Diary Ng Nerd #6

297 10 3
                                    

Dear Diary,

"Betty panget! Betty panget!" yan yung alarm clock ko diary. Nirecord ko yan tapos ginawa kong ringtone. Ayaw ko pa ngang bumangon e. Kasi ang sarap humiga. Nangangamoy ihi parin. Hay nako. Ng bigla kong naalala yung mouthwash. Oh my! Kailangan ko ng bumangon para kumain at gamitin yun.



Pagkatapos kong kumain nagmadali akong pumunta sa banyo at ginamit yun diary. Binuksan ko na yung listerine at ininum ko. Pagka lunok ko, "Tangina!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ANG SARAP!!" lasang menthol na parang binigyan lang ng acid. Ay sana regaluhin ako ng maraming ganito. Hindi naman pala mouth wash to e. Parang softdrinks lang. Hihi sobrang saraap




"O nak, diba bago palang yung listerine mo kahapon? Bat ubos na nga?" sabi ng nanay ko habang hawak yung bote ng listerine. "Tinatanong paba yan nay? Edi syempre ininum ko ^_^" nagulat naman si nanay pagkasabi ko nyan. Bakit kaya? Hay maiwan na nga sya. Late nako e.



*suot sa eye glasses *bihis bihis



Pagtapos kong nag prepare, agad na akong lumabas at tumakbo papuntang kanto. At himala! Wala si Red. Bakit kaya wala yung gangster na yun diaryyyy?



Ilang minuto lang nakarating na ako sa school. Nag commute nalang ako diary. Pag pupunta sa first subject namin, kailangan pang dumaan sa parking lot. May shortcut kasi dun para mas malapit. Pagdaan ko sa parking lot, may naririnig akong nag uusap na lalake. Na curious si betty na pinakamaganda sa balat ng lumpia kaya lumapit ako. Nakatayo sila sa gilid ng sasakyan.




O.O Nagulat ako sa nakita ko diary! Dahil ang nag uusap ay sina Red at Dennis! Naging bakla na ba si Dennis? :'( Kaya pala makatingin siya kay Red kahapon wagas!! Awts ang sakit. </3



Habang nakikinig ako sa usapan nila, ay mali, wala man pala akong naririnig. Hindi pa pala ako nakapag linis ng tenga. Ng may matapakan akong kalat kalat na lata. At boom panes! Narinig nila yung ingay. Kaagad naman silang napatingin sa kinaroroonan ko. "Betty?!" tanong nilang dalawa. At take note! Sabay pa sila.



"Mag-ka-ki la la ka-kayo?" tanong ko na nauutal. Hindi naman sila sumagot. Bagkus, naglakad pang palayo si Dennis. Hindi ako pinansin. Si red nalang ang kasama ko ngayon. Ang tagal kong nag iisip bat hindi ko makuha kuha yung sagot kung bakit sila magkasama. Hindi kaya, tama yung hinala ko na bakla na si Dennis, diary? :(





At ayun nanaman diary, dahil sa kakaisip ko sa maliit kong utak, nakaalis na pala si Red. Mukhang malungkot sya e. Nakalayo na sya kaya di ko na hinabol. Dumaretso na ako sa first subject namin.




Totoo kaya yung hinala ko diary? Hm sana naman hindi no?

Ps.


Betty

____________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now