Panimula

5K 70 53
                                    

Panimula:

HIGHEST RANK ACHIEVE : #05 in POETRY. 

[2018 WATTY AWARD WINNER - The POETS]

Liham ni Awtor sa mga mambabasa,

Hi! Itong binabasa mo ngayon ay nakakuha ng mataas na rank na umabot sa rank #05 POETRY at 2018 WATTY AWARD WINNER -The POETS. 

Maraming salamat!

Unang una sa lahat, salamat kung isa ka sa nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng mga  pyesa ko. Sana may makuha kayong katuturan o aral sa bawat nababasa ninyo.

Lahat ng tula na mababasa ninyo rito ay ako ang sumulat. Ginagamit kong inspirasyon ang mga bagay sa paligid, kung ano ang nakikita ko, nakukwento sa akin, nababasa ko, at napapanood ko, at higit sa lahat, ang mga experiences ko sa buhay.

Imulat ang mga mata, panoorin ang bawat paggalaw sa paligid, talasan ang pandinig at pakinggan ang ingay ng daigdig, huminga nang malalim at langhapin ang mga ideya, hawakan ang mga bagay at ito'y pakiramdaman, ibuka ang bibig at simulang magsalita. Let your words be heard!

---------

Walang sinuman ang siyang magsasalin, magbabahagi, mangongopya o mangunguha ng kahit na isa sa mga piyesa na nakapaskil dito na walang pahintulot sa nagsulat.

Kung sinuman ang nais na mang-angkin o kumuha sa isa sa mga piyesa at gamitin sa kung anuman like sa school, projects, events at sa kung ano pa man na walang hinihinging permiso sa awtor o nagsulat ay isang kaso ng pagnanakaw at isang malaking kasalanan.

Kung sakaling nais hiramin o gamitin ang aking mga tula o piyesa, siguraduhing nagpaalam sa akin, pinahintulutan ko at palaging tandaan na dapat n'yong lagyan o magbigay ng credits sa sinumang nagsulat. Maraming salamat!

Ang inyong manunula(t),
nocturnaljuan


-----

PS: Uunti-untiin ko 'tong i-edit. Marami po kasing typographical errors. Tapos maling paggamit ng mga salita, bantas at iba pa. Kaya sa inyong pagbabasa, expect some errors. Thank you!

Mga Tula At Tugmaan (2018 Watty Award Winner - The Poets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon