YOU ARE MINE, AND ONLY MINE. ALRIGHTS RESERVED
Chapter 6
May quiz kami today at hindi lang naman ako naka pag review man lang. Maya't maya ang pag hawak ko sa libro ko pero di ko naman iyon binubuklat. Bwesit kase na Dustin Drake na 'yon, sya na naman ang nasa utak ko. I'm trying to ignore but my mind keeps reminding me about him.
Kagabi hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil sa naalala ko ang kaulagaan nyang pinagagagawa at pinagsasabi kahapon, hays. Teng ene me Dustin.
Nabato ko ang libro ko sa sahig dahil sa subrang inis ko.
"Bwesit ka talaga Dustin!" Mura ko sa utak ko sabay pulot din ng libro ko.
Naka school uniform na ako at ready nang lumabas ng apartment pero parang tinatamad ako pumasok. Iniisip ko kase magkikita na naman kami ng ulaga na Dustin na 'yun.
I sighed.
Kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa likod ko saka umalis ng apartment ko.
--
Pumasok na ako ng room, halos lahat ay nag-iingay dahil sa pag review. Buti pa sila naka review eh samantalang ako puro stock knowledge lang ang laman ng utak ko. Bahala na si batman, tutal first quiz lang naman ito kaya bawi nalang ako sa susunod.
Naka upo ako sa upuan ko at nag buklat ng libro para magbasa. Di pa man ako nakakalahati sa pagbabasa ko ay may humawak sa kamay ko at ibinaba nya ang hawak kong libro.
"Goodmorning ganda!!!" Pag bulaga ng kanyang mukha habang naka pogi pose ang nyeta nya.
"Anong good sa morning kung ikaw ang makikita kong ulaga ka." Pinaningkitan ko sya ng aking mata.
Umupo sya sa kanyang upuan, sa tabi ko. Ako naman ay tumalikod sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang pagbabasa ko. Maya-maya pa ay kinalabit nya ako na syang pag kairita ko.
"Ano ba?" Pasuplada kong harap sa kanya.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin huh?"
"Eh nang-aano ka eh!. Nagbabasa ako dito." Pinaikutan ko sya ng aking mata.
"Nang-aano? Di pa nga kita inaano eh. Saka ka na magalit kapag naano na kita!" Ngisi nya sabay taas ng kanyang dalawang kilay.
Hahampasin ko na sana sya ng hawak kong libro nang sumagi ang mata ko sa kanyang kamay na may balot parin ng bandage. Napatawa ako back of mind dahil sa parang ito pa yung bandage na nilagay ko sa kanya kahapon.
I cleared my throat.
"Hindi ka naligo no?" Pagpigil ko sa pagtawa ko. Kinakagat ko na nga lang ang labi ko para di matuloy ang pagtawa ko. Masakit kaya sa tyan magpigil ng tawa.
Napatingin sya sa akin.
"Ba't mo naman nasabi?"
"Eh nandyan parin ang bandage sa kamay mo eh? Di mo yan pinalitan?"
"Paano ko mapapalitan eh sandamakmak na tape ang nilagay mo sa kamay ko. Inubos mo yata ang one inch medical tape eh."
Napahagalpak ako ng tawa after nya magsalita. Napatigil ako sa pagtawa ko nang napansin kong tumahimik ang lahat ng kaklase ko at syang pagtinginan nila sa akin.
"Sorry." I gulped.
Napatingin ulit ako kay Dustin at inintriga sya.
"So hindi ka naligo?"
BINABASA MO ANG
MAGINOONG MEDYO BASTOS
RomanceSya lang ang nagpadama sa akin nang ganitong pagmamahal. At sya rin ang ang nagbigay sa akin ng ganitong sakit sa aking puso. Ang hirap talaga kapag tinamaan ka ng subrang pagmamahal, dahil lahat-lahat ay maibibigay mo sa kanya. Sa ngalan ng pag-i...