Chapter 19: Kuha Mula sa Camera

3K 199 8
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Umaga.

May crack ang isang lente ng salamin na may itim na frame na naiwan sa daan. Isang pares ng military boots ang tumabi at may kamay ang pumulot dito—si Lieutenant Esguerra. Kumislap ang salamin sa sinag ng araw habang tinignan iyon ng tinyente na may magkahalong lungkot at pride.

"Kay Diazon, sir?" sabi ng boses.

Tumango si Esguerra. Sa tabi niya'y si Private Torres. Sinilid ng tinyente ang salamin sa kanyang breast pocket.

Sa paligid, nagkalat ang mga sasakyang military na galing sa headquarters. Doon kung saan huling nakita si Corporal Diazon bago siya tinangay ng mga UFOs.

Malungkot ang lahat sa sinapit ng corporal. Isa sa mga tinuturing nilang modelong sundalo—tapat sa kanyang tungkulin at may angking pagmamahal sa bansa. Isang tunay na brother-in-arms at kauna-unahang casualty ng task force.

"A hero," sabi ni Colonel Laxamana.

"He was very brave," malungkot na sabi ni Jang-Mi. "He sacrificed his life to save us."

Taimtim naman si Andy. Tinamaan siya ng dagok ng kunsiyensya—na siyang dahilan nito, ng lahat. Na para protektahan siya'y, inalay ni Diazon ang kanyang buhay. Sa paligid, kita niyang abala ang mga scientist na kumukuha ng mga test samples ng mga naiwang burn residue ng UFOs sa daan. May mga agents ng NBI ang kumukuha ng mga litrato, may mga nagre-recover ng mga basyo ng bala, at may mga kumukumpuni ng Revo para paandaring muli. Ang lugar ay nagmistulang isang crime scene.

Pagbalik nila Andy sa headquarters ay nagsipagpahinga sila. Nakatulog si Andy sa pagod at siya'y muling nanaginip.

Nguni't ang panaginip niya'y hindi ng kanyang ama o ng kanyang ina. Kundi'y kadiliman. Napanaginipan ni Andy na nakatayo siya sa isang malawak na patag, at ang paligid niya'y pitch black. Ang nakapagtataka, ay sa kadilimang ito'y kita niya ang kanyang sarili. Bagama't hindi rin niya kita ang kanyang tinatapakan ay ramdam niyang matigas ito, parang simento o bakal, at may mahinang echo tuwing siya'y humahakbang. Ang kisame ay kadiliman na parang walang hangganan.

Sumigaw si Andy, nguni't walang tinig na lumalabas mula sa kanyang bibig. Inulit pa niyang pagsigaw na halos lumabas na ang ugat niya sa leeg.

At muli, walang tunog na narinig.

Maya-maya'y may mahinang ilaw ang nagmula sa itaas at napatingala si Andy.

Una'y ga-bola lang ito, nguni't palaki ito nang palaki at paliwanag nang paliwanag. Isang beam of light ang bumalot sa kanyang katauhan at siya'y nasilaw. Naramdaman ni Andy ang paninigas ng kanyang mga bisig at binti, ng kanyang leeg, ng kanyang buong katawan. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasigaw.

At siya'y nagising.

Naupo si Andy sa kama. Hinihingal. May pawis sa kanyang noo. At siya'y napaisip kung ano ang kahulugan ng kanyang panaginip.

(II)

"Andy?"

Dinig ng private investigator ang tumatawag na boses mula sa labas ng kanyang kuwarto. Si Jang-Mi na mahinang kumakatok sa pinto.

"We go down," sabi ng Koreanang psychic. "To eat."

"Okay, I will follow!" sigaw ni Andy.

"Okay," sabi ni Jang-Mi at narinig ni Andy na naglakad ito palayo.

Nasa loob ng banyo si Andy na naghihilamos. Pinagmamasdaan ang sarili sa salamin. Iniisip kung sino ba talaga ang may edarang lalaki sa repleksyon. Siya mismo ay hindi na sigurado sa sariling katauhan. Sa mga nagdaang araw, parang bang hindi na niya kilala ang sarili. Ang tangi na lamang pumipigil na siya'y masiraan ng bait ay ang pagaalala sa magiging landas ng nag-iisa niyang anak na si Pauline.

Ngayong malaki ang kutob niyang naipasa niya ang alien gene sa anak. Ang alien blood.

Nagpunas ng tuwalya sa mukha si Andy at lumabas ng banyo. Tinignan niya ang kanyang wristwatch na nakapatong sa side table. Pasado alas-otso ng umaga. Nakasara ang kanyang mga kurtina kung kaya't saglit siyang nawala sa daloy ng oras. Akala niya'y gabi pa rin.

Matapos makapagpalit ng damit ay lumabas ng kuwarto si Andy, bumaba at nagtungo sa Mess Hall kung saan naghihintay si Jang-Mi sa kanya. Matapos nilang mag-agahan ay agad silang nagtungo sa War Room kung saan naroon sina Laxamana at Esguerra. At nagulat sila na naroon din ang babaeng reporter at kanyang photographer na nakita nila sa checkpoint nuong umaga. May kasama silang may edarang babae na magarang magdamit na agad na namukaan ni Andy.

"Marge!" kanyang hudyat.

"Hello, Andy, kumusta?"

Ang babae ay si Marge Valdes ang editor-in-chief ng Manila Insider, isang pahayagan na kilala bilang mahigpit na kritiko ng gobyerno. Ang primerong layunin nila'y i-expose ang mga katiwalian, at mga conspiracies na tulad na lamang ng isang mass UFO abduction. Matagal nang kakilala nina Andy at Laxamana si Marge at kanila nang nakatrabaho ilang beses.

Ilang taon ang tanda ni Andy kay Marge na nasa kanyang early 50s. Maputi, mahaba ang buhok, may style, may sophistication ang dating. Suot niya ay kulay itim na trenchcoat at naka-heels.

"I'm okay," sabi ni Andy. "Ikaw? Kumusta ka?"

"I'm fine," ngiti ni Marge.

Matagal nang hindi nagkikita sina Andy at Marge. May saglit na palitan ng mga tingin na para bang biglang dinapuan sila ng magagandang mga ala-ala na tinago na lamang nila sa mga sarili. Tinawag ni Marge ang babaeng reporter at kanyang photographer at pormal na ipinakilala kina Andy at Jang-Mi.

"This is Sig our photographer..."

Ngumiti ang 20-something na reporter at kinamayan sila.

"And this is Roberta, my ace reporter..." pakilala naman ni Marge sa babaeng reporter, "...and my only daughter."

Nagulat si Andy.

"Ha? Ibig mong sabihin.."

"Yes," confirm ni Marge at ngumiti. "My daughter. Wala ba akong karapatang magkaroon ng anak na kasingganda nito?"

Nagblush si Roberta. Matapang siya noong una nilang nakita pero ngayong nakilala na nila'y mabait pala ito at namana ang maraming katangian ng kanyang ina.

Ipinakilala naman ni Andy si Jang-Mi at matapos ang introductions ay sinabi sa kanila na naroon si Marge sa request ni Colonel Laxamana, pagka't nakunan pala ni Sig ng mga litrato ang dumaang mga UFOs sa checkpoint. We got the pictures, ani ni Marge, and we have proof. Ibig sabihin ay wala ng choice si Laxamana kundi imbitahin sila pagka't kailangan nila ang mga litrato, in exchange of course, sa exclusive na prinomise niya kay Marge.

Ang mga nakunang litrato ni Sig ay ang grupo ng flying saucers na lumilipad sa itaas ng mga poste ng kuryente sa may checkpoint nuong gabi. Mga litrato na magagamit ng task force para pag-aralan ang mga UFOs. May kuha siya na close-up ng isang flying saucer na kanilang blinow-up sa big screen.

Lahat ng tao sa War Room ay namangha at napatigil sa kanilang mga ginagawa at napatutok. Ang UFO o Unidentified Flying Object sa litrato ay disc shape at may estimated diameter na 40 feet at 20 feet in height, at naka-hover 50 feet from the ground. May maliwanag na ilaw sa ilalim nito at ilang maliliit na ilaw sa tagiliran.

"Ladies and gentlemen," pagharap ni Laxamana sa buong task force sa loob ng War Room. "Ang nakikita n'yo ngayon ay proof that we are not alone in the universe."

NEXT CHAPTER: "To Arms!"

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now