Chapter 18 - Friend

70 4 0
                                    

Chapter 18






On leave ng tatlong araw si Doc Arliza kaya naman naiwan sa akin ang napakaraming habilin sa mga pasyente nito na nasa pangangalaga rin ng kasamahang doctor.

Nariyan ang palaging pag che check sa mga vital signs, pagbabantay at pagpapa inom ng gamot sa tamang oras.

Matapos ang shift ko ay dumiretso akong Angel Haven. Buti nagdala ako ng pamalit kaya naman pwede akong tumambay sa Bar ng kaibigan.

Araw ng byernes kaya alam kong marami rami ang magiging tao sa bar. Mag aalas singko y media pa lamang kaya alam kong di pa bukas ang bar. Doon ako dumaan sa Employee's Entrance para makapasok. Close pa kasi ang main entrance. Pero ang swerte ko naman, bago ang guard at di ako kilala kaya di ako nakapasok. Haha

"Sorry talaga ma'am, wala kasi kayong pass kaya di po kayo maaaring pumasok. Mahigpit na bilin po yun." Hinging paumanhin ng gwardiya.

Tama nga naman. Hehe wala akong written pass - verbal pass lang ako lage.

Kaya imbes na sumimangot, napangiti na lang ako.

"Sige po kuya, okay lang."

Nandun lang ako naghintay sa labas ng EE at nag-aabang. Di ko lang alam kung ano o sino inaabangan ko. Haha

Gusto ko lang kasi pumasok, makipag kwentuhan sa mga taga Angel Haven at inom ng kunti - pampatanggal ng stress. Mocktails lang naman.

"Ai kuya, tanong lang." Kausap ko dito. "Andyan ba si Gab - I mean - si Sir Gabriel?"

"Pasensiya talaga ma'am, pero mahigpit po talagang ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa aming boss." Hinging paumanhin nito.

Aie, gusto ko si kuyang guard. Loyal sa sinumpaang trabaho. Masyadong polite and di ka mababastos sa twing sasagot sa tanong.

Galing kumuha ng agency ni Gab ah.

Hindi ko magawang mainis kahit kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng EE.

Maya-maya pa ay isa isa ng pumapasok ang mga trabahante ng Bar, halos di ko kilala. Magbabakasali pa naman akong may makilala para masabihan si Gab or si Manager Hero na papasukin ako.

Mga sampung minuto pa ang nakalipas ng dumating si Paul, o mas kilala sa tawag na Poi, ang lagi kong gitarista at soloista din sa bar.

"Oh, Kriz bat andito ka sa labas?" Takang tanong nito.

May sukbit itong gitara sa likuran habang nakapamulsa. Naka punit punit na pantalon at converse shoes. Naka pulang t-shirt din eto na may tatak 'Musikero'.

"Galing ng guard ni Gab, di ako nakapasok." Nakangiting paliwanag ko sa kanya at alanganing napakamot sa pisngi at bahagyang napasulyap kay manong guard. "Kailangan daw ng written pass, e alam niyo namang verbal pass lang meron ako."

Napatingin kami pareho sa guard at natawa. Kahit si kuyang guard ay alanganin ding napangiti kahit habang chine check ang mga empleyadong papasok.

"Kinaibigan mo kasi mga guard dito kaya lagi kang nakaka over pass." Sagot ni Poi na ikinatawa namin pareho.

Well, totoo yun. Haha Tamad akong kumuha ng pass, umasa lang ako dun sa pangalan ng may-ari kaya nakakapasok ako sa EE kapag hindi pa nagbubukas.

"Kuya Rick, kaibigan yan ni Boss. Paki tawag mo na lang kay Manager Hero." Paliwanag nito sa manong gwardiya.

Tinawagan naman ng huli ang head security nito sa loob upang yun nga ay itanong kung pwede na akong pumasok.

"Pangalan niyo po ma'am?" Tanong nito ng bagu magsalita ulit sa walkie-talkie nito.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Where stories live. Discover now