23

1.8K 105 17
                                    

"JASON!"

Nakita niya isang may edad na babae na nagmamadaling makalapit sa kinaroroonan niya sa bahaging iyon ng lobby ng ospital. Kasama nito ang isang may edad na ring lalaki na may katabaan. "Tita Arnie! Tito Ben!" tawag niya sa mga magulang ni Xaira. "Mabuti po at nandito na kayo."

"Nasaan ng anak ko?" Halata ang tensyon sa boses ng ina ni Xiara.

"Nasa kuwarto po siya. Tena po, samahan ko kayo."

"Kumusta si Xaira?" tanong ni Tito Ben sa baritono nitong tinig. Kabaligtaran ng asawa, kalmado lang ito.

"Nagpapahinga na po siya. Mukhang okay naman siya, Tito Ben. Though nag-undergo na siya ng iba't-ibang tests to check 'yong condition niya," pagbabalita niya.

Naabutan nilang tsinitsek ng nurse ang blood pressure ni Xaira.

"Ma... Pa... Ba't lumuwas pa po kayo? Okay lang naman ako. Na-over fatigue lang siguro ako."

Hinalikan ni Tita Arnie ang anak. "Mabuti nang nandito kami para may magbantay sa'yo. Aba, mahiya ka naman sa boyfriend mo. Mukhang hindi na yata nakapasok sa trabaho dahil binabantayan ka rito."

Nagkatinginan sina Jason at Xaira.

Nagpatuloy si Tita Arnie. "Salamat, Jason. Kaya botong-boto ako sa'yo bilang boyfriend ng anak ko. Nakita ko sa'yo na responsable ka at maasahan sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras."

Hindi nakasagot si Jason. Ano ba ang dapat niyang isagot? Hindi pa pala alam ng mga magulang ni Xaira na ex-girlfriend na lang niya ang anak ng mga ito. Muli siyang napatingin kay Xaira. Tila naunawaan naman nito ang gusto niyang sabihin.

"Ma..."

"Magpahinga ka na, Xaira. Kung na over-fatigue ka, dapat magpahinga ka. Huwag kang daldal ng daldal diyan." Bumaling ito sa asawa. "Dad, tanungin mo mamaya 'yong doktor kung ano ang initial findings sa batang ito."

"Si mama talaga. Over-fatigue nga lang po. Huwag ka pong masyadong nag-aalala riyan."

"Tita Arnie, magbabantay po ba kayo rito ngayong gabi?" tanong ni Jason.

"Oo, kami ng Tito Ben mo."

"Ahh, kung ganoon po baka puwedeng umuwi muna ako. Babalik na lang po ako bukas," nag-aalangan niyang sabi.

"Okay lang, Jace... Umuwi ka na muna. Kaninang umaga ka pa rito," mabilis na sagot ni Xaira. "Nandito naman sina mama at papa."

"Sige, Jason umuwi ka na para makapagpahinga ka rin," sang-ayon ng ama ni Xaira.

"Salamat sa pag-aalaga mo sa anak namin. Napakaswerte ni Xaira na ikaw ang naging boyfriend niya." Lumapit pa si Tita Arnie kay Jason at niyakap ito. "Mag-iingat ka sa pag-uwi, anak."

Muli ay palihim na nagkatinginan sina Jason at Xaira.

NASA BAHAY na si Anton at kasalukuyang kinukulit ni Jairus.

"Saan ba nagpupupunta si Jason at ginagabi na ng uwi? Kagabi 'di ko na namalayan ang pagdating niya. Ngayon naman, o anong petsa na wala pa rin," litanya nito sabay tingin sa suot na wrist watch.

"Dinala niya kasi kagabi sa ospital 'yong kaibigan niya kaya late na siyang nakauwi. Ngayon naman, naka-confine na 'yong kaibigan niya kaya andoon siya ulit sa ospital. Wala kasing kasama rito sa Manila 'yong friend niya. Kaya nagboluntaryo na siyang tumulong," mahabang paliwanag ni Anton.

"Bakit siya? Wala bang ibang kaibigan iyon?" nakataas ang kilay na sabi ni Jairus. Halatang nang-iintriga ito.

"Siya 'yong tinawagan, eh. Alangan namang tanggihan niya iyon. Ikaw talaga."

Beinte-uno KuwarentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon