Bitch

35 4 0
                                    

"Ready na ang lahat, Marianne." Pahayag ni Cyan na ngayo'y suot suot ang puting mahabang coat.

"Mabuti naman." She curtly answered na ngayo'y nakaharap sa isang painting ng kaniyang silid. "Naiinip na ako rito."

The room is dark but Cyan manages to see Marianne. Ganito ang paligid ng silid ni Marianne. Nababalutan ng kadiliman.

"What about the boys? Isasama ba natin siya?"

Umikot si Marianne para harapin ang dalaga. With her stormy eyes, hindi maiwasan ni Cyan na kabahan.

"No. It's too risky. Baka malaman nila na kaanib ko ang mga iyon."

"Saan natin sila ipupwesto? I mean, hindi ba sila magpapakita? Baka hahanapin sila ng mga kaklase mo."

Marianne smirked, loving the curiosity written on Cyan's face.

"Si Pyro na ang bahala sa kanila. I know she can handle them."

"Woah!" Ngumisi si Cyan. "Naaamoy ko na ang nasusunog na katawan."

Natawa si Marianne roon. She loves testing Pyro's patience. Nakikita niya kasi ang kaniyang sarili sa dalaga. Iyong pagiging mainipin at madaling magbago ang modo.

"Let's see. Wala naman akong problema roon. I'll let her burn whoever she wants to."

Napangiti si Cyan. Bilib na talaga siya kay Marianne. Kaya ang taas ng tingin niya sa dalaga kahit na alam niyang may dugong dayuhan ito.

Pili lamang ang nakakaalam na may dugong dayuhan si Marianne. 'Cause if everyone knows, walang titingala sa kaniya. Walang matatakot sa kaniya dahil sino ba ang rerespeto sa nilalang na mas mababa pa sa Sikaro? Even those Sikaros won't see her as the princess of darkness. Kaya hanggang ngayon, nanatiling sikreto ang kaniyang pagkatao.

Matapos ang kanilang usapan ay hinanap ni Marianne si Pyro. Kagaya ng plano ng dalaga, si Pyro ang magbabantay sa mga lalaki.

"Ikaw na bahala sa kanila. Do what makes you feel better. If you have to use your power against them, then go."

"Why me? Nandiyan naman si Sketch." Iritang usal nito. Iniisip pa lang niya ang mukha ni Kurt ay parang masusunog siya sa sarili niyang kapangyarihan.

"I have no choice. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa kanila."

"No way!" Agap nito. "You know I can't control my temper, Heart. And you cannot rely on me when it comes to this."

"Ayos lang." Walang emosyon nitong sabi. "Just do my command." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglaho na siya. Aalis nalang siya bago niya masaktan si Pyro. Kagaya niya, hindi niya kayang kontrolin ang kaniyang sarili. She's like a volcano na basta basta lang sumasabog. At ayaw niya ng ganoon dahil nakasisiguro siyang maraming mapapahamak.

Nakahanda na ang hukbo. Handa na silang umalis nang bigla silang pinalibutan ng nagbabagang apoy. Lahat ay nagpanick puwera kay Marianne na kalmado lang ang mukha. Something's wrong. Hindi niya alam ano ito.

"You can't leave me with them, Marianne!" Sigaw ng pamilyar na boses. Lahat, liban sa kaniya, ay lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Pyro?" Takhang sambit ni Cyan.

"What's wrong with her?" Si Erebo.

"She's losing her mind!" Usal ni Claud.

"Marianne naman! Alam mo namang ayaw ko sa grupo ni Sketch! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?" Pagmamakaawa ng dalaga. "Please..."

Umismid lang si Marianne. Walang balak na pagbigyan si Pyro. Ni wala siyang naramdamang kahit na anong awa. Awa? Wala sa bokabularyo niya iyon.

"I'm giving you choices, Pyro. Stay or die?" She replied, looking to nowhere. She can feel the emptiness in her life. Parang may mali. May kulang. Pero 'di niya alam kung ano ito. Or maybe because she's living with darkness kaya sobrang dilim ng kaniyang mundo.

Napalunok ng husto si Pyro. Maging ang hukbo. They know Marianne's serious. At kapag ano ang desisyon mo, rerespetuhin niya iyon. Once na magkamali ka sa pagpili, maaaring buhay mo ang kapalit.

Umikot ang lider ng samahan. Pinapanood siya ngayon ng lahat. Naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"I prefer to die than living with these assholes." Sabi ni Pyro sa kaniyang isip, not knowing na narinig iyon ni Erebo at Marianne.

"I can hear you, Pyro. Be careful with your words." Sabi nito.

"O-okay! F-fine! I'll stay!" Suko niya. Labag man sa kalooban niyang bantayan ang grupo ng lalaki, wala siyang magagawa. Ayaw naman talaga niyang mamatay pa. She still wants to live longer.

"Kung ganoon, maaari na ba kaming umalis?" Taas noong usal ng pinuno. Sa sandali pa'y dahan dahang natupok ang apoy hanggang sa wala ni anong bakas ang makikita.

"Kaya mo na 'yan, Pyro." Sabi ni Cryo.

"Oo nga." Segunda ni Claud. "Sunugin mo sila kung gusto mo. Wala namang problema si Heart doon."

"We better go. You all are wasting my time." Walang emosyong sabi ni Marianne. Kanina pa siya naiinip pero hindi niya lang pinapahalata ito.

"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ni Arlan na ngayo'y nagpupumilit na pumiglas mula sa pagkakahawak ni Erebo.

"Saan mo gusto?" Tanong pabalik ni Cyan sa mapaglarong boses.

"Bitch." He cursed under his breath. Natawa naman si Cyan dahil doon.

Poor Arlan. Saan ka kaya nila dadalhin?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Where stories live. Discover now