Nagbago.✅

8 1 0
                                    




Napapaisip pa ako kung bakit may mga taong kailangang mag bago ngunit nasagot ko ito mismo.

Nang maranasan kong saktan at iwan na lang ng bigla ng wala man lang pasabing paalam.

Marahil tama nga kung minsan na ang Isang Tao kailangang mag bago hindi para sa iba kung hindi para sa sarili nila.

Nag babago ang tao base sa Naranasan at kung gaano sila nasaktan ng mga Taong nakapaligid sakanila.


Mga taong minsang pinagkatiwalaan at minahal ngunit niloko at hindi ito magawang suklian.


Nag bago para maging mas maging sapat at mas maging matapang sa susunod na hamon sakanila ng Tadhana.


Nagbabago tayo dahil gusto nating patunayan sa isang taong hindi mantayo minahal o hindi ginusto hindi sila naging kakulangan upang hindi maging masaya.


At makumpleto ang isang Simple at nag iisang Buhay sa Mundo.


Kakailanganin mong mag bago para hindi ka tapakan ng ibang tao, husgahan ng kung ano ano.



Magiging matapang dahil kailangan dahil sa buhay pala ng tao pag mahina ka kakayan kayanan ka lang iba.


Kailangan mo pa lang matutuo at mag bago dahil kung mananatili ka sa pagiging mabuting tao aabusuhin ka ng mga taong walang inisip kung hindi ang kanilang sarili.


Dahil kung minsan ang taong nakakasalamuha mo ay mapanlinglang, magaling lang kung may kailangan.



Nag babago ang isang tao dahil natuto, natuto na siyang huwag dumipende sa ibang tao.











-Sa panulat ni
Bb.Suzette

Isusulat Ko Na lang. (COMPLETE) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon