XII.

2.5K 91 0
                                    

Aki

"No Aki. Pinagbigyan na kita kay Polo. Not with this matter."

Nasa bahay na ko ngayon at nakikipagbangayan na ulit kay mama.


"Why not mama? Pati ba naman pagpapakasal ko kailangang diktahan pa? I already told you, nakilala ko na 'tong Hiro kagabi sa bar ni Thei. And the hell mama! Thank god at nasa normal na kondisyon pa ko. If not, siguradong nirape na ko ng manyak na yon."

Pabalik balik ang lakad ko dito sa loob ng study room para lang pilitin si mama na kumbinsihin tungkol sa kasal.

Napansin kong hindi na umimik si mama sa huli kong sinabi. Sana naman magbago na isip nya. Kapag nagkataon kasi, mapipilitan akong sundin sya.

Ganto naman talaga ako. Madalas kinokontra ko sya pero sa huli pag hindi nya ako sinasang ayunan, sumusunod din ako sa gusto nya.



"Tigilan mo na nga yang kakapabalik-balik sa harapan ko. Nahihilo na ko sa ginagawa mo Alexandria."


Umupo ako sa harapan nya at nakipagtitigan sa kanya.



"You really hate Hiro?"


Pinagsalubong ko yung dalawang kilay ko para ipakita sa kanyang,"yes mama! I'm damn serious. I hate him kahit sya pa ang natitirang manyak este lalaki sa mundo."


Umalis sya ng tingin sakin at kinuha ang ilang papel sa mesa.

Mukhang i-snobin nya na ko dahil sa dami nyang pinipirmahan.



Napabuntong hininga nalang ako sa ina-akto ni mama. Nakakainis yung ganito. Nakukuha mo nga lahat ng luho, nakakapag aral sa magandang eskwelahan, pero yung gusto mo talaga.. Hawak nila..



Bigla namang napukaw ang atensyon ni mama sa tawag sa telepono. Ini-speaker nya, di ko alam bakit.

"Good Morning Senator Paula. Senator Yupert wants to know if Ms.Alex already agreed with the dinner date this evening?"

It's mama's secretary. Tingin ko alam ko na kung bakit naka-speaker.






Tumingin si mama sakin. Yung tingin na nagsasabing,"c'mon alex, pumayag ka na."





Tiningnan ko naman sya na parang sinasabing,"No mama, I wont. At hindi magiging posible kahit kailan!"


"Tell Sentor Yupert my sincerely apology. Alex did not agreed to have a date with his son. Thank you."

At binaba na nga ni mama ang mahiwagang tawag.



Todo naman ang ngiti ko. This time pinakinggan nya ko. Oh well...




"Thank you mama. Alam mo namang susundin ko lahat ng gusto mo. But not when it comes to my marriage."

Tuloy pa rin sa pagpirma ng mga papel si mama kaya nagdesisyon akong tumayo na. Sa wakas! Lalabas akong nakangiti ngayon.







Malapit na ko sa pinto nang pigilan ako ni mama.

"Wait Aki, do you have special someone? Like boyfriend? It's been too long simula noong last time na may ipinakilala ka samin ng papa mo. The last person we know is Red. At alam mo namang matatagalan bago sya bumalik ng pilipinas. So, I think there is someone who you are admiring kaya ganyan nalang yung pangungubinsi mo."

Humarap ako kay mama at nagbigay ng question mark look.


"Ayoko lang na pati kasal ko eh manggagaling din sa inyo mama."






"A.I" (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon