CHAPTER NINE

3.6K 273 76
                                    

KINABUKASAN ay hindi pa rin ako pumasok. Maliban kasi sa ayokong problemahin ang kaklase kong may bali sa kamay, sobrang lakas rin ng ulan noong araw na iyon. Kapag malamig ang panahon, mas madali akong tamaan hindi lang ng sipon pero pati na ng katamaran.

Dahil doon kaya maghapon lang akong natulog, kumain, nanood ng tv, at nilaro ang pusang si RJ. Pero saglit rin naman akong naging productive dahil nag-ayos rin ako ng mga gamit at naglinis ako ng kwarto ko.

Pagdating ng hapon ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Mabuti na lang talaga at hindi ako pumasok, dahil paniguradong mahihirapan akong makauwi dahil pahirapang makakuha ng sasakyan kapag malakas ang ulan.

"Mamaya na lang ako magsasaing..." nasabi ko sa sarili ko nang makita kong trenta minutos pa bago sumapit ang alas sais. Ako lang naman mag-isa ang kakain kaya kahit mamaya na ako magluto.

Habang nanonood ako ng tv sa sala ay nakarinig ako ng malakas at sunod-sunod na pagbusina mula sa labas ng bahay namin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Sobrang lakas ng ulan at wala rin akong ineexpect na bisita, kaya sino naman ang mangangahas pumunta dito sa bahay namin?

Agad akong sumilip sa bintana, at doon ko nakita si Raeken na nasa labas ng gate at pilit tinatanaw ang bahay namin. Mukhang motorsiklo ang dala niyang sasakyan kaya basang-basa na siya ng ulan.

Ano ang ginagawa ng ungas na 'to dito sa bahay namin?

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin, pero hindi ako lumabas. Tumayo lang ako sa may pintuan.

"Ano ba ang ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kanya.

Nilabas niya mula sa ilalim ng leather jacket na suot niya ang ilang notebooks at ipinakita ito sa akin. "May dala akong notes. May exams kasi tayo sa Monday. Hindi ka pumasok kaya dinala ko yan sayo."

Kahit naiirita ako, napilitan pa rin akong lumabas ng bahay para sa kanya. Kumuha na rin ako ng payong para hindi na siya mabasa lalo ng ulan.

Mula sa mga notebooks na dala niya ay nilipat ko ang tingin ko kay Raeken. Ramdam ko ang lamig na dulot ng mga patak ng ulan na tumutulo sa balat niya, pati na ang pagtama ng malamig na hangin na nagpatayo naman sa mga balahibo ko.

May isang parte ng utak ko na nagsasabing maawa ako sa kanya, pero ayoko namang ipakita na concerned ako sa kanya.

"Hindi ko kailangan yan. Umuwi ka na sa inyo. Ang lakas ng ulan. Baka ako pa ang sisihin mo kapag nagkasakit ka," tugon ko bago siya tinalikuran at naglakad pabalik sa bahay namin.

Pero bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay naming ay natigilan ako nang marinig kong muli ang tinig ni Raeken. Malakas man ang ulan, malinaw kong narinig ang mga sinasabi niya.

"Sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Nacurious lang kasi talaga ako. Ang hirap kasing paniwalaan eh. Hindi ko rin naman kasi inakalang mapapahamak ka dahil sa ginawa ko."

Humigpit ang hawak ko sa payong, tapos ay muli ko siyang hinarap.
"Umuwi ka na sabi eh," mariin kong tugon.

Isinuklay ni Raeken ang kamay niya sa buhok niyang basang-basa na ng tubig-ulan. "Bahala ka. Basta hindi ako aalis dito."

Ang tigas ng ulo.

Magsasalita sana akong muli, nang bigla na lamang nagkaroon ng maikling pagliwanag sa paligid, na sinundan naman ng malakas na pag-alingawngaw ng kulog. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang mangyari iyon, tapos ay pumasok sa isip ko si Raeken.

Pagtanaw ko sa gate ay hindi ko na makita ang ulo niya.

Hala siya. Ano na kaya ang nangyari dun?

Touching You, Touching Me [✔]Where stories live. Discover now