Malinis at maputing papel para sa nilalaman ng damdamin kong patuloy mong binabaliwala.
Isang panulat na nag sasabi ng nararamdaman ko para sa isang tulad mong hinangaan ko.
Ngunit Masaya Kasama siya.
May guhit na asul, pula at itim para sa nilalaman ng damdamin kong pilit na inililihim
Mga nais kong sabihin isusulat ko na lang dahil ako at ikaw ay walang bakas ng salitang "Tayo"
Ang bawat pahina ay puno ng sakit at may bahid ng mga luha
Dahil sa isiping ang hirap mong abutin at meron ng Kayo kaya Imposible pang Maging Tayo.
Ang mainit na luha ay lumandas na
Ano nga bang laban ko sa babaeng nag mamay'ari na sayo?Ang tanging kaya ko lang namang gawin ay Mahalin ka ng Totoo, sa paraang hindi mo nakikita.
Gusto kita, Mahal pa nga ngunit parasan pa itong nararamdaman kung iba naman lagi ang laman niyan?
Ilang beses bang dapat dumaan upang ang paningin mo ay sakin naman?
Kailangan mo pa bang bigyan ng salamin? Upang ang halaga ko ay mapansin?
Tanong ko lang kung sakaling malaman mo kung gaano ka ginusto ng tangang pusong ito
Pwede bang mabuo ang inaasam kong Tayo?
Kaya mo bang tumbasan kung gaano kita ginusto?
Paano kung nalaman mo lahat ng isinulat ko para sayo?
Pahahalagahan mo bang lahat ito? Kagaya ng mga taong nag papahalaga sabawat pahina ng tulang ito
Ang bawat saloobin ay sasabihin kung saan ang tanging mag papaalam ay ang panulat kong itim
Mga tanong na sana Ikaw na lang ang kasagutan
Mga luhang Ikaw ang dahilan,
Mga tulang nag sasabing Ang sakit na.Nasasaktan mo ako sa paraang hindi mo alam dahil hindi mo nakikita.
Ang nag iisang taong nag bibigay sayo ng Halaga.
Hindi mo makikita dahil merong siya na nag papangiti pa sayo ng sobra
Masaya kaba na Gustong gusto kita?
Kung Oo bakit hindi na lang ako? Kaya ko namang higitan yang pag mamahal niya sayo
Bakit ba hindi mo makita ang halaga ko?
Ilang beses na akong dumaan sa harap mo at ilang beses mo narin bang ipinaramdam na Hindi!
Hindi mo kailaman lilingunin ang nag iisang ako
Bakit hindi ko matanggap ang pakiramdam na iyon?
Ikaw at ikaw parin ang pinipili kong makasakit sa masayang Ako
Ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi hintaying mapagod na lang itong puso kong Mahalin ang isang tulad mo
Sana Balang araw maramdaman mo yung nararamdaman ko para sayo.
Kung gaano kasakit umasa sa isang taong wala namang pakialam sayo.
Hiling ko lang sana mag tagal kayo.
Nang Taong ngayon ay sinasabi mong "Mundo"
Dahil ang nararamdaman ko para sayo ay Nakasulat na lang sa isang Puting papel na may guhit na Pula asul at Itim na ang tanging magpaalam ay ang panulat kong Itim.
Ang lahat ay isusulat ko na lang.
-Sa panulat ni
Bb. Suzette
Read and ⭐Vote!
BINABASA MO ANG
Isusulat Ko Na lang. (COMPLETE) ☑️
PoetryIsusulat ko na lang! Malinis at maputing papel na may guhit na asul, pula at Itim para sa nilalaman ng damdamin kong pilit na inililihim! Mga nais kong sabihin isusulat ko na lang kung...