Author's Note

162K 6.6K 1.8K
                                    

Nais kong ibahagi sa inyo ang kwento sa likod ng kwentong ito, ang gulo ba? Hahaha! So eto na nga…

1. Mermaid’s legends and myth – Noong bata pa ako lumaki rin ako sa probinsya at malapit kami sa dagat. Marami akong naririnig tungkol sa mga taong nalulunod at may mga hindi na nakikita pa ang bangkay. Mayroon pang statue ng sirena doon sa plaza ng probinsya namin na paboritong-paborito ko, tuwing hapon bago kami maglakad-lakad sa dagat lagi kaming dumadaan doon at binabati ko siya haha! Charing lang pero fan talaga ako ng mga sirena.

2. A request – Sa totoo lang wala naman sa plano na isulat ko itong Sirene. Mayroon akong nareceive na message sa twitter, nag-rerequest siya na gumawa ako ng story patungkol sa mga sirena. Hi! Karen Barrida thank you so much sa pag-push sa akin na isulat ito, I’ll dedicate this to you and sa aking childhood dream to be a mermaid <3

3. I want to be a mermaid – Ayan na! hahaha! Bata pa lang talaga ako mas bet ko ang mga mermaid kaysa sa mga Princess na laging ililigtas ng Prinsipe like Whuuut haha! Basta gusto ko kasi ng challenging, yung tipong action, tragic, adventure na may moral lesson sa huli. Naalala ko pa dati wala kaming TV tapos nakikinood lang kami ng palabas na “Marina” sa teleserye gabi-gabi sa bahay ng ninang ko na taga-barrio rin namin. Grabe! effort ang inay Miyang niyo hahaha!

4. Alamat – yung alamat dito sa kwento ng Apat na sirena na tagapag-bantay ng perlas sa Pilipinas ay imbento ko lang. Gaya nga ng sabi ko, namulat ako sa lugar kung saan puro mga alamat ng sirena at nawawalang tao ang nangyayari. Dakilang chismosa rin ako kaya inaalam ko talaga noon haha! Once kasi na na-curious ako, hindi ko na talaga titigilan ‘yan hangga’t hindi ko nalalaman kung ano bang meron doon.

5. HUKBALAHAP scene – Naalala niyo ‘yung scene na napagbintangan na kasama ng HUKBALAHAP sila Batchoy. Ang kwento sa akin noon ni mama, ang lolo raw niya ay napagbintangan din noon nang ituro ng isang ‘Makapili’ pagkatapos ay ikinulong sila at kinabukasan ay ililibing dapat sila ng buhay kaso dumating na ang mga Amerikano at nabawi na ang bansa.

6. Japanese Occupation – Inabot ng halos walong buwan ang kwentong ito dahil nag-research ng bongga ang inay niyo haha. Hindi ganoon kalawak ang nababasa ko tungkol sa Japanese era dahil more on sa Spanish era ako naka-focus. Kaya maraming Salamat bebe Merlyn dahil niregaluhan niya ako ng history book ng Japanese Occupation noong fan meet sa QC circle. Thank you talaga bebe dahil tinulungan mo ako sa pag-reresearch kaya naituloy ko ang pagsulat ng Sirene.

7. Nikolas and Sirene – Sa totoo lang bet na bet ko yung character ni Nikolas na pilyo haha! Nag-enjoy talaga akong isulat siya at minsan natatawa na lang din ako sa pinaggagawa ko sa kaniya hahaha! Si Sirene naman yung tipong akala mo masungit pero deep inside may kabutihang tinataglay, mas nakakatuwa ang mga taong ganito kasi once na nakuha mo ang heart nila alam mong totooo talaga iyon.

So ayun! Maraming Salamat sa pagsubaybay sa kwentong ito, mamimiss ko ang tambalang NikoRene at syempre kayo lalo na sa mga comments niyo sa nakakalokang kalokohan ni Nikolas.

Oo nga pala, abangan ang kwento ni Diane na mag-fofocus naman sa old school noong 80s, kokompletuhin ko ang timeline ng history natin haha!

May kwento rin pala si Dolores na short story lang din. Abangan din kung sino ang lalaking tinutukoy niya sa ending. Wag na kayong magalit kay Dolores dahil friends lang naman sila ni Kolas at triggering point lang siya para umamin na si Sirene sa feelings niya kay Kolas hahaha!

Hanggang sa muli, “Thy Love” naman ang aking isusunod. Maraming Salamat!

Nagmamahal,
Binibining Mia (UndeniablyGorgeous)

Sirene (Published by ABS-CBN Books)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora