PIRENA

1K 22 0
                                    

Pirena ang panganay na anak ni Minea at Hagorn si Pirena ay kalahating Diwata at kalahating Hator hindi alam ni Pirena na may dugo siyang Hator at mas lalong hindi niya alam na Ama niya si Hagorn.Siya ang nag-iisang anak ni Minea.

Pero nagbago ang lahat simula noong ipanganak ni Minea ang kanyang panglawang anak na si Amihan.

Ginamit ng Dama na si Gurna si Amihan para lasunin ang isip ni Pirena.

Sabi ni Gurna na kapag nagkaroon ng kapatid si Pirena ay Magkakaroon siya ng Kalaban sa pagiging Reyna ng Lireo at siyempre si Amihan daw ang pipiliin pagkat ang Ama ni Amihan na si Raquim ay iniibig ni Minea kaya hindi siya magtataka kung siya ang hihirangin bagong Hara ng Lireo.

Dahil sa sinabi ni Gurna ay nakaramdan ng matinding selos at galit pagkat iniisip niya ay pipiliin niya si Amihan pagkat mahal niya ang Ama  ni Amihan at iniisip din niya na mas mahal niya si Amihan kaysa sa kanya.

Ngunit napanatag ang kanyang loob nung umalis ng Encantadia si Raquim kasama si Amihan ngunit nagbago muli ang kanyang ugali ng magkaroon siya ng dalawang mga kapatid naging masunngit siya kay Alena at Danaya ngunit minahal ni Pirena si Alena at Danaya ngunit nung bumalik si Amihan ay palaging nag-aaway si Amihan,Danaya,at Pirena dahil gusto nilang tatlong maging bagong Reyna ng Lireo habang si Alena ay walang intres sa pagiging Reyna kaya napakalapit ni Pirena at Alena sa isa't-isa kaya ni minsan ay hindi niya naisip na magiging karibal niya si Alena sa trono ng Lireo.

Pero ng makapili na ng bagong Reyna ng Lireo tama ang kanyang inisip na si Amihan nga ang magiging bagong Reyna ng Lireo kaya labis-labis ang kanyang galit kaya hinamon niya ang ang kanyang ina na kapag natalo niya si Minea ay hahayaan niyang maging Reyna ng Lireo si Pirena ngunit pagnatalo ni Minea si Pirena ay maluwag na tatangapin ni Pirena si Amihan biglang bagong Reyna ng Lireo.Ngunit natalo si Pirena kaya itinakwil na niya si Minea bilang kanyang Ina.

Umalis din siya ng Lireo pagkatapos niyang kunin ang Brilyante ng Apoy umanib din siya kay hagorn nakipagdigma sila sa Lireo ngunit natalo sila.

Nalaman ni Pirena namagkakaroon ng Anak si Amihan kaya inisip niya na magkaroo din ng Anak para kung hindi siya magiging Hara ng Lireo ay dapat ang anak niya ay maging Hara ng Lireo.

Nang ipanganak niya ang kanyanyang anak isinakatuparan niya ang kanyang mga plano nagbalik na siya sa Lireo at tinangap naman muli siya ni Amihan sa Lireo at naipagpalit na niya ang kanyang anak sa anak ni Amihan.

Lumipas ang maraming taon Inakala ni Amihan na ang kasama niya ay ang kanyang anak ngunit nung dumating na ang panahon ng pakikipag-digma niyakay Amihan ay nalaman ni Amihan na hindi niya anak ang matagal na niyang kasama pagkat ang kanak ni Pirena ang kanyang pinalaki pinalabas ni Pirena na patay na ang tunay na anak ni Amihan.

Ang buong akala nina Pirena at Hagorn na patay na si Amihan pagkat si Pirena mismo ang nakapaslang sa kanya at ang naging saksi ng pagpaslang kay Amihan ay si Mira ang anak ni Pirena

Noon ay magkasundo si Pirena at Hagorn nalaman din ni Pirena na si Hagorn ang kanyang ama ngunit naging parehong sakim si Pirena at Hagorn kaya pinatalsik ni Hagorn si Pirena bilang Reyna.

Lumipas ang ilang buwan humingi ng tulong si Pirena kay Bathaluman Ether nabigyan siya ng kapangyarihan upang mapabagsak ni Pirena ang kanyang mga kapatid sabi ni Ether bibigyan daw niya si Pirena ng kapangyarihan kung maipapangako niya na hindi niya kakalabanin si Ether o ang kanyang Ama pagkinalaban ni Pirena ang kanyang Ama o Si Ether ay babawiin nito ang kanyang buhay.Sumunod sa usapan  si Pirena kaya bingyan ni Ether si Pirena ng kapangyarihan na maaari niyang gamitin laban sa kanyang mga kapatid.

Dahil sa Kapangyarihan na ipinagkaloob ni Ether kay Pirena ay napabagsak nila si Ybrahim ang Rehav ng Sapiro.kaya nagtagumpay silang masakop ang buong kaharian ng Sapiro.Ngunit ang mga kasamahan ni Pirena ay pinagtaksilan siya kaya nabawi muli ni Ybrahim ang kalahati ng Sapiro pagkat si Pirena ay tinulungan ng kanyang Ama na Si Hagorn.Kaya ang kalahati ay na kay Pirena at sa mga Hator.

Ngunit pinagtaksilan muli ni Hagorn si Pirena kaya siya ay tuluyang umanib sa kanyang mga kapatid ng mabasa ni Pirena ang Huling mensahe ni Mine-a sa kanya bago siya namatay ipinakita niya ito sa kanyang mga kapatid kaya napatawad na nila si Pirena ngunit isa sa kanila ang namatay si Amihan pagkat kinalaban niya ang mga Hadezar.

Ngunit bumalik ang Ivtre ni Amihan at Kahlil kaya natalo na nila ang mga Hadezar ngunit ang mga natitirang Dalawang Hadezar na si Amaro at Asval ay nakaligtas kasama si Agane at Hagorn sinugod ni Pirena,Amihan,Danaya,at Kahlil si Hagorn pagkat hawak ni Hagorn si Mira tumakas na si Amaro at Asval si Agane ay napasalang si Hagorn naman ay sinaksak ni Pirena ngunit nawalan lang ito ng malay pero buhay pa rin si Hagorn dahil sa ginawa ni Pirena sa pagkalaban niya sa kanyang Ama ay tinitilan siya ng Buhay ni Ether ngunit binalik ni Ether ang Buhay ni Pirena ng Matalo si Ether sa laban nila ni Emre kaya muling nabuhay si Pirena.

Lumipas ang ilang taon hindi na muling nanggulo si Ether naging mapayapa ang Encantadia naging bagong Hara ng Lireo si Danaya naging tagapangasiwa ng Adamya si Alena habang si Pirena at Mira naman ay bumalik sa Hatoria upang ito ay muling ibuo naging Hara ng Hatoria si Pirena ngunit sa Hindi inaasahan nagkaroon ulit ng Digmaan sa Encantadia dahil kay Ether pagkat binuhay niya ang Dating Hara Ng Etheria Si Avria binuo muli ni Ether ang Etheria kaya bumalik na sa Etheria ang mga ibang Heran na si Andora,Juvila,at Odessa at ang iba pa nilang kapanalig na sina Lilasari,Amaro,at Asval.

Nakuha ni Avria ang tatlo sa mga Brilyante ang mga Brilyanteng nakuha niya ay ang Brilyante ng Hangin,Lupa,at Diwa

Kaya kinailangan humanap ni Cassopeia ng mga bagong mangangalaga sa mga brilyante para kung sakaling may masamang mangyari sa mga kasalukuyang tagapangalaga nito ay may bagong mangangalaga dito.

Ngunit sa pagdating ng tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na si Ariana ang Punjabwe ay may nakilala si Pirena na mag-papatibok ng kanyang puso at yun si Azulan ang Adto ni Ariana.

Una ay parang mga aso't pusa sila pero naging magkaibigan sila hanggang sa Lumalimm ang pagkakaibigan nila pagkat nagtapat si Azulan ng kanyang tunay niyang nararamdaman para sa Hara ng Hatoria kung kaya't sinabi din ni Pirena ang tunay na nararamdaman din niya para kay Azulan na mahal din niya si Azulan.

Kaya ng matapos ang digmaan laban sa mga Etherian at mga taksil na Hator na pumanig kay Hagorn ay nag-isang dibdib sina Azulan at Pirena.

At di-kalaunan ay nagdalang Diwata siya at isinilang ang isang Babaeng Sanggol.

The Sang'gres of EncantadiaWhere stories live. Discover now