Kung Lahat ay Mali

3.5K 77 20
                                    

1. Kung Lahat ay Mali

Sa bawat maling pagkilos mo,
panghuhusga ng karamihan ang mabubungaran mo.
Masiyado ng magulo ang mundong ito,
kaya mahirap na magkamali, baka ika'y mainsulto.

Bawat maliit na pagkakamali,
duduruan agad ng mga daliri,
habang nakikinig ang mga taingang bingi.
Bibig na masiyadong mabunganga dahil mahilig mangialam,
habang nakatitig ang nanlilisik nilang mga mata,
na siyang manghuhusga at magtatalata.

Kaya ikaw,
'wag ka ng kumilos at magsalita,
kung hindi ka naman sigurado na ito'y tama,
Dahil sa mundong ito na masiyado ng bulag,
at nilamon ng kadiliman,
wala kang takas sa bala ng mga nag-aapoy nilang dila,
Matalas dahil masiyadong nakakasugat kung sila'y magsalita.

Masusugatan ka lang,
magdurugo ka't mahihirapan pahilumin ang peklat at puwang.
Dahil kahit pa gumawa ka nang libo-libong kabutihan,
walang papansin at hindi na agad nila matatandaan,
ngunit sa oras na makagawa ka nang iisang mali,
ito'y paulit-ulit nilang bulalas sa bawat sandali.
Paiiyakin ang iyong mga matang dati ng luhaan,
at higit sa lahat, hindi-hindi nila ito malilimutan.

Dahil lahat na lang ay mali,
hindi nila makita ang at tama.

***

Mensahe ng Awtor:

Dedicated to you Reiz02XD. Thanks for voting. Enjoy reading. :)

SUPPORT!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Mga Tula At Tugmaan (2018 Watty Award Winner - The Poets) 🎉
Mga Tula At Tugmaan (2018 Watty Award Winner - The Poets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon