VII: ANINO

36 3 0
                                    


Tinanggal na ang gapos sa mga kamay ni Avir. Isang malakas na suntok ang pinakawalan sa sikmura nito bago siya tuluyang ihagis sa loob ng bartolina. Napayukod na lamang siya at patagong ngumiti sa ilalim ng nakatungo nitong ulo't nakalaylay na buhok sa kaniyang mukha.

"Wala ka rin naman palang silbi." sambit ng lalaking nagtatago sa likod ng anino. Dumura ito sa harapan ni Avir bago tuluyang maglaho.

Unti-unting mas nagdilim ang paligid ni Avir sa pagsarado ng pinto.

AgnosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon