Chapter 2

4.2K 104 22
                                    

Chapter 2..

"KILALA muna pala.." Ana's nito sa kaniya, na tila may kapilyuhan ang tanong sa kaniya ng kaibigan.

"Luh, hindi ah!" Mabilis niyang tanggi. "Saka busy ako Blue. Puwede sa ibang client mo na lang ipagawa."

"No! Wala akong ibang mapagbibilinan no'n kung hindi ikaw. Busy din si Fely, dahil pinapunta ko 'sya dito sa bahay para matulungan kami ni Alexa sa pag aayos."

"Bro, busy din ako." Pagpupumilit niya sa desisyon.

"Please bro.. Malaking kompanya ang kausap ko sa papers na iyon. Makakatulong sila sa business natin. Hindi narin magagawa ni Fely ang pumunta ng office." Mahabang paliwanag nito sa kaniya.

"Sa iba mo na lang iutos, sa secretary ko.." Maikling sagot niya.

"Balita ko hinatid mo daw 'yon pauwi?"

Kahit hindi nito binanggit ang pangalan ng dalaga, akam na niya nag tinutukoy nito. "Oo, pero walang malisya 'yun, Blue!"

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Wala pa naman ako sinasabi." Natatawang tanong nito sa kaniya.

"Uunahan na kita."

"Dalaga pa 'yon, bagay kayo."

"Ikaw na lang ang magbigay sa kaniya. Busy talaga ako." Pang iiba niya ng usapan.

"No! You will come here, and you will give her. Wala tayong ibang aasahan kung hindi ikaw. Makakabuti ito sa business natin, Greg!" May pagka alsa sa boses na ito. Kilala niya ang kaibigan, may time din na napipikon ito sa kaniya.

"OK, titingnan ko."

"Huwag mo'ng tingnan bro, gawin mo!" At walang paalam na pinatayan na siya nito ng telrpono. Naiiling siyang napangisi sa inugali ng kaibigan.

Hindi niya alam kung maasar ba siya sa kaibigan o maiinis. Kung iisipin wala naman ito ginawang mali o sinabing mali sa kaniya. Saka iaabkt lang naman. Siya ang may problema at hindi ang kaibigan niya. Hindi talaga niya maamin sa kaibigan na mabilis siyang naatract sa dalagang Jaja na 'yon.

Isinandal niya ang katawan sa di ikot na chair. At ginalaw galaw na tila naglalaro lamang.

Hindi talaga niya malubos maisip at matanggap, na sa isang babaeng may walong anak at naka tatlong asawa siya muli iibig. Marahang napangiti ang kaniyang labi.

"Ang pag-ibig nga naman, walang pinili! Sayang bakit ngayon ka lang dumating? Hindi sana magiging ganyan ang buhay mo." Natatawang banggit ng sarili.

Ilang sandali tumayo siya sa pagkaka-upo. Wala rin naman siyang panalo sa kaibigan. Mas mabuting maaga na siyang pumunta ng office nito para agaran narin niyang makuha ang papeles sa bahay nito.

"Mukhang pumayat ka yata?"bungad niya dito, saka pinasadahan muli ng tingin ang kaibigan galing sa ilang linggong honeymoon nito."Mukhang naubos yata ang lakas?" Segunda pa niya. "Umamin ka bro, ng lalalim ang mga mata mo." Dugtong pa niya.

"Greg! Naandyan si Fely at Alexa. Baka marinig ka!" Suway nitong natatawa sa kaniya habang naglalakad na sila. Ilang hakbang pa kasi ang bahay nito mula sa gate.

Sinalubong naman sila ng asawa nitong si Alexa. Binati niya ito at nginitian niya. Nakita din niya ang ina ni Jaja. Sumilay ang ngiti sa labi nito ng makita siya, kaya ginantihan din niya ng ngiti ito.

Dumiretsyo sila sa sala. Inalok siya ni Alexa ng maiinom, ngunit tumanggi siya. Inilapag niya ang hawak na papeles sa table na kinuha sa office nito.

"Lahat na yan. After mo pirmahan naandyan naman si Fely, sa kaniya ko na lang iaabot." Diretsya niyang sabi. Naisip niya naandyan naman ang ina nito, bakit hindi na lang niya dito iabot gayong lalayo pa siya.

Greg Villa Amor (COMPLETED TEXT SERYE) ❤ Where stories live. Discover now