♣♠♥♥♦♦♠♣
**KABANATA(32)**
♣♠♥♥♦♦♠♣
°°°VICTORUM KINGDOM°°°
••VICTUS POV••
Ngayong araw ay ang araw ng pag bisita ko sa training camp ng mga kawal na inihahanda sa labanan.Pinatawag ko ang aking ikalawang kamay dahil may mahalaga akong itatanong dito.
"Kamusta na ang aking mga anak?Nababantayan ba nilang maigi ang prinsesa at ang kapatid nilang si Rena?"-seryosong tanong ko.
"Ah!Ayon sa na-nakalap ko,kamahalan.Si-si prinsesa Rena ay hindi--"
"Kamahalan,handa na ang po karwahi!"-biglaang sulpot ng isang kawal kaya napahinto ang kanyang sasabihin sa akin.
"Lumayas ka!Alam mong nag uusap kami hangal!"-ipinakaladkad ko ito sa kapwa nitong kawal at sinabing ipatapon ito sa kulungan ng mababangis na hayop.Muli kong itinuon ang aking pansin sa aking kausap.
"Ipagpatuloy mo!"-inis na turan ko rito.
"Si-si Re-Rena po na inaakala mong anak mo ay hi-hindi po sya"-nangangatog na sabi nito.
"ANONG SABI MO!!!!!??"
**SOPHE's POV**
"KYLE!!!!!!"-sigaw ko ng makita kong kinagat kagat nya ang pinaka mamahal kong bullpen na hiniram nya lang sa akin.
"Bakit?"-walang ganang tanong nya kaya binatukan ko sya."Aray naman!"
"Mang hihiram ka nangalang kakagatin mo pa!!!"-suntok dito suntok doon ang ginawa ko sa kanya nakaka gague na sya e!
"Amethyst,ilayo mo sya sakin!!"
"Kasalanan mo yan!May ginagawa pa ako dito"-tanggi ni Ame sa pag hingi nya ng tulong.Tama nga naman busy kasi sya sa pag guhit kay Cyrus,hindi naman namin classmate si Cyrus.Pinuntahan lang sya ni Ame para e guhit,hindi naman sya nakatanggi dahil nanliligaw sya kay Ame kaya kahit may klase pa ito ay mas pinili nyang paunlakan ang gusto ni Ame.
"Ang sweet talaga ni kuya Cyrus,HINDI TULAD NG IBA JAN~"-pag paparinig ko kay kyle.Umamin sya sakin na crush nya ako pero hindi naman pinaparamdam.
{FL4$# 84©K}
Kasalukuyan kaming nakikinig dito sa usapan nila Zack at Rena.Mag kasama kami nina Ame at Sabrina,pupunta sana kami ng library ngunit bago ka makakapuntang library ay madadaanan mo muna ang clinic.Nakita ko ang lima na para bang may pinakikinggan.
"Hoy!Ano ginagawa nyo?"-tanong ni Ame,napansin nya din ang lima.
"Shhhhh!"-sabay-sabay na sabi ng lima at tinuro pa ang pinto.
"May ano naman jan?"-tanong ni Sabrina at tinulak si Jantel para sya ang pumalit sa pwesto nito.
"Saan si Cyrus?"-napatingin kami kay Ame dahil sa tinanong nya.
"Oiyy~,hinahanap nya si Cyrus~ hahaha"-panunukso naman ni Xavier.
"Shhh!Tumahimik ka nga hub!"-pag papatigil nito sa fiancee nya at nakinig ng mabuti sa pinag uusapan sa loob kaya nakinig na din kami.
"Ahhh," Na sabihin kong matulog ka na dahil gabi na"yon ang sinabi ko kaya byeee"-iyon ang narinig namin.Dali-dali naman kaming hinawakan ng boys at sinimulan na naming tumakbo dahil baka mahuli kami ni Zack.Na punta kami sa garden ng school,walang nadadaan dito dahil hindi naman ito trip puntahan ng iba at tyaka gabi na kaya wala ng mag pupunta dito maliban sa amin.
"Hooo!ANG GOGONGGONG NYO TALAGA!!Alam nyo namang pwede tayong mag teleport tapos kinaladkad nyo pa kami ha~ha~"-hinihingal ngunit may halong inis na sabi ni Sabrina.Sa aming tatlo ay si Sabrina talaga ang matapang at mainisin sa amin,si Amethyst naman yong may 50/50ng personality at ako syempre mabait ako bwahahaha,take note never kong dinown ang sarili ko.
"Tsk!Nataranta lang kami wifey!"
"Maka wifey ah!Kasal kayo?Kasal kayo?Ha?Ha?"-pilusupong tanong ni Jantel kay Xavier.
"At least kami ikakasal,e ikaw?Wawa,bleee"-tumakbo ito at hinabol naman ito ni Sabrina.
"Hoy!gonggong kong asawa,ihatid mo ako!"-hinabol nya ang dalawa na hindi man lang naisipang magpaalam sa amin.
"Amethyst,ihahatid kana namin ni James."-aya ni Dylan sa kanya.
"Pero sabay kami ni--"-bago pa ito maka tanggi ay pinutpol na ni James ang sasabihin nya.
"Hali ka na nga!Ma lilintikan kami kay Cyrus e!Ikaw na bahala kay Sophe,Kyle!"-hinila na ng dalawa si Ame na nag pupumiglas pa sa hawak nila.
"Ta-tara ha-hatid na kita" -na uutal na sabi nya at nag kamot pa sa ulo nya.
"Kyle"-seryusong tawag ko sa kanya habang nag kakamaot parin ito ng ulo at napabaling sakin."May kuto ka ba?"-napa talikod naman ito at napakamot ulit.Haiyst!Bahala nga sya!Iniwan ko sya don habang parang baklang nag rereklamo.
"Te-teka lang naman!Wag mo akong iwan,bakit ba palagi nyo nalang akong iniiwan?"
"Sabihin mo na kasi gusto mong sabihin!Pwede mo din namang sabihin kong may problema ka,may crush problem ka hahaha..."-madami pa akong pinag sasabi hangang sa makadating na kami sa dorm na tahimik lamang sya."mag papatulong ka man ligaw,alam mo na expert ako sa mga pag papayo diba?Hoy!Tahimik mo naman may poblema ba?"-problema ba kasi nya?Simula bata palang kami na wewerdohan na ako sa kanya.
"Ka-kapag ma-may umamin sayo na...na crush ka nya aano ang isasagot mo?"-bakit nya ba tinatanong sakin yan?
"Well,hindi ko alam,depende siguro sa taong aamin"
"Kunwari,kunwari lang ha?Ako ang aamin sayo na crush kita,ano ang isasagot mo?"
"He?Enebe weg kenge!"
"Hoy!Sagotin mo kasi tanong ko!"
"E,paano kita sasagotin hindi ka naman nanliligaw"-nakangising sabi ko dito,hahaha gusto ko lang syang inisin at wala kasi akong maisip na sagot sa tanong nya sakin e.
"Hoy!Wala akong balak manligaw,hindi purkit crush kita ang man liligaw na ako agad agad!"-diri-diritsang sabi nito at hindi na naisip ang pag amin nya sa akin,omygosh!!!cr-crush ako ni crush?AHHH!!!Crush ako ng crush ko bwahahaha,mainggit kayo!Mainggit kayo,hindi kasi kayo crush ng crush niyo bleee!
"A-ah?Cru-crush mo 'ko?"-pautal-utal ko kunwari para hindi mapag hahalataang kinikilig hahaha.
"Ako?Crush ka?Psh!Asa!Sige na,baka hinahanap kana ni Amethyst!"-tumalikod na ito ay nag tatatakbong umalis sa harapan ko.
"Hahaha!May crush pala sayo si Kyle,Sop.Hahhaha!"-napatingin ako sa aking likodan at nakitang nandoon si Amethyst.
"O?Bakit nandito ka pa?Nasaan si Sab?"-tanong ko dito para malihis ang usapang tungkol sa crush.
"E,natulog na inunahan pa ako.Pagka dating ko kasi kasunod nila e bagsak agad yon sa kama,tapos ako naman ay hinintay ka"-paliwanag nito sa akin at pumasok na ulit sa bahay."At sa wakas na amin din nya sayo?"-nag taka ako sa sinabi nya.
"Ha?pakiulit nga ng sinabi mo"
"Sabi ko matulog na tayo,kasi baka mapagod tayo sa training bukas,slow mo!"-umakyat na ito sa hagdan na kumikimbot pa.Malaki ang dorm namin,ordinaryo lang naman sya tulad ng ibang dorm,kaso tatlong babae lang kami ditong nakatira.
Sa eskwelahan kasing ito ay hindi kami tinuturing na prinsesa at prinsepe kong walang okasyon.
Ang eskwelahang ito ay pinapabayaan lamang kong may away para rin mahasa ang kakayahan ng mga estudyante,kay ngalang kapag napasubra na ang awayan na sa puntong mag kakamatayan na sila ay doon na lamang aawat ang mga nakakataas.Gaya sa nangyari kina Zakiel at Roser,matalik silang magka ibigan noon ngunit natigil ito dahil trinaydor ni Roser si Zakiel,binalak na nakawin ni Roser ang kwentas na mahalaga kay zakiel kasi ibinigay ito ng kalaro daw nya dati ng bata pa sya,kulay silver ito at ang pindant na bilog nito ay kulay red/blue/violet.Malaki ang galit ni Zakiel sa kanya kaya niyaya sya nito makipag dwelo,naganap ang labanan nila sa canteen field,nasa punto na sila na tutusokin na sana ni Zakiel si Roser ngunit naawa sya dito dahil naalala nya ang napagsamahan nila,sa hindi inaasahan ay bumaliktad ang sitwasyon,papatayin na sana ni Roser si Zakiel ng dumating ang mga nakakataas at ang principal kaya napigilan ito.Hanggang ngayon ay magkaaway padin ang grupo namin at grupo nila Roser.
[End of flashback]
"Hoy!Tulala ka,mag ta-training na tayo!Tayo nalang tatlo ni Sab dito na una na silang lahat sa labas"-relamo ni Ame habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Aray!aray!Nahihilo ako ano ba!"-napahinto naman ito at nag peace sign sakin habang nakangiti.
"Guys!Bilisan nyo nandyan na ang nag attendance at kapag wala tayo don pag ka dating nya,100 jump and jack (tama ba?)tayo!Hali na kayo bilis!"-bago pa kami maka sagot ay hinila na ny kami at nag teleport sa canteen field.
BINABASA MO ANG
Strengga University:Mgical Gangster School(ON GOING)
FantasyIsang babaing pinagkaitan ng emosyon simula nang nag karoon ito ng muwang.Lumaki ng walang emosyon at malamig mag salita.Makakakilala ang mag papabago nang buhay nya.May mamahalin na syang dahilan ng kanyang pag babago ang dating walang emosyon at m...