Third Chase

6.2K 128 34
                                    

Dedicated to  Zukototofutafuto
The first reader of this story.

***

Sometimes you will accidentally met people that will add color to your life. Not knowing their purpose.

***

Napaunat ako sa kamay habang pilit bumabangon. Kinapa ko ang alarm clock kong nasa bedside table, na kanina pa tumutunog.

"Good morning honey." Malambing kong sabi at hinalikan ang isa sa mga nakasabit na picture ni Zen.

"Anak, gising na!" Malakas na pagkatok ni papa.

"Oo pa!" Sigaw ko at agad bumangon. Naghilamos muna ako at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang agahan namin.

"Pa, anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ko habang naglalagay na ng pagkain sa plato. Nakauniporme na si papa at handa nang aalis.

"Mga lampas alas diyes na siguro. Mabuti nga at di mo na ako hinintay." Napangiti siya. "Nag-iimprove ka na sa pagluto ah."

"Syempre, ako pa ba! Mana ako sayo eh." Napangisi ako.

"O siya, bilisan mo na ang pagkain. Malelate ka na."

"Una ka nalang pa, mukhang nagmamadali ka eh."

"Oo, may importante pa akong gagawin. Mauna na ako isarado mong mabuti ang bahay huh?" Tumango ako.

Nagmamadali na nga siyang umalis. Narinig ko pa ang malakas na pagharurot ng motor niya. Kung pwede ngalang ang motor sa Clarkson, nagmotor na ako kaso bawal eh.

Mahigpit ang policy na 'no any kind of vehicles except bike used by the students' ang pwede lang gumamit ng kotse ay mga profs at bisita ng Clarkson. Ang trip kasi ng may-ari, fresh air.

Naalala ko pang 'yung anak ng may-ari ng Clarkson, nagbabike din. Walang special treatment. Sayang, at hindi ko na siya naabutan. Si Master Ashton Syl Clarkson. Kaedaran 'yun ni kuya. Number 1 heartthrob daw yun dito dati. May asawa na ngalang siya ngayon, ang swerte ni ate girl.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Napatingin ako sa orasan ko. Shit! 10 minutes nalang malelate na ako. Mas lalo kong binilisan.

Halos takbuhin ko na nang makapasok ako sa gate. Saktong may nabangga ako. Ganun na nalang ang panlalaki ng mata ko nang bumagsak ako sa kanya.

"Shit!" Rinig ko ang malakas niyang mura. Agad akong tumayo, nadaganan ko kasi.

Tumayo ito, at iniunat ang mga braso.

Ngumisi ito pagbaling sakin. Tinitigan niya ako mula hanggang paa. Ang masasabi ko, mukhang playboy.

"Impressing, how can a girl like you weight like that.'' Umirap lang ako at naglakad na bahala ka sa buhay mo. Balak ko sana magsorry pero huwag na, ininsulto pa ako eh.

"Wait!" Rinig kong sigaw niya pero mas lalo kong binilisan ang paglakad. Binagalan ko lang nang makita si Zen papasok palang ito sa room nila. 

"Zen, good morning!" Matamis akong ngumiti sa kanya. As usual, malamig at walang reaksyon niya lang akong tinignan at pumasok na sa room nila. Napanguso ako.

Pilit pa akong sumilip, nang biglang...

"Huli ka!" Agad akong napatalon sa gulat nang bigla nalang may umakbay sakin. 'Yung lalaki kanina, ang kapal naman nito feeling close. Di ko nga siya kilala inakbayan na ako. Agad akong napangisi at siniko ang tagiliran niya.

"Aww! Shit! Bakit mo ginawa 'yun?" Hirap niyang tanong habang nakahawak sa tagiliran niya. Ngumiti ako ng matamis.

"Bagay lang yan sayo, feeling close!" Umirap ako, sumilip ulit ako sa room nila Zen. Napangiti ako at kumaway nang makitang nakatingin siya sa direksyon ko pero agad ding umiwas ng tingin.

Chasing the Cold Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon