52 - HMS Vigilant

23.5K 1.2K 35
                                    


The short story is dedicated to Mikes Marmu. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 52

I woke up early in the morning. During Fridays, it's my daily routine to have my jogging. I was not really an exercise freak, sporty or a figure conscious woman, isa lang naman ang rason ko kaya ako nagising nang maaga tuwing biyernes.

It's just that, every Friday's the schedule of the air force cadets jogging. Sa biyernes na ang pinaka-late, alas singko ng madaling araw, sa ibang araw kasi ay alas tres pa lamang ay pinatatakbo na sila. Hindi ko na kayang gumising nang ganoong kaaga.

What's with this effort?

One of the cadets is my boyfriend. Anim na buwan ang training niya kaya ganito rin kami katagal na hindi nag-uusap, all I could do was to stare at him from afar habang tumatakbo siya kasama ng mga kapwa niya Cadet.

But we had this certain spot na siyang pinaglalagyan namin ng sulat sa isa't-isa, kapag daw naglilinis siya ay nagagawa niyang magsingit ng papel doon.

**

Humihingal na ako nang tumigil ako sa lugar namin ni Dan, inilabas ko muna ang tubig ko at uminom ako ng marami, lumingon ako sa paligid, wala pa iyong mga kadete.

Naupo muna ako at sinimulan ko nang kapain ang nakasingit na papel sa ilalim ng halaman na siyang saksi ng palitan namin ng sulat ni Dan.

Napangiti ako nang makapa ko na iyon, inilapit ko ang aking telepono para maliwanagan ang sulat.

"Ang pangit talaga ng sulat, hmm... okay lang, pogi naman." Natatawang sabi ko.

Sisimulan ko na sanang basahin iyon, nang mapatalon ako ng may batang nagpakita sa aking harapan.

My first approach was to run, pero huli na ang lahat nakalapit na sa akin ang bata at tipid na bumulong sa akin. "Welcome aboard!"

Isang malakas na pagsabog ang sumalubong sa akin nang sandaling nagmulat ako. Kasalukuyan akong nasa gitna ng giyera at inaatake ang hindi ko makilalang lugar na siyang kinatatayuan ko.

"A-ano ang ginagawa mo?!" malakas na sigaw ng pamilyar na boses ang narinig ko.

Napadaing ako sa sakit nang may biglang dumagaan sa aking katawan, sinubukan ko iyong itulak pero hindi ito matinag.

"Huwag kang gumalaw, makikita nila tayo."

Nanlalaki ang mga mata ko sa mga eroplano nagliliparan sa ere, where am I? Anong panahon ito?

Nanatiling nakaharang sa akin ang lalaki hanggang sa tuluyan nang umalis ang mga eroplano.

My eyes widened when I recognized him.

"Dan!"

Kaiba ang suot niyang damit pang-sundalo.

"D-dan?"

"Anong nangyayari? Nasaan tayo?" lumingon si Dan sa paligid.

"Nasaan ang mga kasamahan mo? Bakit mag-isa ka lang?"

"I was just jogging!"

"Ha?"

Nagsimula siyang mag-radio sa mga kasamahan niya at sinabi niya sa mga iyon na may sibilyan siyang natagpuan.

"Girlfriend mo ako, Dan!"

"Ha?"

Hindi nagtagal ay may dumating na sasakyan ng mga sundalo, sakay rin iyon ng mga katulad na iniligtas din ng ibang sundalo, agad akong binuhat ni Dan at isinakay niya ako roon.

"P-paano ka?" tanong ko.

Nagsimula nang bumaba ang iba pang mga sundalo.

"Dan! Ano ba? I am your girlfriend, sabi mo ay pakakasalan mo 'ko!"

Lumingon siya sa akin bago siya sumunod sa mga kasamahan niya.

"Then, let's marry on our next life. Today, nation first."

Lumuluha ako nang magising akong muli, sa harap na ako ng sulat ni Dan nakatitig at mas lalo akong napahagulhol nang mabasa ang kanyang huling salita.

"Marry me..."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now