65 - HMS Iron Duke

21.3K 909 44
                                    


The short story is dedicated to Bianca Angeles Sicat. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 65

I am an outcast. Sabihin na natin na mas gusto ko talagang mag-isa. Yes, I still have my friends, and they are actually the sweetest, pero iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag mag-isa ka.

The feeling of peace and serenity alone is everything for me. But the difficulty in that matter is that people tend to have mistaken it as being snobbish or something...

Just like now, my friends are busy with my Joana's birthday. Pinili nila na rito ang venue sa dorm namin. I have nothing against it naman, dahil mga kaibigan ko sila pero gusto ko talaga lagi na nasa sulok ako. Kumakain at minsan nakikisabay rin naman sa tawanan nila.

"Bianca! Dito ka kaya? Lagi ka na lang nasa sulok! Napaka-kj mo talaga!"

I rolled my eyes. "And you're talking about your dirty things together with your bf? Come on, wala naman ako no'n! Makikinig na lang ako sa inyo. I'll just eat here, and laugh with you." Sabi ko habang may hawak na phone at puno ang plato sa aking maliit na lamesa.

"KJ!"

Muli lang akong umirap sa kanila.

Iyong kwentuhan nila, nauwi na sa inuman at mas naging wild iyong usapan nila. Minsan napapataas na ang kilay ko sa naririnig ko sa kanila at nawawala na ang atensyon ko sa phone ko.

"Wow..." usal ko nang may marinig ako mula sa kanila.

Halos sabay-sabay silang lumingon sa akin at kapwa nakangisi. "Ikaw, ha? Nakikinig ka..."

"I told you. Nakikinig ako."

Sa huli napilit nila akong sumama sa kanilang lamesa at napilitan din akong uminom. Nakailang suka ako, wala pa ngang isang baso ang naiinom ko.

"Bahala na kayo riyan!" tumayo na ako.

Muntik pa akong natumba pero agad akong nakahawak sa pader. "Lalabas muna ako!"

Nagmadali akong bumaba sa dorm at pumunta ako sa pinakamalapit na 7-eleven. Sabi nila mabilis daw makatanggal ng hilo ang mainit na sabaw kaya bumili ako ng noodles.

Halos mapamura ako nang makita na iisa na lang iyong cup noodles, kukunin ko na sana nang biglang may naunang kamay sa akin.

"No way! Ako nauna!"

Aagawin ko sana ang noodles sa kamay ng lalaki nang mabilis niya iyon inangat sa ere dahilan kung bakit hindi ko na iyon naabot.

"Nauna ako."

Dahil sa sobrang hilo nawalan ako ng balanse at halos matumba ako sa dibdib niya.

"You're drunk..."

"Give me that noodles!"

Mas itinaas niya ang kanyang kamay at halos magtatalon-talon ako sa kanya para makuha iyon.

"Give me that!"

"You're one of our neighbors, right?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Just give me that!"

"Hey, stop that. Napapatingin na sa atin iyong mga tao."

Habang pilit kong inaagaw sa kanya ang noodles, bigla niyang ipinulupot ang braso niya sa akin at sapilitan niya akong dinala sa counter.

"Faster. My girlfriend is hysterical. Hunger." Mabilis niyang sabi ng babae.

Nanlaki ang mga mata ko. "What?"

Nagmadali na ang babae sa pagplastic sa noodles at agad binigay sa lalaking may gapos sa akin.

Hila ako ng lalaki sa paglabas namin sa 7-eleven, halos magulat pa nga ako na alam niya kung saan ang dorm ko at kung ano ang room number ko.

I tried to struggle against him but he's too strong! Isama pa na nahihilo na talaga ako. He knocked twice.

Iyong mga kaibigan ko ang nagbukas. Kapwa pa nakaawang ang mga bibig nila nang makita ang lalaki.

Hindi naman gwapo!

He pushed me in front of my friends, halos magtumbahan kaming sa ginawa niyang iyon.

"H-How dare you!"

"Huwag n'yong pabayaang lumabas iyan ng lasing!"

"Y-Yohan Rodriguez?"

"Huh?"

Inihagis sa akin ng lalaki ang cup noodles. "Pasalamat ka, ako ang nakabanggaan mo, Bianca."

Tiningnan niyang muli ang mga kaibigan ko. "Take care of her. Liligawan ko pa iyan... kapag 'di lasing..."

By that, nagsigawan ang mga kaibigan kong mga lasing din. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon