Chapter Five *

29.7K 794 64
                                    

"CHARRY..." Nilapitan si Charry ni Jiso. Nakaupo siya sa gilid ng couch, yakap-yakap ang mga tuhod habang tahimik na umiiyak.

Pansamantalang sa unit na muna siya ni Erwan tutuloy. Hindi siya pinayagan ng dalawa na bumalik sa apartment niya sa pag-aalalang balikan siya ng mga tauhan ni Silver.

"Napakasama ko bang tao, Jiso?" hikbi niya.

"Huwag mong sabihin 'yan." Hinagod ni Jiso ang likod niya. Sinulyapan nito si Erwan na nakikisimpatyang tinanguan ang girlfriend.

"Alam ko ang totoong nangyari. Ako lang ang makakapagbigay ng hustisya sa pagkamatay ni Trish pero ipinagkait ko pa iyon sa kanya. Sa pamilya niya..." Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapahagulhol.

"Sshh... May tao kang kailangang protektahan kaya mo nagawa 'yon."

Humikbi si Charry. Ang daming maaapektuhan alin man sa dalawa ang piliin niya. Si Chase De Marco. Alam niyang malaki ang galit nito sa kanya. They were newlyweds, and she took Trish from him forever. Iyong ibang mga mag-asawa nga, nakukulangan sa lifetime, paano naman si Chase na wala pang dalawang linggong ikinakasal?

Si Chase ang isa sa tatlong anak na lalaki ng mag-asawang Abegail at Daniel De Marco na kinantahan pa niya noong thirtieth wedding anniversary ng mga ito two weeks ago. How could she not recognize him? To think na napagkamalan pa niya itong tauhan ni Silver.

Bakit ang liit ng mundo? Why of all people, kotse pa ni Trish ang paparating nang mga oras na iyon?

She could not forget her face. Hindi lang ang magandang mukha ng babae ang maganda rito, even her soul. Tinulungan siya nito kahit alam nitong posible itong mapahamak.

"Pupunta ako sa libing ni Trish, Jiso." Sa St. Jude Chapel sa Camarines Sur nakahimlay ang mga labî ni Trish. Kumuha siya ng pinakamaagang flight kinabukasan patungong Naga para personal na pumunta sa libing nito.

"I don't think that's the best thing to do right now, Charry. Kung ganoon kagalit ang Chase na 'yon sa 'yo, baka kailangan mong umiwas muna sa kanya?"

Umiling siya at pinalis ang mga luhang nalaglag sa kanyang mga mata. "Please, huwag mo na akong pigilan. Pinagkaitan ko na ng hustisya ang babaeng pinagkakautangan ko ng buhay. Hindi na kakayanin ng konsiyensiya ko na hindi man lang siya mapuntahan."

Sa totoo lang, walang mukhang maihaharap si Charry sa pamilya ni Trish. There was nothing more heart wrenching than losing a family member. Higit kanino man, alam niya iyon. At alam niyang hindi mabubura ang sakit kahit ilang comforting words ang marinig ng pamilyang naiwan mula sa ibang tao, lalo na sa kanya.

"Kung ano man ang magiging reaksiyon ng pamilya ni Trish, ni Chase, ng mga tao, kung galit man iyon, deserved ko 'yon, Jiso."

Bumuntong-hininga ito at naupo sa tabi niya, masuyo siyang kinabig payakap.

NAGSISIKIP ang dibdib na humakbang si Charry palapit sa puntod ni Trish. Wala na ang mga taong sumama kanina para makiramay sa libing ng babae. Hindi niya nakita roon si Chase. Si Patricia Franco Rivas ang nakita niya. She was Trish's older sister.

Ipinatong niya ang dalang bulaklak sa puntod ni Trish. May ilang saglit siyang tumitig sa pangalan nitong nakaukit sa puntod.

Hindi niya makakalimutan ang pangalan nito. Ang ginawa nito para sa kanya...

Sana mapatawad mo 'ko, sabi niya sa isip. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong bigyan ng katarungan ang pagkamatay mo pero hindi ko alam kung paano. Lumunok siya para paglubagin ang loob. Nagtutubig ang kanyang mga mata.

Dinagsa ang Facebook timeline ni Trish ng pakikiramay. Iisa lang halos ang sinasabi. That she was a good person at nakakapanghinayang na maaga itong kinuha ng Diyos. Na mamatay na rin sana at magdusa ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay nito.

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon