Chapter 20

2.7K 146 39
                                    

Tangina. Tangina. Putangina. Gago. Kagaguhan. Napaka gago. Ang gago ni Michelle. Ang gago ni Justin. Ang gago ng putanginang doktor yan. Schizophrenia? Ako? Baliw? Tangina. Kaputanginahan. Lahat na lang ng tao sa mundong to gago. Pati sya. Calypso? Tangina. Sino ba talaga sya? Ang lakas pang sabihin sakin ng putanginang Justin na yan na hindi Calypso ang pangalan nya? Jonas? Jonas Ongpauco? Fucking bullshit. Lahat na lang ginagago ako. Putangina.

Right after that bitch told me that I have a fucking schizophrenia bullshit, at nang sabihin sakin ni Justin na matagal ng patay si Calypso, agad akong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang gago. Wala akong pake habang nag dadrive. Mabangga na kung mabangga. Mahuli na kung mahuli. Putangina nyong lahat.

When I arrived at this motherfucking cemetery, agad kong hinanap kung saan nakalibing ang gago. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko naman itong nahanap dahil sa napaka laking musileyo.

Ongpauco Family

Agad akong pumasok doon dahil himalang bukas ang gate. Mayaman nga talaga sila dahil mula sa sahig hanggang sa ceiling ay gawa sa marble ang musileyong 'to. Inilibot ko ang paningin ko at nakuha ang atensyon ko ng tatlong litratong nakapatong sa ibabaw ng tatlong puntod na nandito.

Kristina Ongpauco

Andres Sofronio Ongpauco

Jonas Vincent Ongpauco

And there he was. Sya nga. Sya nga yung taong kasama ko noong gabing yun 14 years ago. Jonas Vincent? Tangina. Nanginginig ako sa galit kaya agad akong lumapit sa puntod ng putang inang Jonas na yan at pinaulanan ko ito ng sipa at pinagsusuntok ko ang puntod at lapida nya. Nagsisimula ng magdugo ang mga kamao ko but I don't care. Pinaglaruan nila ako. Pinaglaruan nya ako putangina nya. Tangina. Tangina mo. Gago ka.

"Gago ka tangina mo! Pinagmukha mo kong tanga! Tangina mo!" sigaw ko habang patuloy na sinusuntok ang lapida ng lalaking nang gago sakin.

Why did he do this to me? What did I did wrong? Did I did something bad? Hindi ako baliw! Bakit kaylangan pagmukhain nya akong tanga? All this time naghahanap lang ako ng patay na pala? Naghahanap ako ng taong gawa gawa lang pala ng imahinasyon ko?

Patuloy kong inilalabas ang galit ko sa puntod ni Jonas. Puno na ng dugo ang lapida nito at namamanhid na rin ang kamay ko kakasuntok ko pero wala akong pakielam. Kaylangan kong ilabas tong galit ko. Tuloy tuloy lang ako sa pagsuntok ng bigla kong naramdaman na may humawak sa balikat ko.

"Kael..." Humarap ako rito at nakita ko sya. 14 years. 14 years at wala parin pinagbago ang itsura nya. Ayun parin ang damit na suot nya. Sweatshirt, jumper, converse. Ayun na ayun parin. Tangina. Parang bumalik ako dun sa gabi na nagkita kami. Sa gabi kung saan masaya kaming dalawa. Pero mas kinakain ako ng galit ngayon.

Agad kong tinapik ang kamay nya sa braso ko, tumayo ako na sya namang dahilan ng pag-atras nya.

"Tangina ang kapal ng mukha mong magpakita pa sakin?! Pagkatapos mo akong pagmukhaing tanga?!" Umiiyak sya. Gago. Anong iniiyak iyak nya? Anong karapatan nyang umiyak eh sya nga tong pinaglaruan ako!

"Kael magpapaliwanag ak—"

"Magpapaliwanag? Tangina anong ipapaliwanag mo? Na imahinasyon lang kita? Na multo ka? Na pinaglaruan mo ko? Ginago? Pinagmukhang tanga? Tangina ano bang ginawa ko para kaylangan mong gawin sakin yun?" Hindi ko na mapigilan ang buhos ng luha ko. Nanginginig na talaga ako ngayon sa galit. Gusto ko syang suntukin. Sipain. Saktan. Gusto kong iparamdam sakanya lahat ng sakit.

"Kael makinig ka muna sak—" Patuloy lang ang pag-iyak nya. Na parang akala nya maaawa ako sakanya. Gago. Hindi.

"Sino ka ba talagang gago ka?"

          

"Kael..."

"SAGOT! PUTANGINA SINO KA BA TALAGA?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Napapikit naman sya dahil sa gulat. Nababaliw na ako. Unti unting sumasakit ang ulo ko. Ang sakit.

"Jonas. Ako si Jonas." mahina nyang sabi.

"Sino si Calypso?"

"Attorney namin sya. Sya ang humawak sa kaso ko." Ngayon ay nakatingin na sya sakin ng diretso pero hindi ko magawang suklian ang tingin na yun dahil kapag titingin ako sakanya, nakikita ko yung taong kasama ko sa pinaka masayang gabi ng buhay ko.

"Bakit? Bakit mo nagawa sakin to?" Ang mahina kong tanong sakanya. Parang kumirot naman ang puso ko dahil sa tanong na yun. Bakit nya ba ginawa sakin to?

"Kase malungkot ka..."

"Dahil malungkot ako kaya sa palagay mo pwede mo 'kong paglaruan?" Agad naman syang umiling.

"Hindi. Nagpapakita ako sa mga taong malungkot. Tapos aayain ko silang magpakamatay."

"Bakit?"

"Kase ang lungkot pala sa lugar ko. Sigurado alam mo na nagpakamatay ako diba? Ang lungkot pala sa lugar ko. Sobra. Akala ko kapag patay ka na, wala ka ng mararamdaman. O kaya kapag patay ka na, masaya na lang lahat. Siguro sa iba ganun. Masaya na lang sila. Pero para samin na nagpakamatay, hindi. Malungkot kami palagi. Mabigat. Madami na akong nasama sa lugar ko pero hindi parin pala masaya. Ang dami dami namin pero parang mag-isa lang kami. Parang mag isa lang ako.

Hindi ako makatawid. Hindi bumubukas ang langit para sakin. Siguro nga kase masama 'tong ginawa ko. Masama akong tao kase ako mismo ang tumapos sa buhay ko, kaya siguro ayun. Ayaw akong pagbuksan ng langit. Kaya nung nakita kita, sabi ko 'Ay, isama ko na lang kaya sya sakin. Baka kapag kasama ko sya, magiging masaya na ako.' Kaya ayun, sinama kita sa tattoo shop."

"Walang tattoo shop. Pinuntahan ko yun, lumang building lang yun." Ang pagputol ko sakanya.

"Oo. Pero dapat talaga tattoo shop yun. Family business sana. Pero hindi na nagawang mabuksan dahil nga—"

"Dahil nagpakamatay ka..."

"Oo... Sinama kita dun. Sinama din kita sa bar. Hanggang sa coffee shop. Dapat talaga pagkatapos natin mag-inom, aayain na kita sa Jones Bridge. Tatalon na dapat tayo. Para makasama na kita. Kaso nung kinantahan mo ko, doon nagbago lahat eh. Nakaramdam ako ng kakaiba. Parang hindi ko ata kayang isama ka sakin. Kase espesyal ka. Kase ikaw lang gumawa sakin nun. Kase ikaw lang nagparamdam sakin na may kaibigan ako. Na may kasama ako. Na may naniniwala sakin. Kase hindi ko naman naramdaman yun eh."

"Dapat sinama mo na lang ako. Para hindi ko na sinayang yung 14 years ng buhay ko kakaisip kung buhay ka pa ba? Kung nasaan ka na? Kung anong ginagawa mo? Nagpatato ka ba ulit? Iniisip mo rin kaya ako?" Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan eh. 14 years. Ang tagal ko syang hinanap, dito ko lang pala sya matatagpuan.

"Hindi kita sinama kase ayokong maramdaman mo yung lungkot kapag tumalon ka sa tulay na yun. Ayokong maramdaman mo yung sakit na makita yung mga tao na alam mong makakapunta sa langit, tapos ikaw hindi. Ayokong mapunta ka sa lugar kung nasaan ako.

Kase ako? Palagi lang akong nasa gitna. Nasa gitna ng lamig at init. Pagitan ng dilim at liwanag. Palagi lang akong nasa pagitan ng kalungkutan at pag-asa. At ayokong maranasan mo yun. Gusto ko makatawid ka. Gusto ko makapunta ka sa langit. Gusto ko kapag namatay ka, puro saya lang yung maranasan mo. Kase..." Alam kong pinipigil nya lang ang mga luha nya. Pero alam ko rin na ilang saglit lang babagsak at kakawala narin ang mga ito.

"Kase ano?"

"Kase mahal kita..." At tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha nya. Lalo naman akong naiyak sa sinabi nya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit. Pagka-asar. Lungkot, at sakit. Ang sakit sakit.

"Alam mo mahal din kita eh. Hindi naman kita hahanapin kung hindi kita mahal... Mahal kita, Jonas. Calypso. Oh kung sino ka man. Mahal kita. Mahal na mahal." Sa pagkakataong ito ay hinawakan ko na ang mga kamay nya. Ramdam na ramdam ko sya. Na parang totoong tao ang nasa harapan ko ngayon.

"Mahal na mahal din kita. Kaya nga gusto kong magpasalamat sayo. Kase dahil sayo, natuto ulit akong tumawa. Kumanta, sumayaw. Dahil sayo natuto ulit akong magmahal. Gusto ko ring magpasalamat sayo kase hindi man ako makapasok sa langit pero sa unang pagkakataon, nakita ko ang itsura ng langit sa mga mata mo. Kaya salamat. Salamat, Kael." At hindi ko na napigilan ang sarili ko't yinakap ko na sya. After 14 years, ngayon ko lang ulit naramdaman na masarap palang magmahal.

Hindi ako nagsisisi na sya ang minahal ko. Hindi man sya totoong tao, Siguro nga gawa gawa lang sya ng utak ko. Na isa lang syang ilusyon, o isang multo. Pero hinding hindi ako nagsisisi na minahal ko sya.

At kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na bumalik sa gabing nagkita kami...

Pipiliin ko pa ring sundan sya.

Kausapin sya...

Samahan sya...

Makipag inuman sakanya...

Kantahan sya...

Makipagsayaw sakanya...

Halikan sya...

At kung mawawala man sya ulit, hahanapin at hahanapin ko parin sya.

Kase mahal ko sya...

Mahal na mahal.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon