"One of the greatest tragedies in life is to lose your own sense of self and accept the version of you that is expected by everyone else."
A/N: I'm almost there 2chapters left. Sana makuha ko yung ending na gusto ko. Nafrustrate kasi ako sa anime movie nito. Kaya ginawan ko talaga ng sarili ko para masatisfy ako hahaha. Again, thank you sa reads. :*
✴✴✴✴✴✴
Aki
I am so crazy.. How did I possibly have sex with a robot?
Tanong ko sa sarili ko habang sapo sapo ang ulo ko.
Nagising akong tulala nang nag iisa sa kwarto. Jaime left me without words. Iniwanan nya akong hubad sa kama at takip takip ng puting kumot ang katawan.
She's so rude. Robot na rude..
Hinapit ko ang kumot sa katawan ko at tsaka tumayo na sa kama. Dumiretso ako sa banyo at doon ay inalis ito.
Napaigtad ako nang maramdaman ang malamig na tubig. Saglit pa akong napahawak sa labi ko, leeg, dibdib at sa iba pang bahagi ng hubad na katawan ko. Yung kaninang malamig na tubig ay biglang nag init dahil sa kung anong naramdaman ko.
Napapikit ako at inalala ang mga nangyari kinagabihan.
That was my first time.. And I'm sure, isa na naman 'to sa hahanap hanapin ko sa kanya..Napasandal ako habang dinadama pa rin ang tubig na bumubuhos sa katawan ko..
General POV
Isang malakas na pag iyak ang maririnig mula sa banyo ng kwarto ni Aki at ilang katok ni Thei sa pinto ng mismong apartment nya.
"Aki! Are you there? May dala akong cake. Baka gusto mong mag birthday?" Sigaw ni Thei mula sa pinto.
Ilang minuto na syang kumakatok pero walang nagtatangkang magbukas nito. Kaya hinagilap nya na ang spare key sa bag na binigay ng mommy ni Aki at madaling binuksan ang pinto.
"Aki?! Where are you???" Lilinga linga sya sa bawat sulok ng apartment hanggang sa marinig ang pag hagulhol sa kwarto.
Dali dali syang pumasok dito hanggang banyo at doon nga ay nabungaran ang duguang si Aki.
"Oh my god Aki! What are you doing???? Nagpapakamatay ka ba???!" Gulat na gulat na pagkakasabi ni Thei.
Basag ang salamin ng pintuan ng shower habang umaagos ang dugo mula sa kinauupuan ni Aki. Laslas ang pulso nya habang umaagos ang mga luha sa mga mata nito.
Agad na hinila ni Thei ang towel at itinali ito sa pulsong nalaslas ni Aki.
"Tell me Thei, she's alive! How can I possibly live without her?! And that! That robot! Si Jaime yun di ba?!! Sya yon!!!"Paghihinagpis ni Aki.
Hinawakan ni Thei ang magkabilang pisngi ni Aki at pinagmasdan ito. Hindi na napigilan ang emosyon ng kaibigan at nakisabay na rin sa pag iyak.
"I'm so sorry Aki... Dapat sinabi ko na sayo 'to. Pero pareho kayong hindi ko magawang tulungan.."
Napatigil sa pag iyak si Aki at tumingin ng diretso sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
"A.I" (GxG) Completed
Science Fiction"Hindi mo ko katulad. Hindi ako tao na may puso na dapat may maramdaman sayo. Hindi ako tao na may pag iisip para malito. Wala tayong pagkakapareho. Isa lang akong instrumento, at ikaw? Ikaw ang gagamit ng pagiging kasangkapan ko. Gumising ka na.." ...