Chapter 11

143K 4.4K 108
                                    

Jennifer

Hindi na talaga nakakatuwa 'yang si Dustin.  Paano ba niya nagagawang paghintayin ng matagal ang sarili niyang girlfriend?  Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako dito sa labas ng restaurant, umaasang babalikan niya 'ko pero mukhang malabo na. 

Ano kaya kung makipag-break na lang ako sa kanya?  Kapag ginawa ko naman 'yon ay siguradong magagalit siya.  Balita ko kasi ay never pa niyang naranasan ang i-break ng mga nagiging girlfriend niya.  Kapag isang katulad ko pa na nerd ang unang makikipag-break kay Dustin, for sure sobrang mapapahiya siya.  Baka mapikon pa siya at ipa-expel ako sa school.  Maghihintay na lang siguro ako na siya ang kusang makipag-break.  Kaso kailan naman kaya 'yon?  Hanggang kailan ako magtitiis? 
"Excuse me Miss?"  Sabi ng isang lalaki na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.  Guwapo siya at pormal na pormal ang bihis. "Are you alright?"

Alanganin akong ngumiti.  "Opo, medyo okay lang naman po ako.  May hinihintay lang po kasi ako."

"Si Dustin ba ang hinihintay mo?"  Tanong niya na ipinagtaka ko naman.  "Nasabi nong isang staff na kasama ka raw ni Dustin nong pumunta siya dito.  Pinuntahan niya ako sa office kanina, ibig sabihin hindi ka pa niya binabalikan mula kanina?"

Na-speechless na lang ako.  Sino ba kasi itong taong kumakausap sa'kin?

"Oh, sorry.  Hindi pa nga pala ako nagpapakilala.  I'm Derek, Kuya ako ni Dustin."  Aniya kung kaya't naliwanagan na ako.  Kapatid pala siya ni Dustin, kaya pala pogi. 

"Nice to meet you po, ako naman po si Jennifer..."  Natigilan ako.  Ipapakilala ko ba ang sarili ko as his brother's girlfriend?  Maya-maya ay may dumating na babaeng staff.

"Sir, ready na po ang room 407.  At narito na po ang damit na pinabili niyo."  Sabi nong staff na may dalang paper bag.

"Thank you.  Pakisamahan siya sa room please."  Sabi ni Kuya at pagkatapos ay ako naman ang kinausap niya.  "Jennifer, sasamahan ka ni Peachy sa room 407 para makapag-shower at makapag-palit ka ng damit.  Tatawagan ko lang si Dustin at papupuntahin ko siya agad dito."

Hindi na ako nagsalita at sumama na lang ako kay Ate Peachy kung saan dinala ako nito sa isang magarang kuwarto.  Naligo ako at nagbihis ng cute na cute na purple dress at high heels. 

Mabilis kong pinatuyo ang buhok ko at hinayaan ko na lang itong nakalugay hanggang sa makabalik ako sa may restaurant

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Mabilis kong pinatuyo ang buhok ko at hinayaan ko na lang itong nakalugay hanggang sa makabalik ako sa may restaurant. 

Finally, nakita ko na din si Dustin doon sa loob na nakaupo habang busy sa kanyang cellphone.  Nilapitan ko siya at naupo sa harap niya.  Nag-angat naman siya ng tingin sa akin saka nagsalita. 

"Sorry Miss but I'm not interested."  Aniya sabay balik ng atensyon sa kanyang cellphone.  Wait, hindi niya 'ko nakilala?  Dahil ba nakalugay at buhok ko at wala akong suot na eye glasses?  Nainis kasi ako sa kanya kaya hindi ko na isinuot 'yong bigay niyang salamin.  Kung puwede nga lang ay itatapon ko na 'yon eh.


Dustin Villaverde

"Sorry Miss but I’m not interested."  Ang sabi ko rito sa babaeng bigla na lang naupo sa harap ko.  She’s pretty pero wala akong oras sa kanya.  Nagulat na lang ako nang bigla akong batukan nang kung sino.

"Seriously, kapatid ba talaga kita?” Argh! Si Kuya Derek pala.  “Paano mo nagawang paghintayin ng matagal ang girlfriend mo?”  Sabi niya at bigla niyang kinausap 'yong magandang babae sa harapan ko.  "Jen, I deeply apologize on behalf of my stupid brother,”

"Okay lang po, Kuya Derek. I’m sure he has a reason." After hearing her voice, walang dudang siya nga si Jen.  Binalingan niya ako at tiningnan sa aking mga mata.

Siya ba talaga si Miss Genius?

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadOù les histoires vivent. Découvrez maintenant