Diary Ng Nerd #15

238 5 2
                                    

Dear Diary,

Ang saya ng araw na to diary. Ganito kasi ang nangyari.

"BETTY BATUGAN!!!!!!!!"

Bat naging ganun yung ringtone ng alarm ko? Hayst. Matulog na nga muna. Nananaginip pa ata ako diary e.

"TATAYO KA BA JAN O BUBUHUSAN KITA NG TUBIG PARA NAMAN HINDI KA AMOY PATIS JAN!!"

Napabangon naman ako sa kama ko. Syempre ayaw kong mabuhusan ng tubig no. Tengene nemen diary. Si nanay pala yung tumawag sakin na batugan kanina. Tsaka di nga ako amoy patis e. Ang kulit talaga ni nanay no diary.

Habang naliligo ako, para akong nasa fairy tale. Kasi na iimagine ko parin yung date namin kahapon ni red. Ay este yung lakad pala namin kahapon! hehe.

Kunwari sinasayaw ako ni red at kunwari naka gown ako. hihi ang ganda ko. Kahit hubo't hubad ako sexy parin haha.

Habang sumasayaw ako, tsaka ako natapilok at nasawsaw yung mukha ko at buhok ko sa inidoro. Ih kainis naman. Kaya agad na akong lumabas ng banyo. Late na ako e.

Pinabayaan ko nalang ang buhok ko na may sabaw ng inidoro. Matigas rin naman yung buhok ko e. Di ko na susuklayin. Tsaka ko nalang pinunas ang maganda kong mukha.

Ilang minuto lang nakarating na ako sa school. Bat kaya tinitignan ako ng mga tao? Hay.

"May tae sya sa buhok yuck"

"Oo nga yuck ewww kadiri"

Yan ang mga naririnig kong sinasabi nila. Aba syempre, yung palagi kong ginagawa patay malisya lang ako. Dibale ng malait ako wag lang gumanti.

"Tumigil nga kayo sa pang iinsulto kay betty!"

Si Dennis yan. Tsaka nya ako hinila papuntang cr.

"Betty! Bat di mo kasi sila labanan minsan! Sumobra naman kabaitan mo! Tignan mo inaabuso na nila ang kabaitan mo. Sa susunod kung di mo talaga kayang lumaban sige andito lang ako. Ako nalang mag tatanggol sayo. Teka, maligo ka na muna! May tae ka sa buhok mo e! Ano bang nangyari sayo?"

Napalunok naman ako ng laway dun. Sinermonan pa ako ni walk out boy. Pero syempre kinilig ako dun no. Hihi

Pagkatapos nun ay naligo na ako. Pwede naman maligo dito sa cr. Kasi may mga gamit naman kami sa locker namin.

"T-thankyou den-nis ha.. " sabi ko. Nauutal ako kasi ang gwapo nya parin. Ay mali, lalo pala syang gumwapo kumpara nung crush ko pa sya date.

"Wala yun betty. Osya pasok na ako ah. Sige ingat ka jan. Tawagin mo ulit ako kapag may nang api sayo"

Tsaka na sya umalis. Di ko man nasagot ang sinabi niya.

Tsaka na ako pumasok sa klase ko. Hindi na ako nakapasok ng first subject. Hay. Pero atleast nakasama ko si dennis. Hindi dahil gusto ko sya. Ewan ko kung ano e. Kikilig ba ako? Babalik ba ang pagmamahal ko sa kanya? Ay ewan. Pero atleast bumango na ako diary hihi

Eto muna para sa ngayon,

Ps.

Betty

________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now