Chapter 6

3.4K 157 3
                                    

Hi! I highly recommend na pakinggan nyo yung Prom by Ebe Dancel while reading this chapter. Para lang mas dama nyo kase ako damang dama ko. Hihihi thank you!

Kael

Sa gitna ng maraming tao ay nagsasayaw kaming dalawa. Walang nagsasalita. Nakangiti lang kami pareho. Pagkatapos nyang mag kwento ay inaya ko sya sa dance floor, tutal kanina nya pa naman ako inaaya sumayaw.

Kung titignan mo sya, parang wala syang problema. Parang masaya sya. Napaka-careless. Yung parang walang pake sa buhay. Pero once na makilala mo sya at malaman ang mga pinag daanan nya, tangina. Magbabago ang tingin mo sakanya.

Magbabago in a way na parang ayaw mo syang iwan. Yung parang gusto mo sya samahan saan man sya magpunta. Parang gusto mo syang protektahan.

Sa kalagitnaan ng pagpa-'party' namin ay biglang may nagsalita sa microphone.

"Okay, good evening everyone! Alam ko we are in the middle of the party and having the time of our lives but gusto ko lang sumingit saglit. Tuwing ganitong oras ay nagbibigay kami ng chance para sa mga taong gustong maki jam samin or kumanta dito sa unahan." sambit ng lalaking nasa unahan.

Agad naman akong nakarinig ng bulungan mula sa mga tao. Siguro gusto nilang kumanta sa unahan.

"So kung sino man ang gustong kumanta, lapit lang kayo dito sa stage." may mga iilan namang lumapit at nagsimula na nga ang kantahan.

Nakakailang kanta na rin ang iba ng bigla akong tinanong nitong kasama ko kung gusto ko na daw bang umalis sa bar.

"Wait lang." sabi ko sakanya sabay takbo papunta sa unahan. Narinig ko pa syang sumigaw pero di ko na lang sya pinansin.

"Pre, kakanta ka rin?" tanong sakin nung lalaki na nagsalita kanina.

"Ah, opo."

"Oh sige pagkatapos nyang nakanta, akyat ka na."

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko rin naman alam ang kakantahin ko. Basta parang gusto ko lang kumanta. Gusto ko lang kantahan sya.

Mga ilang sandali pa ay narinig ko na ang palakpakan ng mga tao. Tapos na yung nakanta, tangina ako na.

"Oh ikaw na." umakyat na ako sa stage at nakarinig naman ako ng palakpakan. Agad ko syang hinanap at madali ko lang din syang nakita.

Bakas sa mukha nya ang gulat pero agad din syang ngumiti at nag thumbs up sakin.

Para sayo 'to.

"Bro, anong pangalan mo?" tanong sakin nung isa pang lalaki. Parang sya ata ang gitarista ng banda dito.

"Kael po."

"Okay everyone, give it up for Kael!" Sigaw nya. Muling napuno ng palakpakan ang lugar na iyon.

Bago ako magsimula ay hiniram ko muna ang gitara sa lalaki. Marunong akong mag gitara kase nga anak ako ng pastor, nasali din ako minsan sa Praise and Worship team ng church namin.

Bago ko sinimulan ang pagkanta ko ay tumingin muna ako sakanya.

Alam ko na kakantahin ko...

"Hello po. Magandang gabi po sa inyong lahat. Itong kakantahin ko po ay para sa taong kasama ko buong gabi. Sana marami pang gabi ang pagsamahan natin." Narinig ko namang nag hiyawan ang mga tao. May mga sumisipol pa na tila nang aasar.

Sinimulan ko na ang pagstrum ng gitara...

"Nanginginig na mga kamay

Puso kong hindi mapalagay

Pwede ba kitang tabihan

Kahit na may iba ka nang kasama

Ito nang gabing 'di malilimutan

Dahan-dahan tayong nagtinginan...

Pikit mata ko itong kinakanta. Dumilat ako bago mag chorus at sya agad ang nakita ng mga mata ko.

Parang atin ang gabi

Para bang wala tayong katabi

At tayo'y sumayaw

Na parang 'di na tayo bibitaw, bibitaw..."

Mata sa mata.

Alam ko kahit malayo kami sa isa't isa, mata sa mata kaming nagtitinginan. Ngayon ko lang to naramdaman.

Sana maramdaman nya rin.

Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman nya, gagawin ko. Kung pwede ko lang syang pasiyahin, gagawin ko. If there is a way na makaganti ako sa mga taong nambaboy sakanya, gaganti ako. Hindi ko alam pero I can feel the connection between us.

Hindi ko alam.

Ngayon ko lang naramdaman to.

Ngayon lang.

Sa kanya lang...

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon