay Benj.

"Nasa banyo, naliligo." Medyo natatakot na rin ang kanyang itsura. "Pero mukhang kailangan mong harapin ang bisita mo, Jason. Parang hindi ako kumportable na pabayaan lang natin siya doon. Paano kung biglang mag-transform 'yun at kainin tayong lahat dito?"

"Sandali," sagot ni Jason sabay alis para kumuha ng kung ano. "Mabuti na ang handa!" sabi niya pagbalik bitbit ang botelya ng langis, asin at abong ibinigay sa amin ni Luke. Ilang sandali pa, isinilid niya ang mga iyon sa kanyang bulsa. "Tayo na!" sabay hila niya kay Benj.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon