Chapter 3

3.5K 101 8
                                    

Chapter  3..

"NASAAN KA Bae? Puwedeng magkita tayo dito sa bahay, may sasabihin lang ako sa'yo?" Ani Alec sa kabilang linya. Si Alec ang bestfreind  niya. Since high school, hanggang mag college sila. Si Alec na siguro ang pinaka day best na best friend sa mundo. Kase ito 'yung bestfreind na laging naka payo at laging naandyan para sa kaniya. Kung titingnan nga, parang magkapatid lang sila. Napagkamalan pa nga silang kambal.

"Nasa Jeep! Bakit kaylangan pang pumunta ako diyan, sabihin muna lang bae, dahil inaantok ako." Napahikab pa siya ng masabi iyon.

"Gusto ko, sa harap mo tayo mag -uusap." Seryosong saad nito.

"Bakit, importante ba 'yan?"

"Hindi lang importante, baka umiyak kapa."

Kinabahan siya sa tinuran ng kaibigan. Ano kaya ang ibabalita sa kaniya nito, gayong puwede naman sabihin nito sa selpon dahil kausan narin niya ito. "Bae, huwag mo naman ako pakabahin." Malamlam na anas niya.

"Bae, hindi kita pinapakaba.."

"Alec! Ang aga n'yan! Sabihin mo na nga! Ano ba kasi 'yon? Please sabihin muna bae, busy ako. Hawak ko mga papers na ibibigay ko sa kumpanya ni Mama. Kaylangan 'kong basahin ito. Ireview.."

Nadinig niyang bumuntung hininga muna ito bago nagsalita sa kaniya. "About Kian, nakita ko 'syang may kasamang ibang babae kanina."

Habang sakay siya ng Jeep, hindi niya alam kung baba ba siya doon o magwawala siya. Namumuo na ang malilit na luha sa kaniyang mga mata. Kinalma niya ang sarili at nagtanong dito. Sisiguraduhin muna niya kung paano nakita ng kaibigan ang nobyo. "P-paano 'm-mong nakita." Utal niyang bulong. Marami rami din kasi siyang kasabay sa loob ng Jeep. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiuyak siya.

"Hindi lang nakita, as in dinaanan ko pa sila. Inutusan kasi ako ni Mama bumili ng bread ngayong umaga. Ang landi ha, ang aga-aga naghaharutan sila sa isang coffee shop. Akalain 'mong hawak pa ni Kian ang kamay ng girl, dahil interesado ako hininto ko pa sa gilid ng karinderya 'yung car ko, makita lang na kung siya ba talaga 'yon. And yes!  'Syang, 'sya nga bae!" Hindi na niya pinagpatuloy ang pakikinig sa kinukwento ng kaibihan. Kusa na kasing ibinaba ng kamay niya nag selpon niya.

"Ale, naandyan kapa ba?" Mahinang dinig pa niya na tanong ng kaibigan niya. Nanginginig ang mga kamay niyang ibinababa iyon at saka ini off ang selpon.

Pinunasan niya ang luhang nagbabadyang gusting tumulo sa mga mata niya. Hindi kaylangang bumagsak iyon. Ayaw niyang mapunta ang atensyon ng mga nakasakay sa Jeep.

Pagkarating niya sa bahay, nakuha niyang magmukmok na lamang sa loib ng kuwarto niya at sinabayan pa niya ng page iyak. First love at firstboyfreind niya sa Kian. High school at college pa lamang sila nito, may lihim na siyang pagmamahal dito. Ayaw naman niyang masabing easy to get siya dito kaya pinatagal niya nag pangliligaw nito. Nakikita naman niyang seryoso ito, at naitanong naman niya sa binata na, siya lang ba ang nililigawan nito. At sincere naman ito dahil halos araw araw na panliligaw nito, kaya ng nakaraan araw sinagot na niya ito.

Humihikbi siya habang tinititigan ang litrato nila no Kian kagabi. Kung nakinig lamang siya kay Alec. Hindi siya masasakatan ng ganito. Alam naman nilang playboy ito sa campus noon pa man, dahilan habulin ito ng babae dahil sa natatanging kagwapuhan nito. Pero puso ang piniiral niya.

Edi, ano siya ngayon? Nganga!  Umiiyak siya.

"Sinungaling ka Kian! Pinagsabay mo pa kami, bwisit ka! Tapos ibibilang mo pa ako sa mga naging babae mo!" Pumipiyak niyang maktol, habang patuloy ang pagtulo ng luha niya.

"Sabi mo hindi mo ako lolokohin at ibibilang sa kanila, akala ko nagbago kana. Pangako mo kagabi, pay nakatapos tayo ng pay aaral mag tatrabaho tayo, dahil mag iipon tayo para sa magiging pamilya natin. Busit ka! Matisod ka sana!" Hiyaw pa niya sa loob ng kuwarto.

Greg Villa Amor (COMPLETED TEXT SERYE) ❤ Where stories live. Discover now