my LS4N1 experience

157 8 1
                                    


K. J. D. C.

Ate Rayne Mariano a.k.a. Pilosopotasya, you are one blessed human being *coughs* potato *coughs*

R. M.

I enjoyed every bit of it; the fluff, kilig scenes at ang mga joke na mas corny pa sa mais. Lahat ng aspeto nung kwento, napaka-vivid. Eto yung mga unique traits ni Pilosopotasya eh. Mapapaniwala ka sa mga storya niya at mashoshook ka na lang talaga sa ending kasi tapos na. Naniniwala ako na ang LS4N1 (tulad ng iba niyang libro), ay tipo ng libro na ayaw mo matapos. Hindi siya nakakasawa ulit ulitin at kahit na ire-read mo ay full on kilig ka pa rin from the start to the very end. Mapapa-abang ka. You'd want to keep reading even if it means you will be closer to the end because LS4N1 is irresistible.

And the dialogues. The dialogues are the best part of this book. Napaka-random pero it stays on topic? (ang galing diba hahahaha) At kahit seryoso ang usapan, hindi pilit ang mga hugot or mga unexpected banat nila kasi sobrang sakto sa timing. As in. And I love the fact na (hindi naman sa ginamit pero, sige) Pilosopotasya used herself and Kaye Cal as the people in the story who talk about a serious topic without brainwashing the reader dahil fan sila nila. Kumbaga, iba iba ang perspective nila. Sa maniwala ka sa hindi, okay lang. Pinapalabas niya na hindi mo kailangang sumang-ayon or magsupport sa lgbtq+ para maka-relate sa mga pinagkekwentuhan nila. Lumalabas yung different opinions nila, at nung mga tao outside their bubble at napaguusapan nila yun, as if they are analyzing the situation.

At ang theeeemee!!! I love the theme! LGBTQ+, idol-fan relationships, whirlwind romance (and comedy) and music. Unusual na pagsabay sabayin pero somehow sa LS4N1 nagwork siya. Di lang nagwork, it was an energy with equal forces all pushing and pulling at the right and perfect timing. Parang, di nasosobrahan sa romance kasi may comedy. Di rin nasosobrahan sa seryosong LGBT talk, kasi nga may romcom!! Andaming beses na kailangan ko muna ibaba ang phone ko kasi baka mahampas ko sa pader sa sobrang kilig or inis!? Wala eh ang cute ng tandem nila. Parehas makulit at cute. Yun ang KAYNE.

Pero tulad ng lahat ng story, hindi siya lahat masaya, nagkaroon ng kirot yung puso ko kasi what's more cliché than an idol-fan relationship at hindi sila pwede because of the idol's reputation? Ramdam ko yung pagluha ni Rayne eh. Ramdam ko yung takot, yung uncertainty. Yes, Ate Rayne, naramdaman ko yung angst, pero hindi to the point na maiiyak ako. In fact, mas malala ata yung paninikip ng dibdib? I found it harder and harder to breath in part three. It was exhausting! Ako ang napagod para sakanila! Mararamdaman mo yung bigat at yung hirap na dinadanas nila. Mas lalo na nung nagkakaaminan na ng feelings! (akala ko ba taguan?! :"<) But I'm relieved knowing na sila ang naging end game sa story. It was satisfying? Feeling ko kasi kung hindi sila ang nagkatuluyan, parang- no scratch that, SOBRANG sad niya kasi after all that cubicle thingies and that lipstick stains HINDI SILA?! oh c'mon!

Tungkol naman doon sa ~mensahe at ~awareness.

You really got it. Napadating mo yung mensahe. Thank you so much for taking OPM and Lgbtq+ into consideration. Very supportive ako sa lgbtq+ pero more on the boys side and alam ko, since may kakilala akong closet gay. At dahil sa LS4N1, mas naging open ako sa mga lesbians and transmen. Mas lalo ko pang narealize na it's true that pretending to be something you're not just to please other people is hard. Di kasi lahat kailangan natin i-please. We can always stick to those na nakaka-appreaciate at nakakaintindi saatin genuinely. At ang mga members ng lgbtq+ community ay mga tao rin. Nakakaramdam sila at may mga feelings sila. Atleast kung di mo sila tanggap as gay or trans, atleast we should respect them as people pa rin. They can do anything they want basta wala silang nabubunggo na tao :)

So my overall say about LS4N1? Di mo pagsisisihan. My LS4N1 experience was one of a kind. Though minadali ko ng slight ang pagbabasa para makapag-gawa at plot ng book review ay swak pa rin talaga. Re-reading will absolutely be recommended, hindi dahil sa bitin (though bitin nga :< ) or ano man, kundi dahil lahat ng ls4n1 experience will be different kahit na ilang beses mong ulit ulitin kasi hindi siya basta lang nagpapakilig. Hindi siya chamba at lalong hindi siya binasta basta lang pinost para sa kapeymusan *coughs* ~mensahe at ~awareness *coughs* At so far dalawang beses ko nang naulit ang LS4N1 at ang mga linyahan nila, still gets me. Kung gusto mo ng medj light pero damang dama na story? Read Love Songs fo No One. It's worthwhile and it will bring you to a whole new world in between reality and fantasy :)

•••

LOVE IS LOVE || #LS4N1Where stories live. Discover now