Chapter 36 - Fight

56 3 0
                                    

Chapter 36







North-West District

Gabi na at kasalukuyang nagroronda ang Kapitan ng section 4 na si Untoy sa kaniyang Area kasama ang kaniyang mga field guards na nasa fourth at fifth generation.

Ang section 4 ay nasa pagitan ng Section 1 (ang West-North Checkpoint) na si Aikee ang captain at section 2 (ang Brgy Conyo at kalapit na lugar) na si Thux naman ang kapitan. Under Section 2 ay yung mga datihang mga grupo na natalo ng Kalye kasama ang Gang ng Black hole na nakalaban na nila dati.

"Captain, Code Black, Kamayan Uno." Report ni Tiny ng Fifth Gen kay Untoy na nasa kanilang tambayan sa gate ng City Ville na malapit lang sa Kamayan Uno. Mukha lang silang mga tambay sa kanto na hindi magkakilala at nagkataon lang na nagkasalubong.

Code black, ibig sabihin ay may kahina-hinalang pangyayari, under observation at kailangan pagtuonan ng pansin.

"Sinong guard ang nandun?" tanong ng kapitan sa field guard pero sa kabilang bahagi ng daan ang tingin. "Anong status?"

"Si Bugoy Cap. Mahigit isang oras nang lumilibot sa Kamayan Uno. Tatlong katao lang ang namataan puro nakatago ang mukha." Salaysay ni Tiny.

"Sabihan mo ang iba na magpaiwan ng isang bantay sa bawat lugar habang yung susubra, sumunod sa Kamayan uno." Utos nito.

Naghiwalay na ang dalawa. Si Tiny ay patungo sa mga kasamahang bibigyan ng instruction habang si Untoy ay papuntang direksyon ng Kamayan Uno. Habang nasa daan ay rumadyo ito sa mga kapitan.

"Section 1,2,3 Captain, Section 5 guard, Section 4 kamayan Uno code black, over. May namataang umaaligid sa Kamayan, walang identification. Standby para sa posibleng labasan sakaling code Red."

"Copy Over!" halos sabay sabay pang sagot ng mga kapitan.

Ang kapitan ng section 3 ay si Sampu at ito ay malapit sa HOBO samantalang ang Section 5 ay ang bungad ng safe zone ng Norte na lalabas sa Saint Gabriel University (SGU). Section 5, 6, 7 and 8 ay nasa safe Zone, ang bahagi ng Ospital at ibang subdivision na binabantayan ng mga Civil at Field Guards lang.

Pagdating sa Kamayan Uno ay nagtago si Untoy sa isang madilim na sulok ng eskinita na malapit sa kainan at tama nga ang pinadalang mensahe ng gwardiya. Mula sa pinagtataguan ay nakikita nito ang tatlong lalaking nakaitim na pasimpleng lumalapit sa Kamayan, sumisilip at parang gusto nilang makapasok sa nasabing kainan.

Luminga linga sa paligid ang lalaking naka itim na sombrero at jacket, may mask din itong itim. Nasa likuran naman nito ang dalawa pang lalaki na look out pero mukha lang silang tumatambay sa labas ng kainan.

Anong gagawin nila sa kamayan Uno? Natanong ni Untoy sa isip. Nagmatyag ito sa paligid at nakita ang ibang kasamahan na naka pwesto na. Sumenyas itong sumugod ngunit walang nagalaw hanggang sa namalayan na lamang niyang may malamig na bagay na dumaite sa kaniyang lalamunan. Napatayo ng tuwid si Untoy dahil dun.

"Wrong move Kalye at lalaslasan kita ng leeg!" sabi ng isang boses na nanggaling sa kaniyang likuran. Ang bagay palang iyon na nasa leeg niya ay sa palagay niya ay isang ice pick dahil hindi naman ramdam ni Untoy na kutsilyo yun dahil pabilog iyon.

"Anong kailangan niyo sa Kamayan?" lakas loob na tanong ni Untoy tinataniya ang maaaring gawin, maaaring plano dahil mukhang ang mga gwardiya niya ay nasa kaparehong posisyon tulad niya.

"Impormasyon. Kailangan namin ng impormasyon. Kung sasagot ka ng maayos, baka kunting gasgas lang maibigay ko sayo." Tila nakangisi nitong sabi na muling idiniin ang hawak sa may leegan ng kapitan.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα