Chapter 23: Mga Asong Ligaw

2.6K 196 11
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Naglalakad sa gubat ang tatlong batang lalaki, mga pawang edad labing dalawa. Galing sila sa pamimitas ng mangga sa malayong parang at dito dumaan sapagka't itong pinakamaikling lakbay pabalik ng kanilang barrio. Dalawa sa kanila'y katamtaman ang pangangatawan samantalang ang pangatlo ay bilugan. Sa dalawang nauna'y, mas maliit ang isa habang ang isa nama'y matangkad sa kanilang lahat ng halos isang dangkal. Suot nila'y tsinelas, shorts at t-shirt na ginawa nilang lagayan ng mangga na para bang sako. Masaya sila sa nagawang pamimitas, umaawit, sumisipol habang tinatahak ang gubat na napapaligiran ng mga punong Mahogany na manipis ang katawan at tangkay.

"Uy, hinog na ito!" hudyat ng matabang bata, hawak ang mangga na naninilaw na'ng kulay.

"Kainin na natin!" sabi ng matangkad na bata.

"Ayoko nga!" sabi ng matabang bata at ibinalik ang nahihinog na mangga sa kanyang t-shirt.

Ang maliit na bata ay tahimik lamang, at tila malalim ang iniisip.

"Hoy, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ng matabang bata.

Tumawa ang matangkad na bata.

"Baka naman nananaginip ka na naman na gising!" kutya nito.

"O lumulutang na naman sa kalawakan!" dagdag ng matabang bata.

Natauhan ang maliit na bata, hindi niya agad tanto na binibiro na pala siya ng mga kaibigan. Pero, sanay na siya.

"Ha? A e, hindi, iniisip ko lang 'yung mga aralin natin bukas," dahilan niya na pawang kasinungalingan.

"Hus! Sinong niloloko mo?!" bulalas ng matangkad na bata.

"Nananaginip ka na naman ang sabihin mo!" dugtong ng matabang bata.

Nguni't, bago pa makasagot ang maliit na bata ay natigilan sila sa paglalakad at nanigas sa kanilang kinatatayuan. Ang mga mata nila'y nanlaki at ang mga mukha nila'y namutla.

Pagka't sampung metro mula sa kanilang dinadaanan ay nakaharang ang pangkat ng limang mga asong gala. Wild dogs. Mga asong ligaw na iisa lang ang hangarin—at ito'y manalakay ng mga mabibiktima. At sa kanilang mga matalas na tingin, nakalabas na mga ngipin at naglalaway na dila, ay handa silang managpang. Alas-tres ng hapon at mukhang hindi pa sila nakakakain.

Maririnig ang galit nilang mga ungol.

"A-anong gagawin natin?" nangangatog na sabi ng matangkad na bata.

"T-t-t-t-takot ako sa aso," utal ng matabang bata, ang pawis mula sa kanyang noo ay tagaktak.

"Walang gagalaw," sabi ng maliit na bata na 'di tulad ng dalawang kasama, ay may pinapakitang tapang.

Lumakas pang ungol ng mga aso, at sila'y humakbang papalapit. Ang malapot nilang laway ay tumutulo sa lupa na para bang asido.

"Anong gagawin natin?" ulit ng matangkad na bata.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now