Chapter 3

1.4K 50 12
                                    

Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.

Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.

Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online.

---

"Sheena, gumising ka nga sa katotohanan na hindi ka mahal ng boyfriend mo! Niloloko ka lang niya!" giit niya sa kaniyang nakababatang kapatid.

"Ate Runami, huwag ka ngang ganiyan! Mahal na mahal ako ng boyfriend ko!" singhal naman ng kapatid niya.

"Ayaw mo kasing maniwala sa akin, e. Ate mo ako kaya ako ang aniwalaan mo! Totoo nga 'yung nakita ko na kinakaliwa ka ng boyfriend mo!" pagduduldulan niya sa kapatid.

"Hindi ako sa iyo naniniwala ate! Bitter ka lang kaya ka ganiyan! Malay mo kaibigan niya lang pala 'yung kasama niya! Ewan ko sa 'yo ate, masyado kang malisyosa," anas ni Sheena kay Runami at tuluyan ng naglakad palayo.

Isang taon na ang lumipas matapos makipaghiwalay ni Runami sa boyfriend niya. Tumagal sila ng dalawang taon ngunit nasira lang iyon nang dahil sa third party.

---

"Luv, kita tayo mamaya, a? Date tayo," text ni Runami kay Robin, ang boyfriend niya.

"Oo sige lang, Luv. Medyo busy pa ako ngayon, e. Siguro ay hahabol na lang ako. Mauna ka na lang sa venue," pag-reply naman sa kaniya nito.

"O sige, basta bilisan mo lang, a? Love you!" tugon ni Runami.

Lumipas ang limang oras ngunit hindi pa rin siya sinisipot ng kaniyang boyfriend. Lumubog na ang araw at lumitaw na ang buwan ay wala pa rin ito. At dahil nabahala na si Runami ay tinawagan na niya ang kasintahan ngunit cannot be reach kaya mas minabuti na lang niyang umuwi sa kanila.

Kinabukasan ay pumunta siya sa condo ng kaniyang sinisinta. Dahil kilala na siya ng guard doon, dumiretso na siya sa unit nito at saka dali-daling binuksan ang pinto. Nagulat siya sa kaniyang nakita; mga bote ng alak na nakakalat sa sahig; mga basura ng pinagkainan; at mga damit na nakakalat sa sahig. Lumakas bigla ang pagkabog ng kaniyang dibdib.

"Isa lang ibig sabihin nito, hindi niya ako mahal at pinaglalaruan niya lang ako," sabi niya sa sarili at tila nag-uuna-unahan ang kaniyang luha sa pagtulo.

Binuksan niya ang silid ng boyfriend at tama nga ang kaniyang hinala. May kasama itong babae sa kama at tila may nangyari sa kanila na nagpasidhi sa nararamdaman ng dalaga.

"Mga wala kayong hiya! Ang bababoy n'yo! Mga walang pakundangan!" sigaw ni Runami sa dalawa habang pinupuktok ang mga ito ng dala-dalang shoulder bag.

"Ang kati mong babae ka! Daig mo pa ang higad! Sana naging higad ka na lang! Mang-aagaw!" sigaw niya sa babaeng nakayapos sa katawan ng kaniyang kasintahan.

"Hoy hoy hoy, una sa lahat, hindi ko inagaw ang boyfriend mo! Siya ang baliw na baliw sa akin kaya pinagbigyan ko lang siya! Kaya kasalanan itong lahat ng boyfriend mo! Saka isa pa, ang boring mo raw kasing kasama, e," patutsada ng babae na tuwang-tuwa pa.

"Magsama kayong dalawa! Mga hayop! Ang ayaw ko sa lahat ay mga walang modo! Sumpain kayo!" panggagalaiti niya kay Robin habang pinagtatabuyan ito papalapit sa babaeng kasama.

In the Dark Nightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن