𝓼𝓶𝓼 (4)

2.5K 143 18
                                    

Zef Harril

It's a cloudy today. Naglalakad ako kanina at may nakita akong batang lalaking sumasayaw habang bini-video ang sarili. Minura s'ya ng nanay n'ya dahil  wala raw s'yang mararating sa ginagawa.

I just really feel bad for the kid. Bakit hindi natin turuan ang mga batang  hasain ang kakayahan nila upang pumili ng landas na talagang
gusto nilang tahakin?

Minsan ang mga magulang masyadong inaasa sa mga anak nila ang mga frustrations nila sa buhay. Karamihan naman ginagawang investment ang anak para suklian sila pagdating ng araw.

Don't get me wrong. Tutulungan ko ang mga magulang ko hanggang sa abot ng makakaya ko. Pero may ibang mga magulang lang na ginagawang mundo ang sarili nila kung saan lang p'wedeng umikot ang buhay ng kanilang mga anak. Napaka-selfish lang n'on para sa 'kin.

At sana tinuturo rin sa paaaralan kung p'ano 'ang maging.' Ang dami nating alam sa Math, Filipino, English, at Science. Pero karamihan, hindi alam kung p'ano maging sila: maging mapagmahal, maging matapat,
maging mabuti, maging matiyaga,
maging mapagkumbaba, maging masaya dahil mismong ang
mga dapat magturo nito sa atin,
hindi rin naturuan noon.
Sana maghilum na ang mundo.

sent on Wednesday, 9:50 AM

𝕱𝕮 802 𝖀4 2002 : 𝘈 𝘝𝘦𝘳𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘵𝘩𝘦 𝘝𝘢𝘶𝘭𝘵 (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon