#TWBTWHome
1 month later...
"Hi angela." Rinig kong tawag ng nasa likoran ko.
Nasa labas ako ng hospital ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit andito ako pinapahintay.
"Pa?" Tawag ko.
I heard a small laugh.
"Marecognize mo talaga boses ko no?" Sabi naman ni Papa.
"Oo naman." Sabi ko at ngumiti.
"Uuwi na tayo." Sabi niya at dun ko palang narealize na may kotse pala sa harapan ko matapos akong kumapa-kapa.
I froze.
"Po?"
I heard a small laugh again.
"San po?" Sabi ko.
"Home. Your home, angela." Sabi niya. "Although hindi kita anak sa dugo, I'll treat you like one."
Ginabayan niya akong mapaupo sa front seat.
Habang nagmamaneho na siya ay bigla akong kinabahan.
"Pa." Panimula ko.
"Hmm?"
"Bakit niyo po to ginagawa sa akin?" Sabi ko.
"I'm Doctor Bernard Villaflores. I'm a doctor for 20 years. At sabi nga nila bakit ko daw ginagawa to. Actually, this isn't the first time na narinig ko ang tanong na yan." Rinig kong sabi niya.
"Bakit nga pala?"
"My father was also a doctor before, angela." Sabi niya.
I nodded.
"And I witnessed every help that he gave to his patients. He was so so kind." Sabi niya.
I get it.
"And you want to be like him?" I asked. I heard him chuckled.
"Yup." Sabi niya.
"This also isnt the first time na may dinadala akong patient ko sa bahay. Some patients doesn't have guardians. I took their responsibility. I never let them pay. And besides, it's our hospital. I don't mind." Sabi niyapa ng dire-diretso lang.
Wow.
Napangiti na lang ako.
"My family always welcome people to stay with us. As long it's a help. We'll be grateful to help them as long as we can." Sabi niya pa.
"Salamat po." Sabi ko.
Hinding-hindi ko akalain kung gaano ako ka swerte. Somehow, i forgot na unfortunate ako kasi hindi ako makakita at wala akong maalala.
Parang nabigyan ako ng pag-asang hintayin na lang ang pagkakataon na para sa akin.
Yun bang di na ako nag-abalang magtanong tungkol sa mga information na kailangan kong malaman sa nangyayari nung araw na nadala ako sa hospital.
Nakarating kami sa bahag nila nung bigla na niyang pinahinto ang sasakyan. Mabilis niya akong ginabayan papasok sa bahay nila.
"Hintay ka lang dito ha." Sabi niya sa akin nung nakalabas na kami sa kotse.
"O-opo." Kinakabahan kong sabi.
Bigla-bigla ay halos mapatalon ako nung may yumakap sa akin.
"Hi." Boses babae.
"H-hi?" I said. I was shivering.
"I'm Dani. Dani Villaflores." Sabi niya. Maedad na ang boses niya pero ang lambing-lambing.
I force myself to smile.
"Hi po. Ako po si Angela Linn." Sabi ko.
Maya-maya pa ay ikinagulat ko ang pagtapik niya sa balikat ko. Para niya akong pinalo o ano. Kasabay nun ay ang paggabay niya sa akin sa paglalakad which I assumed na papasok na kami sa bahay nila.
"Alam mo ba, palagi kang kinukwento ng asawa ko."
I gulped.
"Tsaka ang ganda ganda mo kaya." I'm not sure. Hindi ko pa naalala ang mukha ko.
Napangiti ako nung hinawakan niya buhok ko at nilalaro ito. I felt good.
"Ayan. Ito ang bahay namin ha. Di bali nang di mo pa makikita ang kung ano ang disenyo nak ha." Sabi niya at parang tumigil ang mundo ko kang marinig ko ang katagang anak.
"Ito ang first floor nak. Ito naman ang sala. Hawakan mo to. Diba may kahoy. Divider yan... Anyan ang mga kagamitan na pang entertain." Walang tigil niyang pagsasalita ay wala ring kupas na pagkakangiti ko.
"Okay po." I spread my arms to feel every corner of their house and I bet it's classic and decent.
"Mama dani lang itawag sa akin ha." Sabi niya. "May dalawa kaming anak. Si hyle tsaka si Dranreb. Walang babae kasi wala rin."
Ang daldal niya.
Tahimik lang akong nakikinig at patuloy na kumakapit samga kama niya habang ang free hand ko naman ay pakapa-kapa.
"At ito naman ang kusina. May malaking island sa gitna kaya dapat alam mo ha baka mabunggo ka." Sabi pa niya dahilan para mapatawa kami.
"Ma." Rinig kong tawag ni papa kay mama. Ang lambing ng mga boses nila. Ang gaganda.
"Bakit pa?"
Nakahawak kamay pa rin kami ni Mama.
"Nagugutom na yan si angela." Sabi ni Papa.
"Nako nako bernard. Di mo binilhan ng snacks man lang pauwi?" Sigaw niya pabalik kay papa. Natatawa ako sa kanilang dalawa.
"Okay lang po ako." Sabi ko at kinawaykaway ang kabilang kamay sa harap ko.
"Hindi. Ipagluluto kita. And besides, pauw na rin yung dalawa. Kaya magluluto na ako." Sabi niya.
She pulled my hands and I can't help but took big steps to follow her. Sana di ako matapilok.
"Ano gusto mong ulam?" Sabi niya.
"Kahit ano po." Sabi ko naman. Wala naman akong maalalang pangalan ng mga pagkain eh.
"Adobong manok nalang gusto mo?"
Napatango na lang ako.
And suddenly someone whispered behind me, it was dad.
"It's Dranreb's favorite since birth." He whispered.
And they laughed. So do i.
Nakakatuwa.Napaisip ako.
May ganito kaya akong pamilya noon? Do i have this kind of mom and dad? Are they like them?
BINABASA MO ANG
The Writer Behind The Words (Completed)
Romance"By his eyes, I saw the horrible truth." - Angela Linn Bierneza As Angela Linn's life takes a sudden turn, she finds herself in a place she never expected to be. She has lost her sight and her memories, and she is struggling to make sense of the wor...