"Huhuhuhu"-may narinig akong isang iyak mula sa baba kong saan ako nag papahinga.Sumilip ako kong sino iyon at doon ay nakita ko ang isang batang lalaki na tila malalagutan na ng buhay sa kakaiyak.Bumaba ako mula sa puno dahil subrang ingay nya kaya nilapitan ko ito.
"Hoy!napakaingay mo naman,para kang nag wawalang tuta.Ano ba ang problema mo?"-inis na sabi ko dito ngunit malamig ang aking boses.
"si-sino ka?ano ang iyong gi-ginagawa rito?"-nauutal na sabi nito.
"ikaw ang dapat kong tanongin dyan.Sino ka?tyaka bakit ka umiiyak?gusto mo mabatukan?"-galit na sabi ko dito at nag babadyang batukan sya ng agad nito hinarangan ng kanyang kamay ang kanyang ulo kaya ibinaba ko na ang aking kamao.
"huhuhu!wag mo akong sasaktan,ako si *sub*kiel,huhuhu!wag mo akong sasaktan huhuhu"-lumuhod pa ito sa akin at nag makaawa.Hindi ko mapigilan ang aking halakhak dahil napaka uto-uto nya.
"HAHAHAHA!napaka uto uto mo,hahahaha!bakit ka nga pala nandito.ha-ha-ha-hoo hahahaha!"-hindi ko parin mapigilan ang tawa ko.Napatigil ako sa pag tawa nag marealize kong ngayon lang ako nakatawa ng ganito.
"ang ganda mo palang tumawa!"-manghang sambit nito at lumapit sa akin,nagulat ako ng biglang paghawak nito sa aking mukha ng nakangiti na halos hindi na makita ang kanyang mata.
"A-anong ginagawa mo?umalis ka nga!"-sabi ko dito at tinulak s'ya.Sa tingin ko ay napalakas ata ang tulak ko dahil bigla na lamang itong umiyak ng malakas.
"HUHUHUHU!BAKIT*sip*BAKIT MO AKO TINULAK?HUHUHU!"-nag mamadali ko itong nilapitan at itiningala ko ang mukaha nito na puno ng kanyang mga luha
."Hoy!tumahimik ka nga.Napakaiyakin mo naman.Bakit kaba nandito sa gubat?"-malamig na tanong ko at pinahidan ag luha nito.
"Na-naiwan ako dito,huhuhu!ayaw ko dito,takot ako,huhuhu!"-nagulat ako sa biglang pag akap nito sa akin,kaya hinagod ko ang likod nito.
"ayos lang umiyak dahil nandito lang ako para sayo."
***********************************************************************
Bigla akong nagising at habol ko ang hininga ko.
"Panaginip,ano ang ibig sabihin n'on?sino ang batang iyon sa panaginip ko?"-tanong ko sa sarili.Hindi ko maalala ang mukha ng lalaking iyon.Parti ba sya ng aking nakalimutang nakaraan?
***kringggg***kringggg***kringgg***
"ok,class pwede na kayong mag recess"-nakangiting sabi ng aming gurong si mrs.Naturm.Hinintay ko munang lumabas ang lahat bago tumayo.Nasa pintuan na ako ng harangan ako ni ZJ.
"Sumabay ka sa akin"-malamig na sabi nito."pwede din ba kaming sumabay sa inyo?"-napatingin ako sa gilid ko ng biglang mag salita si Danillo sa gilid ko.
"Sige"-sabi naman ni Sabrina na kararating lang."tara gutom na ako baka nandoon na sila"-sabi ulit nito.Na una na akong mag lakad sumunod naman sa akin si ZJ.
"hindi ko sila gustong maging kaibigan"-walang emosyong sabi ni ZJ sa akin."bakit?marami namang nag sasabing mabait sila ah?"-sabi ko at tinignan siya.
"basta,ayaw kong mapalapit sila sa atin,oara kasing may kapahamakang ibibigay ang mga 'yon eh!"-nakakunot noong wika nito.
"wag ka nalamang mag pahalatang hindi mo sila gustong maging kaibigan"-malamig na sabi ko dito.
"ikaw?may tiwala ka ba sa kanila?"-tanong nito sa akin.
"wala,hindi kasi ako madaling mag tiwala"-hindi na ito muling nag salita.Tinignan ko ang apat sa likod,si Sanbrina ay nakikipag bangayan sa dalawang mag kapatid,samantalang si Darmikiel naman ay tahimik lang.
Agad akong napaharap sa aking unahan ng biglang bumaling sa akin si Darmikiel.Nag patuloy nalamang ako sa aking pag lalakad hanggang nakarating nanga kami sa canteen.Bumuhos agad ang mga kanya kanyang bulongan.
"bakit nila kasama ang prinsesa at prinsepe?"-napatingin ako sa nag salita at ng makita nitong nakayingin ako sa kanya ay pina ikutan lamang ako nito ng mata.
"lagot ang lintang si Rena na yan mamaya kay prinsesa Marshana"
"oo nga,lagot sya hahaha"-sabi ng dalawang pamilyar na babae na malapit lamang sa akin.
"wag mo silang pansinin"-nakangiting sabi ni sabrina at hinila ako papunta sa gilid ng canteen,malapat ang kanilang misa at marami ng pagkain ang nakahanda.
"wala pa siguro sila,hali ka Rena tabi tayo"-hinila ulit ako ni Sabrina upang ma upo sa tabi nya,habang umupo naman sa harap si ZJ na napapagitnaan nila Darmikiel at Danillo at napapagitnaan naman ako nila Sabrina at Danica.
"matagal pa ba sila?"-naiinip na tanong ni Danica.
"Wahhhh!!"
"Oh My Pants wahhh mga fafa ko"-napatakip ako ng aking tinga dahil sa napakala lalakas na sigaw ng mga bakla sa kabilang mesa.Tsk!pati ba naman dito nasusundan parin ako ng mga baklang mukhang coloring book?
"Nandito na pala sila eh"-sabi ni Sabrina kaya tinignan ko ang pintuan at nakita kong nangungunang tumatakbo papunta sa amin o mas tama ko bang sabihin kay Sabrina.
"My labss!!!"-sigaw nito na para bang ilang buwan silang hindi nag kikita,ngunit napatigil lamang ito ng biglang tumayo at humarang sa dadaanan nito si Danica."Wahhhh!!Xavier ko na miss kita"-sigaw nito at umakap kay Xavier.Napangiti ako kay Sabrina ng maramdaman ko ang biglang pag palit ng prisinsya nito.
"Xavier!"-napatigil ako sa pag tingin kay Sabrina ng tawagin ito ni Cyrus na seryoso ang mukha.Kinuha ni Cyrus ang kamay ni Danica na nakapulupot kay Xavier.
"Masyadong napaka mapanganib hihihi"-pilit na tawa nito at ibinalik sa pag upo si Danica sa dating upoan nito.
"Ano ang ibig mong sabihin? "-nalilitong tanong nito.tsk! Nag papakainusinti pa.
"Ibig nyang sasabihin ay may mag sesilos."-deritsang sabi ko at nag simula ng kumain.
"Sino naman? Hoy!sino? "-hindi ko ito pinapasin at tinignan lang si Sabrina na nakatingin sa akin at ng makita akong nakatingin sa kanya ay bumalik na ito sa pag kain nya.
"Hoy! Sino? "-pangungulit parin ni Xavier sa akin.
"Ang kulit mo hindi ko sasabihin dahil isa iyong..."-malamig at pabitin ko sabi.
"Isa iyong..?."-tano nito sa akin at kumain na.
"Sikretong malupit!"-napatingin ako kay ZJ ng malaman nya ko ano ang gusto kong sabihin."secretong malupit pala ah!MALALAMAN KO RIN YAN!!!!WAHAHAHAHA!!!"-sigaw n'ya na para bang isang pangarap ang kanyang isinigaw na gusto niya talagang makamit.
"haiyst!nakakahiya ka!kumain ka na ngalang"-sabi naman ni Sabrina at sinobuan ng malaking buger si Xavier.
"ahmp!a-ano ba!"-inis na sabi nito at bumalik na sa pag kakaupo at nilantakan ang isinubo ni Sabrina na burger sa kanya.
"Nasaan pala si Marshana?"-napatingin kami kay Danica na nililibot ang paningin nito sa paligid.
"Oo nga noh?saan nga ba sya?"-tanong naman ni Amethyst.
"Masama ang pakiramdam"-biglang singit ni ZJ sa usapan.
"paano mo nalaman?"-tanong ni Jantel na para bang nag susupetya s'ya dito.