Second Chase

6.6K 150 23
                                    

"Love is like planting a seed. Care it and wait until it grows." ----M.S.O

***

"Zen!" Masayang salubong ko sa kanya. Nauna na kasi kaming pinauwi pero hinintay ko na lang siya dito sa gate.

"Bakit nandito ka pa? Nauna na kayo ah." Nakakunot-noong tanong niya.

"Syempre, hinintay kita." Nakangiting sabi ko. Pinagmamasdan ko lang ang kilos niya habang inaayos ang bike.

"Huwag mo nang uulitin 'to." Napasimangot ako.

"Ayaw ko. Gusto kitang hintayin eh." Hindi naman na siya umimik at sumakay na sa bike. Pilit ko naman siyang sinabayan.

"Zen, may gusto ba sayo si Clarisse?" Tanong ko. Walang emosyong nilingon niya ako.

"Saan mo naman kinuha yang ideyang yan?" Nasa daanan lang ang tingin niya.

"Nakita ko kasi kayo sa cafeteria kanina. Mukhang ang saya niyo nga. Siguro, may gusto ka sa kanya kaya 'di ka na sumabay sakin." Nakasimangot kong sabi.

"May mga kasama ka naman na kanina at nagpaturo lang siya sa lesson namin kanina. Huwag kung ano-ano iniisip mo." Pinitik niya ang noo ko. Napanguso lang ako at pilit siyang sinabayan.

"So, wala kang gusto sa kanya?" Kulit ko.

"Wala," napangiti ako sa sagot niya.

"Dapat lang, di naman kayo bagay nun." Nakangiting sabi ko. Pero di na niya na ako sinagot. Tahimik ko lang siyang sinabayan. Halos magkatabi lang kasi ang subdivision namin. Mas exclusive lang 'yung sa kanila. Kasi halos lahat ng nakatira doon ay mayayaman habang kami 'yung pang middle class.

Mayaman sila Zen. Isang business man ang daddy niya habang doctor naman ang mommy niya. Kaya siguro ipinanganak siyang matalino.

Tahimik ko lang siyang pinanood habang nagbabike papasok sa subdivision nila. Minsan naiisip ko kailan kaya mawawala 'yung pagkakagusto ko sa kanya. Kasi kay hirap niyang abutin eh. Almost perfect na kasi siya habang ako wala lang. Wala naman akong maipagmamalaki.

I'm not born rich, beautiful, and smart.

Kung 'di naman kasi ako athletic siguradong 'di ako matatanggap sa Clarkson. Sa admission exam na ngalang, ako na ang lowest.

Mabuti na ngalang at tinuruan ako ni papa mag-taekwondo at judo. Isa kasing police officer si papa. Noong bata ako palagi kong pinapanood sila ni kuya. Tinuturuan niya kasi si kuya, kaya nainggit ako at nagpaturo na rin. Dalawa na lang kami ni papa sa bahay si kuya kasi nasa abroad. Nagtratrabaho siyang nurse doon.

Pagpasok ko sa gate, as usual tahimik.
Wala pa si papa, nasa prisinto pa. Umupo ako sa couch at naghubad ng sapatos. Humiga na muna ako, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Zen at Clarisse.

Kahit sinabi ni Zen na hindi niya gusto si Clarisse. Nasa loob ko parin ang inggit.

They were perfect for each other.

Aish! Napagulo ako sa buhok ko. Grade 11 na kami! Ngayon pa ba ako susuko? No way!

"Perfect sila pero hindi meant to be." Parang baliw kong kausap sa sarili ko. Grade 4 ko palang crush ko na si Zen. Unang kita ko palang noong bagong lipat sila sa subdivision, gusto ko na siya. Palagi kasi akong kinukuha ni Tita Belle, ninang ko. Nagtratrabaho kasi si papa at highschool na si kuya kaya doon ako lagi. Nagkataon na magkapit bahay sila ni Zen.

Tumayo na ako at nagluto ng paggabi namin. Baka mamayang alas otso pa uuwi si papa. Sanay naman na akong mag-isa at hindi ako takot kaya ko namang protektahan ang sarili ko.

Nagluto lang ako ng paboritong sinigang ni papa at paborito kong tortang talong. Pagkatapos kong magluto, tinakpan ko muna at kinuha ang laptop ko. Ngayon kasi tatawag si kuya sa Skype.

Saktong online na nga siya.

"Hello baby girl!" Agad niyang salubong sakin.

"Hello kuya! Lalo ka yatang gumagwapo ah!" Napatawa naman siya. Gwapo talaga siya, noong highschool siya. Isa siya sa heartthrob sa Clarkson.

"Syempre, sa magagandang lahi kaya tayo nagmula. Kumusta ka na bunso?"

"Okay lang, kuya namimiss na kita. Kailan ka ba uuwi?"

"Sa graduation mo ng highschool pipilitin kong makauwi. Namimiss ko narin kayo ni papa."

"Ang sweet talaga ng kuya ko.  Promise mo yan ah?"

"Syempre. I love you bunso. Sige na, may round pa ako eh. Pakumusta nalang kay papa.''

"Sige, I love you too."

Napatingin ako sa wall clock. Alas syete na mukhang gagabihin talaga si papa ngayon. Nagpasya nalang akong maunang kumain. Pumunta na ako sa kwarto ko. Tulala lang akong nakatingin sa kisame. Kusang kumawala ang ngiti ko. Nakasabit sa dingding ang mga stolen pictures ni Zen. Noong graduation niya noong elementary na punom-puno ng medalya. Lahat ng pictures niya hindi siya nakangiti. Hindi ko nga alam kung bakit siya ganun pero sabi ni Tita Elaine, mama ni Zen na mula pa noong ipinanganak si Zen ganun na siya. Mahirap daw para kay Zen na ipakita ang totoong nararamdaman niya kaya kailangang intindihin.

Sana nga, ako ang taong makapagpapakita ng totoong nararamdaman niya.

Dahil ako si Claudette Millicent Zamora. Isang Zamora. Nagmula sa angkan ng matatapang.

I will stake to our motto that....

"Once a Zamora fall inlove. It always fight and conquers."

***

VOTE, COMMENT, SHARE

Shels<3

Chasing the Cold Prince Where stories live. Discover now