Epilogo

208K 8.9K 19.6K
                                    

[Epilogo]

After 5 years (Pilipinas, 1946)

"Mga bata naniniwala ba kayo sa mga sirena?" panimula ng isang matandang lalaki na taga-sagwan ng bangkang bumabyahe patawid sa isla ng Palawan. Nagsitaasan naman ng kamay ang mga batang babae dahil sa tuwa.

"Ako po! Naniniwala po ako!"

"Ako rin po! Isa po akong sirena!"

"Magkakabuntot po ako mamayang gabi hihi" tawa naman ng isa, napalingon naman sa kanila ang mga pasahero ng bangka dahil sa pananabik ng mga bata lalo na kapag tungkol sa sirena ang usapan. sampung katao ang kayang isakay ng bangka na siyang sinasagwan ng dalawang lalaki sa magkabilang dulo.

"Nais niyo bang makarinig ng kwento tungkol sa mga sirena?" ngisi pa ng matandang taga-sagwan na nanabik na sa salapi. Nagsitayuan naman ang mga bata sa tuwa dahilan upang umalog ang bangka kaya dali-dali niyang pinaupo ang mga ito.

Inilahad na ng matandang lalaki na taga-sagwan ang kaniyang palad sa mga magulang ng batang iyon upang humingi ng pambayad sa istoryang sasabihin niya. Nagbigay na lang sila ng bayad dahil interesado rin sila makinig sa kung ano bang sasabihin ng matandang iyon.

Nang matanggap na niya ang ilang barya ay agad na niya itong ibinulsa sabay ngiti muli sa mga bata "Ayon sa alamat, noong unang panahon may apat na sirenang tagapagbantay sa paligid ng Pilipinas. Sila ay mga anak ng dyosa ng karagatan na si Maguayan. Kada buwan tuwing kabilugan ng buwan pagsapit ng hatinggabi ay nag-aalay sila ng buhay ng tao para sa karagatan. Masasama ang ugali ng mga sirenang iyon, mababangis, at kasuklam-suklam ang kanilang mga itsura dahil kumakain sila ng tao" panimula ng matandang taga-sagwan.

Napatulala naman ang lahat sa kaniya lalo na ang mga bata dahil ang inaakala nilang mala-pantasya at prinsesa na buhay ng mga sirena ay nakakatakot pala. "Mahilig sila sa mga sanggol at mga batang iyakin, pinaka-paborito nila sa lahat ang lamang-loob ng mga bata at ang mga sariwang dugo ng mga ito----" hindi na natapos ng matandang taga-sagwan ang ikinukwento niya dahil biglang nagsiiyakan ang mga bata at tinakpan ng kanilang mga magulang ang tenga nila.

Nagising naman si Nikolas sa ingay ng mga batang umiiyak at sa pagtatalak ng mga magulang sa matandang lalaking taga-sagwan. "Ibalik mo ang aming salapi! Tinakot mo pa ang mga anak namin!" reklamo ng isa habang sinasabayan naman siya ng ibang mga nanay ng "Oo nga! Oo nga! ibalik mo ang aming salapi!"

At dahil hindi na makatiis si Nikolas, dahan-dahan siyang sumingit sa mga pasahero hanggang sa makarating siya sa harapan, sa tabi ng matandang taga-sagwan. "Anong kaguluhan ito?" swabeng tanong ni Nikolas na animo'y isa siyang hari.

Nagulintang naman ang matandang lalaking taga-sagwan at agad nagbigay galang sa kaniya, hinubad nito ang kaniyang sumbrero at itinapat sa kaniyang dibdib "M-magandang umaga ho, ser" bati nito. Napahalukipkip naman si Nikolas sabay tingin sa kaniya.

Isa na siyang ganap na sundalo ngayon sa Hukbong Sandatahan ng mga Amerikano at Pilipino. Suot niya ang kaniyang kompletong uniporme na mas lalong nakadagdag sa kaniyang angking kagwapuhan at kakisigan. Kakatapos lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) at natalo na ng mga Amerikano at Pilipino ang mga Hapones.

Kasalukuyang isinasaayos muli ang mga bayang napinsala lalo na ang Maynila. Pinayagan lang umuwi si Nikolas dahil ngayon ang ika-unang anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang Inang Diday na namatay noong nakaraang taon dahil sa katandaan. Bukod doon ay bukas na ang araw ng Pasko.

"Bakit ka naninikil ng salapi mula sa taong-bayan nang hindi nagbibigay ng magandang serbisyo bilang kapalit?" seryosong tanong ni Nikolas sa taga-sagwan na iyon. Nagtatapang-tapangan lang siya upang ibalik na nito ang mga salapi.

Sirene (Published by ABS-CBN Books)Where stories live. Discover now