My heart was filled of hatred ever since, so that's why I am doing this.
Chapter 34
Buhat nang bumalik ako sa bansa ay laman ng samo't saring balita ang muli kong pagbabalik. Laman din ng balita kung paano ako nabuhay at kung sino iyong Cassandra na ibinalita six years ago. Lahat ng tv and radio networks ay gusto akong ma interview pero 'di ko sila pinahintulutan. Ayaw ko nang kalkalin nila ang nakaraan, at ayaw ko ring balikan pa ang nakalipas. Okay na makita nila akong buo at buhay.
-
Ngayong araw na ito ang unang pagdinig ng kaso ni Leonora, ang murder case ng aking yumaong ina. Inihanda ko ang sarili ko para sa araw na ito. Inihanda ko na rin ang mga testigo naming ihaharap sa korte. Sisiguraduhin ko na sa unang araw palang ng pagdinig ay lalabas na ang tinatagong baho ni Leonora.
Naglalakad ako papunta sa court room, kasunod ko ang lawyer at ang detective ko. Sa aming paglalakad ay nakasalubong ko si Leonora at ang abogado nya na papasok na rin sa loob ng court room. Kapwa kami napatigil sa tapat ng pinto.
"Hey Miss Cassandra Thompson. I'm glad to see you again." Bati sa akin ni Leonora.
Napatingin ako sa kanyang kabuuan. She's wearing a black suit na tenernuhan nya ang pink na pantalon. Mas nakaka enjoy sigurong panuurin syang nakasuot sya ng orange shirt na may letrang P sa likod. Sadyang mapera lang talaga ang ahas dahil nagawa nyang magpyansa kaya nabigyan sya ng pansamatalang kalayaan. Pero mapapasaan at maibabalik ko rin ang ahas na 'to sa kanyang permanenteng selda.
"I'm sorry but I am not glad to see you." I smirked. Inirapan nya lang ako at syang pasok nila sa loob ng korte.
Papasok na sana ako sa loob nang nag kita kami ni Dustin. Kapwa kami napatingin sa isa't-isa na tila bang bagong magkakilala.
"I'm glad to see you again Ex." I said wearing a stern look. Ihahakbang ko na ang paa ko papasok nang hinawakan nya ako sa aking braso. Napatingin ako sa kanya.
"Any problem?" I said.
Binitawan nya ako.
"Cassandra baka pwede nating pag-usapan 'to."
"Ang alin?" Pagkunot ng noo ko.
"About sa kaso ni mommy. Baka magbago pa ang isip mo."
I laughed sarcastically.
Maya-maya pa ay pumagitna sa amin ang lawyer at detective ko para awatin si Dustin.
"Don't worry detective. I guess wala namang gagawing masama sa akin si Dustin. Mauna na muna kayo sa loob. And Mr. Cruz, ikaw na bahala sa testigo natin. I-condition mo muna sila."
Tumango lang ang lawyer ko at syang pasok nila ng detective ko sa loob ng court room. Naiwan kaming dalawa ni Dustin sa labas.
"Itutuloy mo ba talaga 'to Cassandra? You will never change your mind?" Si Dustin.
"No Dustin. Never na magbabago ang isip ko. Itutuloy ko ang kaso."
"Ikaw lang ang mahihirapan Cassandra. Kilala mo si mommy, magagawa nya ang gusto nya. Kaya nyang gawin ang lahat nang walang limitasyon."
BINABASA MO ANG
MAGINOONG MEDYO BASTOS
RomanceSya lang ang nagpadama sa akin nang ganitong pagmamahal. At sya rin ang ang nagbigay sa akin ng ganitong sakit sa aking puso. Ang hirap talaga kapag tinamaan ka ng subrang pagmamahal, dahil lahat-lahat ay maibibigay mo sa kanya. Sa ngalan ng pag-i...