MIRA

518 15 0
                                    

Siya ang Panganay na Anak ni Hara Pirena.

Siya ay kalahating Diwata at Hator.

Tinuro sa kanya kung paano gumamit ng kahit anong sandata pandigma.

Ngunit noong Sanggol siya hanggang sa Paglaki niya ay ang kinilala niyang Ina ay ang kapatid ni Pirena na si Amihan.

Ngunit simula ng maging Reyna ng Lireo si Danaya ay nag-kaayos na sila ni Pirena.

Ngunit noong malaman nilang Dalawa ni Lira na magkakaroon ng mga bagong tagapangalaga ay napa-isip sila kung bakit hindi pa sila napapabilang sa mga Tagapangalaga ng mga Brilyante.

Napuno ng Galit si Mira ng malaman niyang iba ang mangangalaga ng Brilyante ng kanyang Ina.

Ngunit nang matuto sila ni Lira na magpa-kumbaba ay napili sila ng Dalawang natitirang sagisag ng mga Brilyante.

Siya ang napiling tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig dahil hindi siya mabilis magalit.

Noong mapili na lahat na magiging tagapangalaga ng mga Brilyante ay pumunta na sila sa Isla ni Cassiopea para magsanay ngunit sa hindi inaasahan ay sinugod sila ng mga Etherian habang si Cassiopea ay na sa Lireo doon ay napaslang siya.

Ngunit siya ay muling binuhay ni Bathalang Arde upang sila ay gawing bihag ni Lira ngunit nabawi siya ni Pirena ngunit ng makabalik sila ng Lireo ay buhay pa sila ngunit tinubuan sila ni Lira ng kakaibang sakit ngunit muling gumaling si Mira dahil kay Pirena dahil binalik ni Pirena si Andora kay Hagorn kaya kay Pirena niya binigay ang lunas para sa sakit ni Mira.

Pagkatapos ng Digmaan laban sa mga Etherian at kay Hagorn ay nagpakasal ang kanyang Ina sa Punjabweng si Azulan at naging Ama niya si Azulan at nagkaroon din siya ng Kapatid dahil muling nagsilang si Pirena ng sanggol na babae.

The Sang'gres of EncantadiaWhere stories live. Discover now