Traydor

24 2 2
                                    

Abala si Marianne sa kaniyang plano. Kailangan niyang maisahan si Ruffa pero paano? Kailangan niya ring isaalang alang ang kaligtasan ng Ametista. She can't just settle down into a one plan lalo na't maraming maaabala sa kaniyang gagawin. Kung puwede lang sanang isang pitik niya lang ng kamay ay magiging bihasa sa digmaan ang Ametista, gagawin niya iyon.

But she knows it's beyond her limitation. Hindi siya dapat gagamit ng kapangyarihan lalo na kung posibleng buhay niya ang magiging kapalit nito.

Kaya naman, dapat mag-isip siya ng magandang plano. Hindi bale na kung masama ang tingin ng Ametista sa kaniya. Naniniwala siyang isang araw, maiintindihan ng section one ang kaniyang ginagawa.

Ngunit, aminin man niya o hindi sa kaniyang sarili, nagdadalawang isip siyang ituloy ang kaniyang plano sa tuwing nakikita niya si Kyla. Bumabalik sa alaala niya lahat ng sakit, pighati at kirot na naramdaman niya habang pinapanood niya ang kaniyang mahal na nagmamahal ng iba.

Dapat nga ba siyang mainggit sa babaeng iyon? She knows she's better than Kyla pero para saan pa iyon kung ang tinitibok ng puso ng taong mahal niya ay sa babae at hindi sa kaniya? Will it be worth considering to say that she should be the one to love at hindi si Kyla?

"Yan?" Sambit ng pamilyar na lalaki, dahilan para manumbalik sa diwa ang pinuno. Umikot siya upang maharap ang binata saka tipid na ngumiti. Nanatili naman ang kuryosong mata ng binata sa kaniya. At sa oras na ito, alam ng dalaga ang iniisip ng binata.

"Ea-Reil." Sambit nito. "Naparito ka?"

Hindi sumagot ang binata bagkus, nanatili itong nakatingin sa dalaga. Ano kaya ang iniisip niya?

"Wala lang," anito. "May... lakad ka ba ngayon?"

Pinagsalubong ng pinuno ang kaniyang kilay.

"Wala naman. Bakit?"

"Wala ka man lang bang gagawing hakbang laban kay Ruffa?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga. Kanina lamang ay pinulong niya ang kaniyang hukbo para maisatupad ang kaniyang plano.

"Sa ngayon wala pa." Walang emosyon nitong sagot saka tumalikod sa kausap. Huminga siya ng malalim at diretso ang tingin.

"Pero bakit? Uunahin mo ang Ametista?"

Marianne gritted her teeth, kasabay ng pagtiim bagang. She's torn in between. Ngayong nasa harap niya si Earl, mas lalo siyang nahihirapan sa pagplano. She knows she can't go back to the past when everything seemed right. Na mahal pa siya ng binatang nasa harap niya.

Pero...

Paano kung aamin siya? Na ibulgar ang matagal na niyang nililihim? Maaayos pa ba ang nawasak? Manunumbalik pa kaya ang pag-ibig ni Earl para kay Marianne? Paano kung hindi na? But atleast, mapapatawad man lang siya ng binata, 'di ba? Siguro iyon ang mas mahalaga. Na kahit 'di na maibabalik ang kung anong naglaho, atleast gagaan ang kaniyang loob dahil alam niyang napatawad na siya.

"Oo." Sagot nito. Kusa namang nagtaas noo ang binata dahil sa nakuha niyang sagot. At pagkunway umikot muli ang itim na babae upang maharap ang kausap. "Iisa-isahin ko sila. Sisiguraduhin kong walang matitira sa kanila."

His breathing hitched. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya. At kapag sasabihin niya'y matutupad iyon. At alam niya ring seryoso siya sa sinabi niyang iisa-isahin niya ang Ametista. Bigla siyang nanlumo nang naalala niya ang isang babaeng morena na kung hindi siya nagkakamali ay siya ang nagsisilbing pinuno ng lahat. Sino kaya iyon? Bakit kakaiba ang naramdaman niya nang naharap niya ang babae? Na para bang may nag-uudyok sa kaniya na isiping naging parte siya ng kaniyang buhay.

Sa kabilang dako, nag-ayos ng sarili si Lars. Makikipagkita siya ngayon sa Ametista. Ngunit, bago iyan, kailangan niyang masigurong walang makakahuli sa kaniya.

"Patay ka, boy. Ragutak ka talaga." Bulalas ni Kurt nang sinabi ni Lars ang kaniyang plano.

"Pinapahamak mo lang kami, Lars." Reklamo ni Jonas.

Nasa loob sila ng kanilang silid. Ang buong akala nila'y silang lima lamang ang nasa loob. Little did they know, may nagmamasid sa kanila.

Tamad na hinarap ni Lars ang kaniyang maliit na hukbo.

"Puwede ba? 'Wag kayong maingay. Kinakabahan na nga ako, dinadagdagan niyo pa."

"Oh edi 'wag mo ng ituloy." Pamimilosopo ni TJ at sinamaan kaagad siya ng tingin.

"Duwag ka lang kaya ka nagkakaganyan."

"Labas na kami riyan, ha?" Paninigurado ni Kurt na ngayo'y kinakabahan ng husto.

"Oo." Inis na sagot ng pinuno. "Kapag 'di ako makabalik ng ilang oras, dalawa lang ang ibig sabihin noon. Either natatagalan ako o patay na ako."

"'Wag ka ngang magbiro. Gago 'to ah." Jonas whined, rolling his eyes.

"Seryoso ako." Si Lars. "Basta, kapag 'di ako makabalik kaagad, alam niyo na ang mangyayari."

Pagkatapos ng huli niyang salita ay bigla siyang naglaho. Iniwan niya ang kaniyang kagrupo na tulala at walang magawa.

Meanwhile, Cyan's breathing hobbled. Tama nga ang hinala niya. Tama ang kaniyang pinuno na traydor si Lars. May binabalak siya laban sa hukbo. Ano naman ito? Paano kung hindi na nga siya makakabalik? Kailangang mapigilan siya ni Cyan. Pero paano? Natatakot din ang dalaga na buhay niya ang magiging kabayaran kung sakaling kakampi siya kay Lars.

Pero sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, susuportahan mo. Ano kaya ang gagawing hakbang ni Cyan upang hindi mapahamak si Lars sa kaniyang binabalak? Magtatagumpay kaya siya o malalaman ni Marianne ang lahat?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Where stories live. Discover now