Chapter 54

45.6K 1.2K 57
                                    

Ashley

I saw James’s Facebook post that he’s in a relationship na with Eunice. I was kinda shocked but at the same time, I felt happy for them. Agad akong nag-comment to congratulate them.

Walang pasok kaya nakatambay lang ako dito sa bahay. Naisip kong mag-general cleaning sa room ko dahil wala akong magawa.  After I didn’t know how many hours, natapos din ako.

OMG lang dahil ang dami ko pa lang mga anik-anik sa kwarto.

I also found a pencil portrait drawing. It was my own portrait drew by my loving boyfriend. Naalala ko tuloy ang nakaraan.

“Wow! Ako ba ‘yan?” I exclaimed excitedly. Halos mapatalon sa kinauupuan niyang bench si Dustin Melendez dahil bigla akong nagsalita sa likod niya.

“A-Ashley?” Nauutal na sambit niya, and I found it so cute.

Dustin Melendez is a basketball varsity player dito sa East Pearl, everyone knew him. He’s kinda famous din dito sa school because of his good looks.

“Marunong ka rin pa lang mag-drawing?” Naupo ako sa tabi niya to check on his work. “Ang galing, kuhang-kuha mo ang features ng mukha ko. May kopyahan ka?”

“Wala,” tugon niya. “Nakaukit na kasi sa utak ko ang hitsura mo kaya nai-drawing kita kahit walang kopyahan.”

“Tapos na ba ‘yan?”

“Hindi pa pero malapit na.”

“Ibibigay mo ba ‘yan sa ‘kin?”

“Yeah.”

“Magkano naman?” tanong ko, sana hindi mahal ang price no’ng drawing niya.

“Ha?” Para siyang nalito.

“‘Yang drawing, magkano ang bayad?” I asked again. Pinaghirapan niya ‘yon kaya I’m sure hindi ‘yon libre. Willing akong magbayad kahit magkano, kasi ang ganda talaga n’ong portrait.

“Date,” tugon niya.

Ako naman ang nalito. “Date?”

“Yes, Ashley. Can we go out on a date?” he asked and smiled.

“Sure.”

Natawa na lang ako kapag naaalala ko ‘yong ka-slowan ko.  Ang tagal bago ko na-realize na gusto pala ako ni Dustin noon.  Niligawan niya ako at sinagot ko siya. That was the most beautiful moment in my life.



Dustin Melendez

Walang pasok ngayon kaya naisip kong mag-general cleaning sa room ko. Natagpuan ko ang isang pencil portrait drawing na si Ashley mismo ang gumawa. Pinagmasdan ko iyon at hindi ko napigilang maalala ang nakaraan.

Naglalakad ako sa hallway nang makita si Faith na gustong lagyan ng bubble gum ang buhok ni Ashley. Pipigilan ko sana pero nahuli na ‘ko.

“Oh my gosh, Ash, nalagyan ng bubble gum ‘yong hair mo!” Pa-inosenteng drama ni Faith. But I saw it all, sinadya niya ‘yon.

“Hala! Saan galing ‘to?” Paiyak na si Ashley. Hindi man lang siya nag-isip na baka si Faith ang may gawa. She’s so naive. But I find it so cute. Napakaganda talaga niya.

“Gupitin na natin ‘yang hair mo para matanggal ang bubble gum.” Naglabas agad si Faith ng gunting at nag-evil grin siya. Parang may masama siyang balak.

“Ash, ako nang bahala diyan.” Agad na paglapit ko. “May alam akong paraan para matanggal ang bubble gum na hindi na kailangang gupitin ang buhok mo.”

That time, I asked for her number at simula noon ay lagi ko na siyang tini-text at tinatawagan.

Niligawan ko siya at suwerte namang sinagot niya ako.

That was the most beautiful moment in my life.

Bago matulog ay nakagawian na naming mag-usap ni Ashley sa phone. Natawa ako sa ikinuwento niya.

“Really Babe? Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa ‘yo na nag-general cleaning din ako ngayong araw. Nakita ko rin ang pencil drawing mo at naalala ko rin ang nakaraan.”  Paglalahad ko habang nakangiti.

“OMG! Really, Babe?! Isa lang ang ibig sabihin niyan, we are meant to be talaga!”

Lalo akong napangiti. “Yeah, ‘yon din ang tingin ko. Itinakda talagang magkakilala tayo at magmahalan.”

“Ah! You are so sweet! I love you so much, Babe.”

“I love you too, Babe.”

“Do you think Eunice and James are also meant to be? Sila na, ‘di ba? What about Exel and Maureen? Kyle and Elisa? And our best friends? Meant to be rin ba sila?”

“Jen and Dustin?” Napaisip ako saglit saka muling ngumiti.  Mahaba pa ang araw at marami pang mangyayari. “I don’t know, sila lang ang makakasagot niyan.”

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadWhere stories live. Discover now